CHAPTER ONE

10 4 0
                                    

Nandito ako ngayon sa aking kwarto. Nakatitig sa kisame na para bang magsasalita ito. Ilang minuto naba ako nakatitig dito? 40 na minuto? Isang oras na siguro. Hays bored na bored na ako dito , kailangan ko maggala. Tumayo na ako at pumuntang C.R pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na akong maligo ,nagbihis at nag ayos ng mukha pagkatapos viola! Ang ganda ko na. Bumaba na ako at nagpaalam kay mommy na pupunta akong park. Yun lang kasi ang malapit na pwedeng galaan. Naglalakad ako patungong park, naghahanap ng bench at ayun nakakita din ako . Umupo na ako dun at pinagmamasadan ang mga batang masayang naglalaro ng biglang may nadapa na babaeng bata sa harapan ko. Tumayo ako at tinulungan siyang tumayo. Paiyak na siya kaya dinala ko siya sa bench na inuupuan ko.

" Shh,wag kang umiyak" pagtatahan ko sa kanya.Humihikbi parin siya.
"M-masakit a-ate"humihikbing sabi niya saakin.
"Sino kasama m-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may tumawag na sa bata.
"Kierraaaa!!!"tawag ng isang lalaki mula sa gilid namin na medyo malayo samin at ito ay tumatakbo palapit sa kinauupuan namin.
"Kierra,okay ka lang ba? Ano nangyari sayo?"sunod sunod na tanong ng lalaki sa kanya. Sa tingin ko kuya niya Ito at tantya ko ay kaedad ko lamang ito.
"Nadapa siya sa harapan ko kaya tinulungan ko at dinala dito"sagot ko. Ako na sumagot dahil  hindi tumigil ito sa pag iyak.
"Kierra naman ,diba sabi ko sayo mag ingat ka? Ayan tuloy nadapa ka , salamat miss ah "
"Walang anuman" ngumiti ako sakanya.
"Jayron pala" pagpapakilala niya sakin
"Ashrill" pagpapakilala ko
"Wait! Bago ba kayo dito sa subdivision ? Ngayon ko lang kasi kayo nakita" tanong ko sa kanila. Totoong ngayon ko lang sila nakita. Halos kilala ko na ang mukha ng taga dito samin.
" Ah yes, kahapon kami lumipat dito."Saad naman niya.
"Ah ganun ba hmm cge, uuwi na din kasi ako "Saad ko sakaniya
"Ah sabay ka nalang samin"
"Ah sige pwede naman". Tumaya na siya at piniggy ride niya ang kapatid niya.  Tahimik lang kami hanggang sa umabot na kami sa harap ng bahay namin.
"Oh,magkaharap lang pala bahay natin" ngumiti siya sakin.
"Oo nga no" tumawa ako ng mahina
"Ah sige pasok na ako, gamutin mo ung sugat niya para maging okay na"
"Sige salamat"
"Walang anuman" pagkatapos nun ay pumasok na ako. Dumiretso ako sa kwarto,nagbihis at humiga. Nakatitig na naman ako sa kisame palagi nalang akong ganito, habang nagmumunimuni ako ay biglang tumunong phone ko, pagtingin ko ay notification ng facebook,. Nagulat ako sa pangalan na nasa screen ng phone ko , JAYRON VILLAFUENTE. Inaccept ko ang friend request niya ng biglang magchat siya sakin.

Jayron: hey!
Me: hey
Jayron:thank you ulit ha
Me: Wala yun
Jayron:ano gawa mo?
Me:nakahiga tsaka kachat ka ikaw?
Jayron: same din.
Nagchat lang kami diko namalayan na gabi na  pala. Bumaba ako at pumuntang kusina para kumain ng hapunan. Pagkatapos kumain ay pumunta na ako sa kwarto,naghalf bath at natulog na.

A/N:HI! SO ITO NA TALAGA,HINDI KO NA TALAGA TO IDEDELETE HEHEH. MEDYO NAPOPROBLEMA KASI AKO DUN SA MGA STORIES NA DINELETE KO IM SO SORRY TLGA . PLEASE SUPPORT MY STORY GUYSSSSS, PLEASE VOTE AND COMMENT! ILL APPRECIATE IT KUNG GAGAWIN NIYO. SORRY FOR THE WRONG GRAMMARS, AND TYPOS

VOTE AND COMMENT!

PINAGTAGPO PERO HINDI TINADHANAWhere stories live. Discover now