5

32 0 0
                                    

"Rock my world into the sunlight, make this dream the best i've ever known, dirty dancing in the moonlight, take me down like I'm a dominooo." kanta ko habang pabalik nang classroom, lakompake kung may naririndi sa boses ko, pake ba nila kung feel ko magmini-concert sa hallway.

"Every second is a higlight, when we touch don't ever let me- ay kalabaw ka!" nagulat ako nang bigla nalang sumulpot sa harap ko si Miss Cabral, adviser nang theater club.

"S-sorry po mam! A-alis na ko mam!" eeskapo na sana ako kaya lang

"Wait Ms. De Guzman." pigil nya pa sakin. "I heard you singing. You really have a good voice." puri nya pa sa akin.

"Ay thank you po miss!" nahihiyang sabi ko. Kala ko papagalitan ako.

"Now, I want you to audition for the female lead role of Theater Club's Musical Play."

HA?!

"A-ah miss? A-ano p-po-?"

"I said I want you to audition for the female lead role of Theater Club's Musical Play. Aren't you listening?" salubong ang kilay na tanong nya

"A-ah I'm listening naman po, ah, nagulat lang p-po kasi ako na pinapaaudition nyo ako jan." utal ba utal na sabi ko.

"Well, as what I've said earlier, you really have a good voice, full and clear. All the auditionees out there didn't passed the audition because they are trying too hard to sing." sabi pa ni Mam. "Well as for you, you can effortlessly sing without forcing your voice, based on what I've heard." tinignan nya pa ako mula ulo hanggang paa. "And your figure really fits the physical attributes of the female lead role! Petite and average height. And I think that you can act well." dagdag nya pa.

Nge, hindi nga ako marunong umakting!

"Ah, miss hindi kasi ako marunong uma-"

"Miss Peñaflor!" tawag nya pa sa adviser naman nang English Club! Patay tayo neto! Wala na akong kawala! T.T

"I found the right student to act for the female lead role! Look at her!" pinasadahan pa ako nang tingin ni Mam Peñaflor, pagkuwa'y ngumiti nang matinde!

"Good catch Miss Cabral!" lumapit pa si Mam Peñaflor at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "We'll take you to the auditorium so you can audition. I hope you'll pass. We're expecting." nakangiting sabi nya. Taeng yan di pa nga ako pumapayag!

"Ah miss kasi ano-"

"Let's go, this way." hinawakan nya na ako sa magkabilang balikat at sapilitang pinalakad, minuwestra nya pa ang daan papuntang auditorium.

Wala na akong kawala! Yan concert ka pa sa hallway ah!

"Ah miss, may klase pa po kasi-"

"Who's your subject teacher for this time?" tanong ni Mam Cabral na kasabay na rin naming naglalakad.

"Ah si Sir Diaz po, TLE-"

"I'll excuse you. I'll talk to him later." kung uubra ka don, sobrang strikto non!

Nakakainis! Wala na akong kawala! Hindi nila ako pinatatapos magsalita dahil siguro alam nilang aangal ako. Para akong ikukulong sa krimeng di ko ginawa! Kaloka!

Halos iluwa ko na ang puso ko sa sobrang kaba nung nasa tapat na kami nang auditiorium. Pumasok na kami, iginala ko ang paningin ko sa paligid. Parang sine ang auditorium namin, pababa ang hanay nang mga upuan. Sa harap ay malaking stage. Malamang sa malamang dito gaganapin ang musical play. Dumiretso kami pababa hanggang sa stage. Lumapit naman si Miss Cabral kay Maya at Leah, napatingin naman sila sa akin kaya kinabahan ako nang bongga. Matapos makipag-usap ni Miss Cabral kela Maya, lumapit na ito sa akin at hinawakan ako sa balikat.

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon