"Sabi ng doctor mo kailangan mo pa raw ng rest at wag mong pinupwersa 'yang paa mo," sabi sa akin ni Yana nang hindi tumitingin sa akin habang hawak nya ang menibela ng Maserati ko.
"Hmm," I hummed in response, wala akong gana makipag-usap simula nang matapos ang championship, panibagong semester na rin ang padating.
Dalawang araw ako sa condo at ngayon ay kasama ko si Yana na pumunta sa bahay talaga namin. Kailangan ko bumalik sa bahay dahil hirap ako sa pilay ko na gumalaw-galaw at wala akong ibang choice kung hindi ay umuwi at magpatulong kay manang Ester.
"Magstay ako sa bahay nyo ng ilang days ha, para maasikaso din kita, Best," muling sabi nito and I shortly hummed again in response.
Iiling-iling na tumingin sa akin si Yana na para bang dismayado sa inaakto ko.
"Best, nandito na tayo sa bahay nyo, hindi mo man lang napansin?"
Iginala ko ang aking paningin at dito ko napansin na nakapasok na pala kami sa isang malaking gate at ngayon ay nandirito na kami sa harap ng isang malaking bahay, our house.
Mula nang dumating ako sa pilipinas para mag-aral ay sa condo na ako dumiretso at hindi man lang ako nakabisita dito, hindi rin naman ganuon kadali na dumito dahil mas marami ang makakasalamuha ko dito kasama na ang iba pang kasambay kaysa kay manang Ester kaya delikadong magtagal ako rito.
The house still looks so elegant na halata mong walang palya sa linis ang bahay na ito kahit ang mga kasambahay lang naman ang pansamantalang nakatira dito. Nanduon sa gilid ang isang malaking lap pool na wala man lang ni isang dahon ang makikita. I miss this place. Pinsan ng sarili ko ang pakilala ni manang Ester sa akin at dito muna daw ako tutuloy, funny as it sounds pero parang nakikituloy lang ako sa sarili kong bahay dahil na nga sa ganitong kaso ko ngayon.
"Sabay na tayong mag-enroll for next sem, Best ha." muling sabi ni Yana habang nag-aayos ito ng mga gamit ko pati na rin ng sa kanya.
Napatulala ako ng sandali at nag-isip.
"Wag na kaya muna ko mag-enroll? What if i'll stop and try to figure out first kung anong mangyayari sa'kin? Yana i'm tired. Gusto ko nang bumalik," seryosong saad ko kay Yana.
Yana raised her brows and looks at me.
"Bakit hindi mo ba pwedeng gawin 'yan habang nag-aaral ka?" she asked.
"Pwede naman, pero mas maganda kung mas marami akong time baka mas mapadali 'yung mga sagot."
For quite a second, Yana didn't answer. She's trying to comprehend what I am suggesting at base sa mukha nit9 ay parang tutol pa rin ito.
"Best, is this because of Ava?" sinsero nyang tanong.
I sadly looked at the sky outside, straight from my window from my bed on where I am sitting. Gusto ko nang bumalik sa dati dahil nahihirapan ako sa sitwasyon ko mahirap man aminin pero kung babalik nga ako ay alam kong hindi rin naman ganuon kadali ang lahat. Hindi dadali ang mga bagay bagay.
BINABASA MO ANG
What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)
Ficção GeralVienne Krea Heatherson is a half Filipino - half British girl who decided to live in the Philippines by her own, but little did she know that her life will literally change as soon as she wakes up on a guy's body. The worst part? Why did it happen...