Kabanata 1

952 11 0
                                    

1 | Moreta

"Go Murray University!" Students from Murray, called Murraians cheered.

Holding some banners and light sticks while cheering for us. Today is the day! First game of University to University (UTU) game. It's about universities competing towards another university through sports. Basketball is the last game to be held, all other sports are done, and finally, after almost months of training laro na rin.

"Psst! Ano nanaman iniisip mo jan, Jan Elise? Ang lalim ah, lalaki ba 'yan?" napaigtad ako nang bigla nalang sumipot sa kung saan si Tear. I was just looking outside the window in our waiting room, nang inakbayan ako nito.

"Lumalove-life na si Captain!" pang-iinis naman ni Jordan.

"Nawa'y lahat." si Tear. Nagmimake-up ito ngayon kahit pa mahuhulas rin naman iyon dahil sa pawis. Sino bang nasa tamang pag-iisip ang maglalaro nang basketball at ang mata't labi nito'y mamula-mula.

"Tsk. Pinagsasabi niyo, dito na kayo, iba ang tama nang karma at baka may mag dive sainyo mamaya." Kalmado kong sabi kahit pa naiinis ako. Lahat nalang ginagawang issue sa samahang 'to.

"Warm up na!" our coach shouted. We positioned fastly on our places. Umabot nang mga 10 minutes ang warm up, nag dasal na rin kami.

"Just enjoy the game, okay? 'Wag ma pressure, chill but dapat alerto. I believe in you, girls! Basta M.U. kaya! Laban lang! Moreta, take charge. Alam kong gagabayan mo sila. Oh, sige na!" ngumiti ako kay coach at aalis na sana nang may sinabi pa siya.

"Kalma lang, Moreta. Kaya 'to." ngiti lang ang itinugon ko kay coach. Ilang segundo nalang ay lalabas na kami, nag dasal muna ako mag-isa bago pa man magsimula ang game. I need to do my best para sa scholarship ko. If we lose this game, there's a possibility na mawalan ako nang scholarship, and I don't want that to happen. Studying in M.U. is a dream come true.

"Oh! I can see that all of you are excited! Well, the wait is over! First game of women's basketball is Yates University and Murray University. Now, can I hear Yates University!" the crowd shouted, cheering for the opponent. Medyo kinabahan ako, pero all I'm thinking is my scholarship, my family at syempre ang pagmamahal ko sa sport na ito.

"I can see you really are excited. Now! To the other University! The one and only Murray." sabi nang host. Nagsigawan halos lahat nang mga taong naka red shirt.

After that introduction, ipinakilala isa-isa ang mga manglalaro, inuna nila ang kalaban. Kami naman ngayon ay nagdadasal ulit. Last akong lalabas, unlike last year, sabay ang team captain at isa sa mga player'ng lumabas.

"Oh, Quinoa! Labas na." sabi ni coach. Si Demi Lopez ang susunod saka ako.

"And now, the Team Captain of Murray University... Jandria Elise Moreta!" binitin nito ang pagsabi nang apelyido ko, pagkalabas ko ay andaming nagchi-cheer. Nawala tuloy ang kaba ako. Dumaan ako sa may upuan nang mga taga Murraians. May mga nagdala nang mga banners nang kani-kanilang ini-idolo.

"GO, BEKSH! BABE KO YAN! AHHH! FIGHTING MORETA BABY!"

"Pinagagawa mo." sabi ko at inirapan siya. Si Luis iyon, yung beki kong best friend. May dala-dala itong jersey at poster ko, kasama ang isang babae, 'yong nagkaka-crush daw sakin.

"MORETA!"

"CAPTAIN J!" sigaw nang iba pa, lumingon na muna ako sakanila at nag bow para iparamdam sakanila na gagawin ko ang best ko. Pumunta na ako sa may upuan at ngumiti sa camera, UTU is in TV. Live ito ngayon.

"Ayos, Cap! Daming fans, ah." ani ni Jordan. Tinapik ko nalang ang likuran niya, imbes na sumagot. The game started quickly, first 5 'di muna ako kasama. Sa 2nd to 4th quarter na ako papasok. I trust my members, magagaling din ang mga ito.

