Ikaapat na kabanata
"Pssst....Pssst"
Lumingon lingon ako. Kung sino ang sumisitsit. Kahit naman kasi sino mapapalingon kung may sumisitsit. Siguro instinct na natin yun.
"Hoy Jillian.. Jillian dito sa likod mo. Nakakabobo naman nito." napatingin ako bigla sa likod ko dahil tinawag ang pangalan ko.
"Wow huh. Nakakahiya naman sayo. Sa sobrang talino mo nawala na yung manners mo!" sarkastiko kong sabi sa kanya
Nakakahiya nga lang kasi ang daming tao dito sa May sakayan. Tapos nagsisigawan kami.
"Kung tinatawag mo kasi agad yung pangalan ko. Hindi yung May pa catcalling ka pang nalalaman."
"Kung hindi ka kasi bingi at kanina pa kita tinatawag Di sana di ko ginawa yun! Maglinis ka naman ng tenga Jillian. Nakakahiya ka naman sayo at ang bingi ko kasi." ani ni Cyrus
"Tara at sumabay ka na sakin." pagyaya nya habang nakahazzard sya ang sasakyan nya
"Wow talaga nga naman. Pagkatapos mo akong insultuhin nagmamagandang loob ka? Totoo ba yan? Wag mo akong niloloko Cyrus Wala ako sa mood!" pagtataray ko sa kanya. Hindi pa rin ako makamood on sa nangyari kahapon.
"Ako na nga nagmamagandang loob Ikaw pa tong mataray! Ano sasabay ka ba o iiwan na kita dyan!? Bilisan mo at malalate na ako. Ang dami mong arte Jillian!" Iritadong iritadong nyang sabi. Nakakunot na ang noo nya at parang bubuga ng sya ng apoy pag hindi ko pa sya sinagot ng maayos.
Naglakad na ako palapit sa sasakyan nya. Nakakahiya at ayaw ko man sumabay sa kanya, Wala na akong magagawa. Sa sobrang tagal ng Jeep baka Di na ako makaabot sa first subject ko.
Binuksan ko ang front seat nya " Oh ito na sasabay na ako. Kung hindi lang ako malalate hindi ako sasabay sayo, pagkatapos mo akong insultuhin!" padabog kong sinarado ang pinto ng kotse nya
"Thank you huh! Ikaw na itong sinabay, ikaw pa itong hindi marunong magpasalamat!" pasigaw pa rin na sabi nya habang papaalis na kami.
Hindi na ako umimik dahil siguro tama naman yung sinabi nya. Dapat akong magpasalamat. Kahit papaano naman kasi sinabay nya ako.
"Sa——Lamat." putol ko sa katahimikan. Kahit nahihirapan akong sabihin yun.
"Anong sabi mo? Hindi ko narinig. Pakiulit nga."
"Hindi ko na uulitin no! Ikaw bingi ka din pala."
"Ulitin mo nga sabi! Hindi ko narinig. Paano pa naman ang hina ng boses mo at nauutal ka pa." pahayag nya habang focus pa rin sya sa pagmamaneho. Ang isang kamay nya ay nasa manebela at yung isa naman ay nakatukod ang siko sa bintana habang hawak hawak nya ang labi nya
"Aba bahala ka. Kasalanan mo at bingi ka!" pagtataray ko. Ngunit Di ko mapigilan ang pag ngiti ko. Ewan para na akong nababaliw.
"Sige na please! Hindi ko talaga narinig gusto ko lang ulitin mo." parang bata napagpupumilit nya. Nagpapout pa.
Sobrang gwapo talaga ni Cyrus. Kahit may pagkamasama ang ugali nya minsan naman mabait sya. Pero once in a blue moon nga lang.
"AYOKO! Period tapon susi!" tiningnan ko sya at nilabas ko ang dila ko.
"Wag mong ilalabas yang dila mo Jillian, hihilain ko yan makikita mo!" pagbabanta nya
Natahimik naman ako bigla sa sinabi nya. Tinuon ko na Lang yung patingin ko sa labas ng bintana. Habang nagmumuni muni ako bigla syang nagsalita
"Sorry nga pala kahapon sa library. At Tsaka hindi ako nakikipagflirt kay Ana. She's flirting with me. I'm not flirting with her. Magkaiba yun. Di ko naman kasalanan na gwapo ako diba." pagyayabang nya
"Naks may pagbuhat pa ng bangko ah. Whatever! Wag nyong dadahil sa library ang harutan nyo at wag kayo magpapakita sakin dahil naiirita ako sa mukha ng babaeng tinubuan ng makeup!" irita kong sabi sa kanya
"What the fuck! Hahaha babaeng tinubuan ng makeup? Really? Saan mo nakuha yun?" natatawang sabi nya. Parang tanga sa sobrang tawa nya parang mauubusan na sya ng hininga.
Ano naman nakakatawa. Totoo naman ang sinabi ko.
"Totoo naman! Sobrang kapal ng makeup. Halos mabura na ang totoong mukha nya. Kung makikipaglandian ka, pumili ka naman ng natural beauty Cyrus. Nakakahiya yung taste mo. May itsura ka naman Pero ang baba ng taste mo!"
"So gwapo ako?" nakangiting tanong nya
Natulala naman akong panandalian sa sinabi nya.
"I never said na gwapo ka no! MAY ITSURA. Wala naman ang word na gwapo doon!" mabilis na sagot ko. Kahit na nabigla ako sa tanong nya.
"Ganun na din yung Jillian walang bawian." Nakangiti nyang sagot
Di ko namalayan na huminto na pala ang sasakyan ni Cyrus sa school. Pababa na sana ako ng May sinabi sya sakin.
"I really like natural beauty. I like natural beauty like you Jillian and your most welcome."
Argggh narinig nya pala ang sinabi ko, at bakit kinikilig ako.