Chapter 45: Finale

3.9K 197 38
                                    



Gunter's POV

 
Halos kakatapos lang ng shift ko sa isang coffee shop na aking pinapasukan nang mabasa ko ang text message ni Lance na naroon na raw siya sa lugar kung saan namin napag-usapang magkita. Kay tagal ko ring inantay ang pagkakataong ito na muli kaming makapag-usap. Matapos mamatay ang kaniyang ama ay hindi na kami nakapag-usap nang maayos. Halos hindi ako makapaniwala sa aking mga nalaman tungkol sa aming mga magulang. Simula pagkabata ay alam kong matagal nang namatay ang aking ama kaya laking gulat ko nang malamang buhay pa ito. Sadyang hindi ko matanggap ang bagay na kaniyang nagawa kay Lance at sa daddy nito. Sukang suka ako sa mga nagawa niya kaya kahit anong paghingi niya ng tawad ay hindi ko siya magawang mapatawad. Gaya ng kinagisnan ko ay mananatili na siyang patay sa aking alaala. 


Sadyang nakakalungkot lang na wala ako sa tabi ni Lance sa mga sandaling kailangan na kailangan niya ng masasandalan. Sa mga sandaling iyon ay wala akong malay at patuloy na nagpapagaling sa mga sugat na aking tinamo. Isa rin sa hindi ko inaasahang malaman ay ang pagiging kasapi ni Ate Pritz sa organisasyong kinabibilangan ng aking ama at daddy ni Lance. Sa kaniyang pag-amin ay hinayag niya na hinikayat siyang sumali ng ina ni Kuya Eisen upang maging mata at tenga sa loob ng organisasyon habang ang kaniyang anak na babae ay nanatili sa mansyon ng mga Wells. Ito rind aw ang kaniyang paraan upang malaman ang totoong nangyari sa aming mga magulang ngunit kagaya ko ay wala rin daw siyang kaalam-alam na nabubuhay pa rin ang aming ama. 


Sa pagkasangkot ko sa organisasyon ay napatawan raw siya ng seklusyon na kung saan ay pagbabawalan na siya ng organisasyon na makipagkita sa akin at sa iba pang malalapit sa kaniya. Hindi ko raw pwedeng ipagsabi ang tungkol sa kanilang organisasyon dahil kamatayan ang magiging kapalit nito sa amin. Hindi kagaya ng aking ama ay mas naiintindihan ko ang kalagayan ng aking ate. Kung ako ang nasa katayuan niya ay mapipilitan rin akong sumali sa organisasyon upang mabigyan ng proteksyon ang pamilya at kumita ng sapat para sa aming kinabukasan. Ang hindi lang kagandahan nito ay mula sa ilegal na paraan ang kaniyang pinagkukunan ng aming ikakabuhay. 

 
Nabanggit niya pa na maaari raw kaming ipapatay ng mga kamag-anak namin na nais pumasok sa organisasyon kapag hindi niya tinanggap ang posisyon. Rodriguez ang tunay naming apelyido na siyang binago lang ng aming ama upang maitago kami sa ama ni Lance. Matagal na raw niyang alam ang tungkol sa tunay naming apelyido maliban sa tunay nitong dahilan hanggang sa lumalim ang pag-iimbestiga niya sa pagkawala ng aming mga magulang. 

 
Ngayon ay sinusubukan kong mamuhay nang mag-isa sa loob ng isang maliit na apartment na may kalayuan sa aking pinapasukang paaralan. Ito na kasi ang pinakamurang apartment na pwede kong matuluyan na mapagkakasiya ko mula sa aking sinasahod. Hindi kasi naging maganda ang karanasan ko noong sinubukan kong mag dorm na kung saan ay may kahati ako sa silid na aking tinutuluyan. May mga pagkakataong muntikan na akong pagsamantalahan ng aking ka roommate kaya nagpasiya na lang ako na kumuha ng murang apartment. Hindi ko naman na inaalala ang ipangbabayad ko sa aking tuition fee dahil nabayaran na ni Ate Pritz ang kabuoang halaga nito hanggang sa pagtatapos ko. Ayon sa kaniya ay siya raw talaga ang nagbabayad ng tuition fee ko at hindi si Tito Kendrick. Tanging pagtira ko lang sa kaniyang condo ang napagkasunduan nila ni Ate Pritz. Nagawa na raw niyang bayaran ang kabuong halaga ng tuition ko upang masiguro na makapagtapos ako. 

 
Mabigat man sa aking kalooban na malamang nagmula sa ilegal na paraan ang perang tumutustos sa aking pag-aaral ay tinanggap ko pa rin ito. Triplehin ko man ang aking paghahanap buhay ay hindi ko magagawang makalikom ng pera na maipambabayad sa aking pag-aaral. Nangako ako sa aking sarili na ibabalik ko sa kawang gawa ang perang nagamit sa aking pag-aaral sa sandaling makapagtapos ako at magkaroon ng maayos na hanap buhay. Sa ngayon ay kinakailangan kong magsumikap na magkaroon ng perang magagamit sa pang araw-araw kong gastusin at sa iba pang bayarin. 

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon