Overflowing Joy

38 1 0
                                    

Scripture: Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo! Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon.
-Filipos 4:4‭-‬5 MBB

Habang sinusulat ni Paul ang liham para sa simbahan ng Filipos, katunayan siya'y nakapiit sa bilangguan yet hindi niya ito itinuring na hadlang upang mapuno siya ng kagalakan sa halip ito pa ang nagtulak sa kanya na palakasin  ang loob ng iba at patuloy na gumawa ng kabutihan.

Narito ang ilang paalala sa'tin ni Apostol Pablo:

*Rejoice in the LORD always.
His instructions was clear. Sa lahat ng pagkakataon dapat tayong magalak. Alam kong napakahirap nito sapagkat may mga pagkakataong mahirap humanap ng rason para sumaya lalo't higit kong meron tayong pinagdadaanan.Ngunit katulad ni Paul, tayong mga Kristyano ay may motto sa buhay,"Happiness depends on happenings but joy depends on Jesus". Hindi nakadepende ang ating joy sa paligid/external things but it comes from within. Mula  ito sa Panginoon kaya hindi nananakaw ng kaaway sa atin anuman ang mangyari. Paulit-ulit na sinabi ni Pablo na magalak tayo which means we have to live joyfully dahil we have this overflowing joy. Nag-uumapaw na kaligayahan na hindi lamang limited sa atin kundi nakakahawa rin sa iba to the point na mapapatanong sila,"Bakit lagi kang masaya sa kabila ng lahat?" Then we can confidently say, "I have Jesus in my life."

*Let your  gentleness be known to all men.
    Dahil meron tayong kagalakang nagmumula sa Panginoon kaya naman dapat nating ipadama ang kabutihan sa iba. Na sa kabila ng sitwasyon at mga pinagdadaanan natin sa buhay hindi ito kailanman magiging hadlang sa pagtulong natin sa nangangailangan. Ika nga kapag gusto maraming paraan, pag-ayaw maraming dahilan. Helping and giving is not just about money but it's all about our heart. At kapag meron tayong overflowing joy kusa na ang paggawa natin ng mabuti. But take  note na ang good works is not the reason for us to be save but good works is one of the fruits of our salvation. Magkaiba yun!We must be a living testimony in this world. Lagi nating tatandaan na ang ministry ay bunga lamang ng malalim at matibay na relasyon natin sa Panginoon.

The Lord is coming soon!
Ito ang pinakahihintay nating araw: ang kanyang pagbabalik! Kaya naman habang matiyaga tayong naghihintay gamitin natin ang lahat ng pagkakataon upang siya'y paglingkuran. Ang pagbabalik ng Panginoon ay tagumpay para sa atin. We Only Live Once kaya dapat gamiting mabuti ang abang buhay na meron tayo. Nawa maging desire natin sa kanyang pagbabalik ay maabutan niya tayong tapat at tunay na naglilingkod sa kanya.

To GOD be the Highest Glory!

Pursuing JESUSWhere stories live. Discover now