'Safe Haven'
Every person has their own comfort zone. Different to one another. Me, my comfort zone is my small yet peaceful room. This is the place where I write stories. This is the place where fresh wind, peaceful mind, the smell of books, the blank ink and music is hugging me. It really ease my stress.
"Maya, bumaba ka na!" Rinig kong sigaw ni Nanay na nasa kusina at nagluluto ng pananghalian. Inayos ko ang mga papel na sinusulatan ko ng aking kwento. Pinasok ko ito sa loob ng aking libro upang hindi liparin ng hangin. Ayoko naman itong magkawala wala.
"Napakatagal mo naman, kumain ka na." Aya ni Nanay. Si Kuya naman ay nasa lamesa na at nakaupo kasama si Tatay. Ako na lang talaga ang hinihintay nila. Nanalangin muna kami bago nagsimula kumain. Habang sa pagkain ay iniisip ko kung anong isusunod ko'ng scene sa aking ginagawang kwento.
"Oy, saan ka pupunta. Maghugas ka muna ng pinggan bago ka pumunta ng kwarto mo." Sambi ni Nanay nang makita niya ako na akmang aakyat muli sa taas. Napabuntong hininga ako bago lumapit sa kusina.
Ang daming hugasin.
"Aba, huwag mo iyan titigan. Hindi 'yan magkukusa na maglinis ng sarili nila." Sabi ni Nanay na nasa likod ko. "Opo..." Sagot ko sa kanya. Napakadaming hugasin, animo isang barangay ang pinakain. May mga kawali pa na pinaglutuan, napakadami talaga.
Sinimulan ko na silang hugasan at nang matapos ay nagpunas ako ng kamay at umakyat muli. Agad akong naupo sa upuan na nasa tapat ng sirang bintana. Dahil dito, malayang nakakapasok ang sariwang hangin sa loob ng kwarto ko. Dahil bukid ang makikita mo dito sa labas kaya malakas ang hangin at presko pa.
Sinuot ko ang earphone ko at nagpatugtog ng mga instrumental song. Hinayaan ko lamang tangayin ng malakas na hangin at mahabang buhok ko. Napakaganda ng view dito. Asul na kalangitan, ang berdeng bukid at ang mga kalabaw na masipag magtrabaho. Ang sarap talaga na ganito lang ang buhay. Walang kemikal.
Dahil sa panonood ko sa magandang tanawin, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising lamang ako nang parang may mabalahibong kamay ang humahaplos sa mukha ko. Kinusot ko ang aking mata at tinignan ito. Nanlaki ang aking mata nang makita ko kung sino ito.
"Sino ka?" Tanong ko sa kanya. Isa siyang orange na pusa, may suot siyang itim na bowler sa ulo ay may hawak na tungkod. "Ako si Jose, gusto mo ba mamasiyal?" Tanong niya sa akin. Nilibot ko ang tingin ko.
Nandito pa naman ako sa aking kwarto. Ang kaibahan nga lang, ang ganda ng aking kwarto. Parang isang lugar ng mga fairy. May blossom tree sa paligid. May ibon na naglalabas pasok sa bintana ko. May mga paru paro at mga magagandang bulaklak. Napakaganda dito. Para ba'ng hindi lugar ng mga tao.
"Nasan ako?" Tanong ko sa kanya. "Nasa kwarto mo." Nakangiting sambit niya. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsayaw kami ng nagsayaw. May instrumental song at malakas rin ang hangin. Ang ganda, gusto ko ganito na lang ang aking mundo palagi.
"Gumising ka na." Napatingin ako kay Jose nang magsalita siya. "Huh?" Tanong ko. "Gumising ka na." Agad akong napataas ng ulo nang marinig ko ang boses ni Nanay. "Ngingitingiti ka pa habang natutulog. Gabi na, magsaing ka na." Sagot ni Nanay.
Panaginip lang pala iyon. Akala ko naman totoo na. Akmang lalabas na sana ko nang may makita akong isang pink na bulaklak. Bulaklak na galing sa blossom tree. Napangiti ako.
"Hindi panaginip."
YOU ARE READING
Short stories
General FictionThis photo is not mine. Credits to the rightful owner.