Listen To Your Heart

2 0 0
                                    

Chapter 1
Its  your fault ,Christian ",pabuntong-hiningang wika ni Cassandra habang tinatanaw sina Zarah at Carmela na magka-sparring partner habang nagpa-practice ng karate -boxing sa maluwang na gym nila .
"Sweetheart ,ano ka ba naman ?Ano ba naman ang masama kung mahilig sa sports at martial arts ang ating dalawang dalaga ?natatawang tanong ni Christian .
Inakbayan nito ang asawa at masuyong kinabig palapit sa dibdib nito .
";Yon na nga ,eh ,Pareho  silang mahilig sa sports at martial arts,pareho rin silang nahilig sa pagtatrabaho sa agency natin to the point na pati ang pagmo-model nila sa ibang bansa ay tinalikuran .
Aba;y. Nag-aalala na ako na baka tuluyang maging tomboy ang dalawang ' yon ."
   ;'Cassandra,ano ka ba naman? Hindi mo ba nakikitang kaygaganda ng ating mga anak na dalaga?At imposibleng maging tomboy sila dahil ang paborito nilang ipabili sa atin kapag nag-a-abroad tayo ay make -up pa rin at magagandang bestida "
     "Ang kaso nga ,mas madalas na nakapantalon sila dahil sa nature ng kanilang trabaho.Mabuti pa noong nagmo-model sila at hindi naiisipang gayahin ang mga kuya nila,mga kilos -babae sila"
     "Iyon na nga ,dahil lang sa trabaho kaya ganoon sila manamit .kapag naman may dinadaluhan silang pagtitipon ay sila pa rin ang dating mga fashion model na puwedeng ihilera sa naggagandahang kadalagahan sa Paris",
     Muling napabuntong -hininga si Cassandra.
      Ewan ko ba naman sa inyo nina Duxs at Meynard kung bakit kinumbinsi ninyong gumaya sa inyo ang dalawang ,iyan.Maganda na naman ang trabaho nila sa abroad ,ah .pati tuloy sina Zarah at Carmela  ay nagaya sa inyo ",
",Cassandra ,Sweetheart ,nasa dugo nila ang pagiging adbenturere ",
      "Mana kasa sa iyo !"
        "Hi "Pa ,hi.  ,Ma ! Buhat sa pinto ng silid ay pumasok si Zarah.
    "O, Hija ,saan ang lakad ...", Humagod ang tingin ni leandro sa isa pang anak na dalaga .
    T-shirt na puti at jogging pants na itim ang suot ni Zarah .tinernuhan iyon ng puting rubber shoes at itinali nito ng pataas ang mahabang buhok.may wristband pa itong suot.
     "May praktis kami ng volleyball ni Carmela .May laban kasi ang team namin sa isang linggo;,.
         "Ganoon ba?  so ,saan kayo magpapraktis niyan?"
     Lihim na nagkatinginan ang mag-asawa,
     Heto pa ang dalawa nilang anak na dalaga ,kapwa rin mahilig sa sport at kung mag-ayos ay para na ring mga lalaki .
      Mahilig din sa martial arts ang mga ito dahil na rin sa nakikitang pag-eensayo noon ng ama at mga kapatid na lalaki .
Diyan lang sa sport complex sa kabayanan .pero tutuloy kami mamaya ni Carmela sa rancho ,balita ko,y may gaganaping rodeo ang mga tauhan natin .Sasali kami"
       " Zarah , ano ka ba naman?panlalaki ang larong iyon at-"
      " Ma, sanay na naman kaming sumakay sa kabayo ,ah", Inakbayan ni Zarah ang ina.
    "Kahit na.Anong malay ninyo .,baka magluko ang mga kabayo at ihulog kayo ",
   "Dont worry ,Ma, mag-iingat kami.sige ho,aalis na kami,saka isang mabilis na halik sa pisngi ni Cassandra ang iginawad nito.
Nang makalabas na ng silid ng mag-asawa ang dalaga,napailing na lang si Cassandra.
     Alam niyang hindi niya mapipigil ang mga anak sa nakahiligan dahil sa dugong nananalantay sa ugat ng mga ito.
     Ang dugo ni Christain ,the tough detective noong kapanahunan nito.
     Isang lalaking lalagnatin yata kapag hindi nasuong sa panganib ang buhay.
      The man behind the success of Iron Eagle Detective Agency na ngayon ay kilala na sa buong bansa dahil sa kahusayang magtrabaho.
    Noon kasing makasal na sila ni Christain. Ay ipinasya nitong magtayo ng sariling detective agency sa kabila ng kaabalahan nito sa pagtulong sa kanya sa mga negosyo ng Montemayor at sa pagpapalago sa sariling kabuhayan na minana nito sa mga magulang.
       
