Chapter 16

252 8 2
                                    

Denise POV

Sabay kami umuwi ni Migo. Nagpasundo sya sa driver nila at hinatid ako hanggang bahay. Panay sorry sya sakin sa sasakyan. At panay din ang halik nya sa kamay ko.

Bumaba pa sya ng sasakyan para ihatid ako ng gate.

"kelan mo pala ako ipapakilala sa daddy mo?" tanong nya. Nagulat ako.

"huh? Ahmm ano? Baka pagbalik na lang nya. Wala kasi si dad di ba?" sabi ko.

"ok hindi ako makapaghintay mameet sya" naku pow hindi nya pwede mameet si daddy kailangan matapos na tong kalokohan na to. Inaantay ko na lang sign ni Zic.
"I love you" biglang sabi nya. Shet. Nagulat ako dun. Napakalaki ng ngiti nya at naghihintay ng sagot ko.

"ahhm.." jusko di ko masagot yun. niyakap ko sya. Sorry Migo. Basta niyakap ko lang sya. Ititigil ko na to. Ayoko nang saktan sya. Hindi ko pala kaya.

Hinawakan nya ang kamay ko at muling nagsalita..

"ang sabi ko mahal kita" nakangiting sabi nya. Nag-aabang pa din sya ng sagot ko.

"g..goodnight" nakangiting sabi ko. Napansin kong kumunot ang noo nya sa sagot ko.



Ayaw nya pang bitawan ang kamay ko pero nagmadali na kong pumasok sa loob.

"g..goodnight" malungkot na sabi nya.

Pagsara ko nang pinto. Dun ako nakahinga ng maluwag.. Hayyyyy.

Im sorry Migo..
Sorry sa lahat. Ayaw ko nang saktan ka. Ayaw ko nang lumalim pa lalo nararamdaan mo.
Pero masaya ako kung anong meron kami ngayon.

Hayssss naguguluhan na nga ako sa sarili ko.



~~~~~~❤~~~~~~~

Migo POV

Naglalakad na ko papasok ng school. Hanggang ngayon palaisipan sakin bakit tanging goodnight lang sagot nya sakin.

Minsan napapaisip ako kung mahal nya ba talaga ako?


Nakita kong kasama nya mga classmates nya kaya lumapit ako.

Natawa ako na naggaGary V naman sya

Kung kaya kong iwanan sya..
Di na sana aasa pa
Kung kaya kong umiwas na
Di na sana lalapit lapit pa
Kung kaya ko sahanaaa

Pumalakpak mga classmates nya. Hahahaha. Pero promise galing na impersonator ni Denise. Andami nyang kayang gawin at napakatalented nya para sakin.

Napansin nya ko kaya kumaway sya sakin. Lumapit naman ako at hinalikan sya sa noo

Ang sweettt
Biro ng mga kaibigan nya.

"inggit ka bhie? Bigyan kita bumbay" si Denise. Hahahaha buset.

Nagpaalam na kami sa mga ito.
Hinawakan ko ang kamay nya at sabay kaming naglakad. Proud ako na girlfriend ko sya. Pero napapansin ko parang nahihiya sya kada hahawakan ko ang kamay nya o hahalikan sya. Siguro PDA para sa kanya pero para sakin. Gagawin ko lahat para sa kanya.

"nga pala.. Ibibili kita ng phone.. Ikaw na mamili ng gusto mo" sabi ko.

"naku hindi na.. Antayin ko na si daddy.."

"hindi bibili tayo. Ayoko nang di kita nacocontact noh, hindi ako mapakali" sabi ko.

"yieeeeee namimiss mo kagad ako noh" pang-aasar nya.

How to unlove you (Part1 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon