Chapter 21: Talk

4.4K 28 4
                                    

“Grabe ka! Si Kiefer pa talaga ang nagbuhat sa iyo papunta dito!” sabi ni Hannah. Nabulunan tuloy ako.

Nag-aagahan kami. First time to since wala akong pasok sa first class ko at wala rin namang trabaho si Hannah ngayon. NAgising ako kanina, sa sofa pa talaga ako nakatulog. Ang sakit nga ng likod ko eh. Actullay, buong lkatawan ko ang masakit, dahil na rin siguro sa training kahapon.

At dahil sa sinabi ni Hannah, naalala ko yung mga nangyari kahapon. Nagkagulo pala sa apartment ni Ella dahil kay Von. Tapos nun eh hinatid naming ni ibon si Von sa kanila, tapos naki-hitch ako ng ride kay ibon. I realized na nakatulog pala ako.

“Ba’t di niya ako ginising?” tanong ko.

“Tulog mantika ka kaya! Tss.” Sabi niya tapos kumain.

Napailing nalang ako. Kailangan ko pa tuloy mag thank you sa ibon nay un. Tss.

“O, baka malate ka niyan? Bilisan mo na nga!” sabi ni Hannah.

“Tss. Di ako papasok ngayon. Ang sakit ng katawan ko eh.” Sabi ko sabay hilot ng mga braso ko. Ang sakit talaga ng katawan ko. Nagising ako kanina, nasa sofa lang ako, kaya pala ang sakit ng batok ko eh. Tapos yung kaliwang balikat ko eh masakit din, lalo naman yung mga legs ko. Na kahapon eh sobrang na gamit kasi nga pinatakbo ako ni ibon sa court. Nagawa ko yung 5 laps pero yung 5 pa na titira eh di ko na nagawa kasi nga tumawag nun si Ella eh. Buti nga at pinayagan ako ni coach na umalis.

Medyo nawala na rin yung sakit nung maligo ako. At least nabawasan, pero meron pa rin eh. At isa pa, tinatamad talaga akong pumasok ngayon. At isa pa, I have to make move para dun sa promise k okay Von kagabi.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Ella.

“Grace?” si Ella.

“El, alam kong di ka pumasok ngayon, so pwede ba kitang puntahan diyan?” tanong ko. Since yun nga ang nangyari kagabi, eh siyempre, magang-maga ang mga mata nun, eh ang arte pa naman nun, kaya sure akong di yun papasok lalo na at ganun ang hitsura niya.

“Sige.” Sagot niya.

Agad akong nag ayos tapos yung gamit ko rin inayos ko. Agad akong pumunta sa apartment ni Ella.

“Pano mo nalaman na di ako pumasok?” tanong niya ng makarating ako sa apartment niya.

“Sus! Kilala kita eh. Ang arte mo kaya.” Biro ko. She chuckled.

“So, okay ka na?” tanong ko sabay upo sa couch.

Umupo na rin siya sa kabilang couch.

“I don’t know.” She sighed. “It’s still bugging me. Di ko talaga alam ang gagawin ko.”

“El, kausapin mo siya.” I said.

She looked at me weirdly.

“Alam ko nangako ako kay titan a hindi na ito babangitin sa iyo, pero-“ di ko matapos ang sasabihin ko.

“Pero ano Grace? May alam ka ba? Ano?” she asked desparately.

“Wala akong alam sa inyo ni Von, pero ang alam ko eh..” I trailed off. “Naaksidente ka dati. Muntikan ka ng malunod and I do not know the whole story pero I think that’s the reason kung bakit di mo siya kilala.” Sabi ko.

Her tears suddenly fell from her eyes. “Bakit niyo nilihim sa akin yun?”

“Nangako kami kay tita Olivia. Sabi niya rin kasi na makakabuti yun sa iyo.” Ako.

“So bakit kailangan pang itago? Naiinis ako kasi para akong tanga! Wala akong alam!” she started crying. Lumapit ako sa kanya and comforted her.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon