𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙃𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜

0 0 0
                                    

[𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘳𝘶𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢] 𝙾𝚘 𝚒𝚔𝚊𝚠 𝚗𝚐𝚊 𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊

-𝓜𝓷𝓮𝓶𝓸𝓼𝔂𝓷𝓮♡

Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy toh. Kinakabahan ako at natatakot. Pero isa lang ang alam ko ayoko siyang mawala, kaya bahala na.

Lumabas na ako ng kotse at naglakad papunta sa harap ng bahay nila. Nagdalawang isip pa akong kumatok pero naituloy ko padin.

Naalala ko pa kung paano ko siya hinahatid sundo sa bahay na toh at hindi ko akalain na darating ang araw na haharap ako dito sa bahay nila ng ganito. Kung tutuusin wala na akong dapat iharap sa kanila kase sino ba naman ako.

●♡🌺♡●

Nakilala ko siya noong highschool palang kami. Naging magkaklase kami noon, pero hindi kami malapit sa isa't isa. Naging close ko lang siya nang maging seatmate ko siya sa isang subject namin.

"Okay class, yan na ngayon ang magiging seating arrangement niyo tuwing time natin, okay? " sabi ni mam.

"Ang layo ko naman kila niya, hindi ko pa makita dito sa bandang dulo. " sabi niya at nagpout. Napangiti ako, ang kyut niya.

"Bakit malabo ba mata mo? " tanong ko sa kanya. Napalingon naman siya sakin.

"Oo, siguro pupunta nalang ako sa harap pag may ipapasulat si mam. " sagot niya.

"Bakit kase di ka nalang magpasalamin? " tanong ko ulit sa kanya.

"Eh ayoko, magastos lang yun saka, aasarin mo lang ako. " sabi niya. Mas lalo lang akong napangiti sa sagot niya, buti nalang nasa harap na siya nakatingin.

Kaya kami hindi close, dahil palagi ko naman nga talaga siyang inaasar pero buti nalang hindi sumasama loob niya sakin lalo na ng maging magkapartner kami sa isang project.

"So anong gagawin natin? Sa tingin mo saan natin pwedeng ilagay tong domain and range na toh?" Tanong niya sakin.

"Ikaw na bahala, basta ako na magpapaprint nung sinend ni mam. " sagot ko. Wala talaga akong alam sa mga ganyang domain-domain and range na yan. Siya lang naman yung matalino saming dalawa eh.

"Sige, sa isang half nalang ng folder. Tutal dun din naman nilagay nung iba sa sample na pinakita satin ni mam kanina. " sabi niya. Wala talaga akong silbi pagdating sa mga ganito. Kaya dapat talaga galingan ko sa pagpapaprint nito, dapat high quality yung printer ng computeran na pagpiprintan ko.

"Ay, dun nalang tayo magprint sa bahay may computer kami at printer para makatipid na tayo. " pagsusugest niya. Ha? Pero. Tumingin ako sa kanya. "Bakit? "

"Eh ano nalang ambag ko sa project na toh, alam no namang mahina ako sa mga ganyan diba? " pagrereklamo ko. Oh diba ako na walang ambag ako pa may ganang magreklamo.

"Edi ikaw nalang magbayad ng mga material at pangdesign na gagamitin natin. At ikaw na magprint dun sa computer namin. " sabi niya. Napaisip ako saglit. Teka ibig sabihin...

"Dun tayo gagawa sa inyo? " tanong ko.

"Oo" sagot niya nang may pagtango.

Bigla naman akong kinabahan. Ibig sabihin makikita ko yung parents niya. Baka bugbugin ako ng tatay niya, dahil sa mga pang-aasar at pangungulit ko sa kanya. Napalunok ako, siguro bibilisan nalang namin pagtapos sa project para makauwi agad ako ng maaga.

"Ang dami naman nito, sigurado ka ba lahat ng toh gagamitin natin? " tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa kanila.

May dala akong dalawang plastic bag, akala ko ba one half lang ng folder gagamitin bat naman may mga tape pa na pangdesign dito, glue, colored paper at ito ano ba toh. Napakadami naman ako pa nagbayad ng lahat ng toh. Buti nalang mura lang dun sa pinagbilhan namin.

One ShotWhere stories live. Discover now