Ngayon kami pupunta sa Arena, i'm a little bit excited. Sana lang maging maganda yung laban nila, they look weak.
I'm wearing a black v-neck t-shirt and a jeans with a combat shoes. Trip ko lang pake mo?
"Oh? Saan ka na naman pupunta?" Nandito na naman ang kuya kong mahilig manermon. Kahit kailan talaga!
"Sa Arena lang."
"Anong gagawin niyo dun?"
"Ano ba'ng ginagawa sa Arena ha?"
"Tch. Ewan ko sayo, kapag ikaw nasugatan ulit. Bahala ka! Sumbong kita kay mommy 'e"
"Sumbongero!"
Pagkarating namin sa Arena nagsisigawan na sila, nasa gitna na ang dalawang grupo. Nakapwesto na kami at lahat ng tao ay nag-aabang. This is exciting!
"Queen malabo yatang manalo ang grupo nila Anison. Tingnan mo ang hihina HAHAHAHA." Napatingin ako kay Zaugustus halos gumugulong na sa kakatawa. Kingina? Anong nakakatawa dun?
"Shut up or shut up? Choose!" Inis kong sabi, ang ingay na nga ng mga tao mag-iingay pa siya?
"Hehe... Ito na po Queen tatahimik na." He acted like he has a zipper on his mouth and zip it. Lol!
"Should we start it?" Tanong sa akin ni Magnus, napatingin naman ako sa kanya he's smirking.
"Ngisi-ngisi mo jan?"
"Wala, ngayon mo lang ulit kami makikitang makipaglaban. Seryoso kang di ka sasali?" Sasali pa ako? Eh ang hihina nga ng pinaglaban niya. Tch.
"Hindi na tsaka alam din naman ni boss na hindi ako sasali, nag-usap kami kagabi."
"Oh, great! Anong pinag-uusapan niyo?"
"Bakit ang chismoso mo?"
"Chismoso agad? Nagtatanong lang ako 'e." Mukha siyang batang nagmamaktol.
"Umayos ka nasa Arena tayo maraming nakatingin at maraming tumitingala sa'yo tapos ganyan ka pala? Oh sige isipin mo!"
"Tangina, ang haba ng sinabi mo ah?"
"Tch."
"Modular!"
"Anong modular? Pinagsasabi mo jan? Nasa Arena tayo wala sa paaralan kaya umayos ka!." Modular? Pinagsasabi niya?!
"Bakit umabot ka sa paaralan ha? Di mo alam yung modular?? Yung pa-iba-iba yung mood, di mo alam 'yun? Bobo mo!" Kingina! HAHAHAHA bipolar umabot sa modular? Ang layo na siguro ng narating neto, isipin mo bipolar umabot sa modular? Pero wala akong bipolar disorder, gagong lalaki 'to!
"Tangina ka! Ako pa bobo ngayon? Bobo ka! Anong modular? Bipolar 'yun, ulol!" Natatawa kong sabi, gusto ko man tumawa pero bawal dahil nasa Arena ako, they shouldn't see me laughing nor smiling. Baka sabihin nilang nagbago na ako, iba kasi ako noon, nag-iba nga medyo nagyon.
"Ayy sabi ko nga, mali lang pagkakarinig mo." Pagpapalusot niya, di ako tanga. Ulol!
"Nag-aaral ba talaga kayo? Mukha wala ka ng isip Magnus ah?" Pang-iinis ko sa kan'ya. Trip ko 'e.
"Oo naman, Dean's Lister pa nga ako 'e."
"Dean's Lister mo mukha mo! Wag niyo akong pinagloloko! Sige na, pumunta ka na dun..." Turo ko sa gitna. "Sabihin mo na magsimula na. Kanina niyo pa ko ginugulo. Alis!"
"Totoo naman kasi yun 'e, Dean's Lister talaga ako, kami. Nakalimutan ko lang na bipolar pala 'yun...hehe."
"Aalis ka o aalis ka? Pili!"
YOU ARE READING
Love in Disguise (On-Hold)
Novela Juvenil"Ako yung first kiss mo kaya dapat ako rin ang huli, naiintindihan mo?" Date started: April 22,2020 Date finished:-------