Malapit mo ng maiahon sa hirap ang pamilya mo Alexa, malapit ka ng makapagtapos mabibigyan mo na rin ng magandang buhay ang sarili mo. Sabi sayo Alexa e yakang-yaka mo tumayo sa sarili mong paa e, kahit na iniwan ka ng nanay mo at pinagmamalupitan ng siraulo mong ama HAHA.
"Ano to Alexa?" sigaw ni tatay dala-dala ang kaldero
"Ba-bakit po?" pagtatakang tanong ko.
"Babakit-bakit ka pang tanga ka? Bobo ka ba?" Inihagis niya sakin ang kaldero. "Napakatamad mong bata ka! Yan na nga lang ang gagawin mo di mo pa magawa! Ang magluto ng pagkain para pagkagaling ko sa trabaho ko ay may makain ako! Malas ka talaga! Parehas na parehas kayo ng nanay mong pokpok." Hindi mo alam tay, wala kang alam. Nagtatrabaho po ako para mapagaral ang sarili ko dahil di sapat ang kwarenta pesos na pinapabaon mo sakin.
Lumapit si tatay sakin at kinaladkad niya ko sa pamamagitan ng paghawak niya sa buhok ko "Tay aray ko, nasasaktan po ako" kasabay ng pagsigaw ko ang pagkuyom ng aking mga kamao. Tay mahal kita sa kabila ng mga pananakit mo sakin at kahit kelan diko naisip na saktan ka pero pagod na ko sa paulit-ulit na pananakit mo sakin. Kung hindi ako lalaban ngayon kailan pa? Patuloy akong kinaladkad ni tatay papunta ng kusina at
"Araaay tay!" agad niya akong sinikmuraan sabay hipo niya sa mga hita ko.
"TAAAY!" Nagulat ako sa ginawa niyang pagpunit sa damit ko at ngayon ay nakabalandra na ang hinaharap ko sa mukha niya na para bang isang PUTAhe sa harap ng isang gutom na gutom na tigre. "Pokpok ka rin naman diba gaya ng nanay mo? dahil pagod ako sa trabaho anak pwedeng si tatay naman ang trabahuhin mo? HAHAHAHAHA" umiiyak ako habang pilit na tinatakpan ang dibdib ko "Oo nga pala hindi nga pala kita anak HAHAHAHA" ano hindi niya ko anak? Kaya ba lagi niya kong sinasaktan? Kaya ba balak niya kong halayin ngayon? Andaming tanong na nabubuo sa isipan ko, nahagip ng mga mata ko ang kutsilyo na nasa lababo at agad ko itong kinuha para sana takutin lang si tatay pero hindi ko alam kung anong nangyari at ang kutsilyong hawak-hawak ko ay nakabaon na ngayon sa dibdib niya. Napasalampak ako sa sahig habang pinagmamasdan ang sarili kong ama na naghihingalo.
Hindi maampat ang luha na dumadaloy sa mga mata ko. Agad akong nagtungo sa banyo at hinugasan ang mga kamay na may bahid ng dugo ng sarili kong ama, at hindi parin lubos maisip na nakapatay ako ng isang tao maging ang mga katotohanan na nalaman ko.
Toooooot!Toooooot!Toooooot!
Nagising na lang ako sa biglang pagtunog ng cellphone na nasa tabi ko. Agad-agad ko itong kinuha at laking gulat ko sa nakita ko.
Name: Alexandra Baylon Estrada
Age: 21
Gender: Female
Birthdate: March 01, 2001
Civil Status: Single
Description: An average college student that ran away from her home who killed her own father mercilessly because of her anger towards him by discovering that they are not blood related. A great symbolism for Wrath.Ano? Mercilessly? Aksidente yon? Balak niya kong pagsamantalahan. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagpindot ko sa screen ng cellphone na hawak ko upang pindutin ang back button ngunit aksidente kong napindot ang next button. At laking gulat ko na hindi lang profile ko ang nandito maging ang profile ng mga kasama ko.
Name: Selene Hernandez De Jesus......(click here to see more)
-
-
-
Alexa Baylon Estrada - An ordinary college student na napatay ang sariling ama dahil sa pananakit at pangaabuso nito sa kanya. W R A T H
YOU ARE READING
Thanatos
Mystery / ThrillerLife is all about survival of the fittest, the weak got beaten, while the strong always get the power yet everyone will meet Thanatos in the end, but Thanatos is not a god nor a demon, Thanatos is a monster that fed upon the darkness.