4

1 0 0
                                    

"Welcome number 5 and 6!" seryosong sabi ni Mr. Kiriwo "HAHAHAHAHA" tumatawa naman siya ngayon, at dahil don kinikilabutan ako!

"Shall I introduce the other players? HAHAHAHAHA"

"WHAT THE HELL ARE YOU TALKING ABOUT?" inis na sabi ni Leo.

"Nothing to worry about kid we're just going to play a little game of mine" at bigla na lang namatay ang screen ng tv kasabay nito ang pagtunog ng isang alarm at pagbukas ng mga pinto.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng mga yabag sa likod namin at unti-unti itong lumalapit sa kinaroroonan namin ni Leo. At ng biglang may mga kamay na humawak sa balikat ko at sa takot ko ay agad akong napatili.

"Girl chill, para ka namang minumulto sa lagay mong yan" sabi ng babaeng humawak sa balikat ko. "Btw I'm Selene" sabay abot niya ng kamay.

"Alex" at inabot ko rin ang kamay ko.

Pagkatapos ko makipagkamay kay Selene ay saka ko lamang napansin na may tatlo pang tao sa likod niya, isang babae at dalawang lalaki. It makes sense now. We are all the winners of the phone at kaming dalawa ni Leo ang panglima at panganim na winner kaya kami tinawag ni Mr. Kiriwo na number 5 and 6!

"This is Anna" sabay turo sa babaeng nakasalamin sa kaliwang bahagi niya. Tumingin naman siya sa kanang bahagi niya "And this is Mark! Oh and this muscle head behind me was Francisco but he told me to call him Franck" hindi ko alam kung matatakot ba ako dahil sa laki ng katawan at mga tattoo ni Franck o matatawa dahil sa pangalan niya.

Kriiiing!Kriiiing!Kriiiing! Tunog ng alarm ng building at kasabay ng paghinto ng ingay ay ang pagbukas ng mga kahon na nasa ibabaw ng lamesa. Naupo kaming lahat sa lamesa na kaharap ang isa't-isa at sabay-sabay na dinampot ang mga cellphone na nasa loob ng kahon. Nakalagay sa screen ng cellphone ang numero ng kwarto na magiging pagmamayari namin pansamantala sa palapag na ito.

Agad naming tinungo ang kanya-kanya naming kwarto. "Room number 6? Ibig sabihin ba nito pang anim ako sa mga nanalo?" bulong ko sa sarili ko. Sinubukan kong pihitin ang door knob ng pinto pero ayaw nitong bumukas, pagkatapos ng ilan pang pagpihit rito ay saka ko lamang napansin ang maliit na screen sa pader na katibi nito. "scan your phone to the screen to open your room" ang nakasulat sa maliit na screen sa may pinto ng kwarto. Dali-dali kong iniscan ang phone na hawak ko at nagbukas kaagad ang pinto ng kwarto "Wow" bulong ko ulit sa sarili ko. Malaki ang kwartong ito may sariling telebisyon at banyo mayroon din isang maliit na lamesa na katabi ng isang malaking kama. Humiga ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata.

-
-
-
Kiriwo Kurasaki - The CEO of thanatos corp. P R I D E

ThanatosWhere stories live. Discover now