DOCTOR Zev Montillabon
    "Yeah .iyan ang bagong kaso na hahawakan mo,wika ni Duxs na inabutan ni Zarah sa opisina.
  "So,   ayon dito sa mga papeles napag bintangan siya na may kagagawan sa pagkamatay ng isa niyang pasyente na kuwestiyonableng huminto ang tibok ng puso gayong nadeklara ng ligtas na ito na mula sa isang major operation",
     "Yes. As a matter of fact ,magsisimula na ang hearing sa kasong"iyan by next week ",
   "Ang anak na babae ng namatay na babae.Si Cara de montelida .Gusto niyang sa paghaharap sa korte ay marami siyang ebidensiyang ipakikita sa judge, Gusto niyang idiin nang husto si Zev upang makulong ito",
   "Gaano kalaki ang posibilidad na si Doctor Zev monticillo ang may kasalanan?
   "Sixty-forty ,guilty siya,iyon ang sabi ni Cara"
Napatangu -tango si Zarah .mayamaya ay kinuha niya mula sa brown envelop ang isang 8×10 na larawan ng isang lalaking nakauniporme ng puti.
  He has that expressive eyes.Sakakatingin ng lalaki sa lena ng kamerang kumuha ng larawang iyon.,pakiwari ni Zarah ay sa kanya ito nakatitig.
   Oh,well guwapo pala at bata pa ang Zev montecillo na ito .Kung siya ang may kagagawan sa pagkamatay ng kanyang pasyente ,ano kaya ang dahilan niya.
      At sa ilang saglit,nanatili lang siyang nakatitig sa guwapong mukha na iyon .
Ang matangos nitong ilong ,ang may kanipisang mga labi na may pinong bigote sa itaas,ang mga mata nito ,ang hugis ng mukha ,lahat ng iyon ay na-capture ng kanyang paningin at tila xerox copy na tumatak sa kanyang isip.
   Maging ang unat nitong buhok na tila kaysarap haplusin dahil makintab ,pakiwari ni Zarah ay may munting bahagi ng kanyang puso ang umasam na sana ay makilala at makita na niya ito ng personal .
      "Sis?"
H-ha? Napalingon siya sa kapatid .
  "Mukhang na-mesmerized ka sa pagtitig sa mukha ng doktor na yan, ah?Natulala ka ,eh may kalakip na panunudyo ang tinig ni dux,"guwapo,ano? Sabi ni cara ay binata pa raw yan
   Kuya,ha? at agad naman niyang naunawaan ang ibig nitong tukuyin.
Hindi naman komo guwapo ang doktor na yan ay matutulala na ako. Kaya ko lang siya tinititigan ay para kahit saan ko siya makikita ay matandaan ko ang kanyang mukha, depensa niya,
"Okay,fine ",tatawa-tawang wika ni duxz,
   "  kuya     -"
Dont,defensive ,little sister ,ha? Nagbibiro lang ako,
Napangiti na lang si Zarah .kapag ganitong malambing na ang salita ng kanyang kuya. Nawawala ang pagkapikon niya.
   "O,sige, i have to go.dadalhin ko na itong mga files niya,pupunta na rin ako sa kliyente natin para personal ko siyang makausap,"
   "Okay,tawag mo sa akin kung ano na ang development ng kaso ha?
  " Sure ! Iyon lang at nilisan na niya ang opisina ng kapatid.
Cara de montelida  is a young ang very beautiful woman.matangkad ito sa taas na 5,10, at well-proportioned ang katawan ,sa unang tingin ay iisiping isa itong fashion model .
  Pero namalan ni Zarah na isa itong business woman at the age of twenty five.
Anak pala ito ng mamayapang si. Don Romano de Montelida na may -ari ng isang kilalang shipping lines sa bansa at ni Dona Merlita Mijares,isang socialite at dating pulitiko na kilala sa pagiging maka-masa .
   Noong nabubuhay pa ang donya ay marami itong natapos na proyektong pabor sa mahihirap .
   " He's my ex-boyfriend ,"walang gatol na wika ni Cara habang bahagyang nakataas ang kilay,Nang Makipag-break ako sa kanya six months ago in favor of my new admirer ,alam kong nagalit siya sa akin.
   But i ignored him. Akala ko;y doon na natapos. Ang relasyon namin na tumagal ng tatlong taon.Pero nitong nakaraang buwan ,inatake ang mama ko at kinailangang operahan sa puso.Wala ako noon at nasa Amerika kaya hindi ko alam na siya pala ang nag-opera kaya mama.
  Tagumpay naman ang operasyon ,in fact. Kaya hindi na ako bumalik agad dito sa pilipinas ay dahil itinawag sa akin ni Tito Renato na okay na siya at nagpapagaling na lang ,kaya nagtaka ako ng ibalita niya sa akin na patay na ang mama,Huminto raw ang tibok ng puso nito isang gabing walang kasama. Sa kanyang suite "
       Ilang sandaling nilimi ni Zarah ang mga sinabi ni Cara.
    Magkaharap sila sa maluwag na sala ng mansiyon ng mga de montelida .nakalatag sa naroong center table ang mga papeles ,larawan at iba pang documento na may kinalaman sa kaso,
"But how come na si Doctor Zev Montecillo ang pinagbibintangan mo sa nangyari sa mama mo .
Tagumpay ang operasyon sa mga kamay niya at-"
  "Ayon sa awtopsiya ,kaya huminto ang tibok ng puso ni Mama ay may nag-inject sa kanya ng gamot .isang uri ng gamot na nagpahinto sa tibok,ng kanyang puso at tuluyang pumatay sa kanya ,"
    "At si Zev ang pinaghihinalaan mong-
"Hindi ako lang, may mga saksi na nakita si Zev na galing sa kuwarto ng mama gayung hindi pa niya oras para mag-rounds,
  "Ah "Napatangu-tango si Zarah,
Nagsisimula na siyang makumbinsi na si Doctor Zev nga may kagagawan ng kamatayan ng ginang,
Nagsisimula na siyang makumbinsi na si Doctor montecillo nga may kagagawan ng kamatayan ng ginang,
   "So ,magagawa mo bang makakuha pa ng ibang ebidensiya na magtuturo sa kanya bilang suspect?
   Napatirig siya sa mukha ng babae ,
Sa kislap ng mga mata nito,bakit may pakiramdam siyang ang nababasang kislap ng galit sa mga matang iyon ay hindi lang dahil namatayan ito ng ina ,kundi dahil sa mas malalim na dahilan ,
    "Its part of my job ,Miss Cara .I give my best",
  "Kung ganoon ,aasa ako,"
"Yes ",
"Well,nice meeting you,"tumayo na ito at inilahad ang palad sa kanya ,
Tumayo na rin siya at tinanggap ang palad nito.
Habang palabas ng malaking bahay na iyon si Zarah,may kakaiba siyang nararamdaman kay Cara,
I dont like her ,bulong niya sa sarili habag nagda-drive ,Aristokrata siyang tumingin ,pati magsalita ay parang pilit na pilit ang pagpapakita sa akin ng maganda,at parang inuuri niya ang pagkatao ko,
Gayunpaman ,pilit niyang ignorahin ang pakiramdam na iyon
Trabaho lang,walang personalan
Kailangang magkaroon ng magandang resulta ang kasong ito.


  

 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Default Title - Write Your OwnWhere stories live. Discover now