"Timeout ang kabila. 2nd quarter na rin naman, maya ka nalang pumasok Moreta medyo malaki naman ang agwat." sabi ni coach, tinignan ko ang score sa  may itaas, 13:24.

"Ayos! Galing ko talaga!" puri ni Jordan sa sarili. Well, I'm not saying na di siya magaling pero sobrang proud talaga ito sa sarili.

"Chosera!" sabi ni Demi at humarap kay coach.

"Masakit ulo ko, coach. Pwede po bang sub muna? Kakagaling ko lang sa lagnat last, last day." anito. Tumango naman si coach Mak, nag-boluntaryo akong ako nalang ang magsu-sub. Kumuha muna ako nang gamot at tubig saka ibinigay kay Demi.

"Salamat. GO MORETA, BABY-" tinakpan ko ang bunganga niya. Bago pumasok sa court, lumapit muna ako sa table para mag substitute.

Pinunasan ko ang magkabilang pisngi kong may dumadaloy na pawis. Biglaang nagsigawan ang mga tao, kaya't tumingin ako sa itaas at nakita ko ang sarili kong pagmumukha, ngumiti ako.

Nag-wink ako kaya mas lumakas pa ang sigawan roon. Tumingin ako sa likuran at kinawayan ang mga Murraians, baka ma pressure ang kalaban namin nito sa sobrang chill ko.

"PA FALL KA MORETA!" kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Kahit kailan talaga, Luis! Nakakahiya tuloy. 2nd and 3rd Quarter of the game was good, chill lang. Lamang na lamang kami, buti nalang at medyo gumaan na ang pakiramdam ni Demi, nagpa substitute muna ako, nadaganan kasi ako nang kalaban pero hindi naman ako na puruhan.

"Moreta, Ice pack." sabi ni coach. Nilagay ko iyon sa may kaliwang braso ko na namumula ngayon.

"4th quarter na! Medyo malapit na tayong malampasan nang kalaban. Kailangan na si Cap." sabi ni Tear.

"Okay naman po ako, coach. 'Di naman ganun katindi." sabi ko at tumayo. Tumango lamang siya at pumasok na kami sa court. Final 5 kami ni Jordan, Demi, Tear, Ate Kori—yung ex-girlfriend nang kuya ko. Panghuli ako.

Inobserbahan ko ang mga kalaban nang 'di pinapahalata sakanila. Ako yung assign sa pinaka-malakas sa kabila, pero 'di muna ako lumapit dito. Sinenyasan ko si Demi at agad naman niya iyong nakuha.

Nasa kalaban ang bola, tinanguan ko si Demi at nung nagsimula na ang laro, hinaharangan ko ang kalaban, nasa may gitna ako at dahan dahan akong pumupunta sa giliran para mabigyan nang space ang kalaban.

Nung akmang is sho-shoot na niya ito, tumakbo ako para kunin ang bola. Tumalon ako nang napakataas at nung na feel ko na ang bola na nasa palad ko na, inipit ko iyon sa isa pang kamay ko na siyang nag resulta sa isang malakas na tunog nang paghampas ko nang bola.

Pagkababa ko, agad akong tumakbo papuntang kabilang court nang makita ko si Demi na malapit sa court, ipinasa ko sakanya iyon.

"Pass by Moreta and Counted by Lopez with a Bang! Ang lalakas talaga nang dalawang ito." they announced.

4th quarter is not that quite interesting. Malayo naman ang agwat, 91:80. Lamang kami nang labing-isang puntos. Sa kahulihan nang laro ay nasa akin ang bola, shinoot ko iyon sa tatlong puntos. Walang humarang saakin, kumbaga halatang suko na ang kabila.

Pumwesto ako at nang kumuwala na ang bola sa mga kamay ko, para bang nag slow motion ang paligid, tanging bola lang ang nakikita ko, tumama ito sa ring at nang pagka-baba galing sa ring ay nahulog ito sa isang ulo nang isang babae.

Foulish Love | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon