Sa loob ng dalawang araw ay wala akong ibang inisip kundi ang birthday ni Ashton at ngayon na nga ang pinakahinihitay kong araw. Maaga pa lang ay nandito na si Elodia dahil siya ang pinagkatiwalaan ni tita Silvia sa pagluluto.
"Sigurado akong mabubusog si Ashton sa mga luto mo.. At paniguradong namimiss niya na yung ganitong nilulutuan mo siya" masiglang bati ng mom ni Ash kahit alam niyang nandoon lang din ako sa kusina na abala sa paglalabas ng mga plato.
"Iba pa din po tita yung luto mo.. tska mas gusto na po kasi ni Ashton ngayon ng salad.. diba Adira?" nakangiting tanong ni Elodia.
Walang ekspresyon ko naman siyang tinignan at matipid na tumango.
Pumunta na ako sa rooftop dahil doon gusto ng dad ni Ash na gawin ang celebration dahil mas presko doon.
Saktong paakyat ako ng hagdan ng tawagin ako ni Ashton.
"Tulungan na kita" nakangiting sabi niya.
"Kapag birthday boy dapat nagpapahinga lang hahaha" natatawang sabi ko "Happy birthday, love" malambing na dugtong ko.
Mabilis lang siyang lumapit at humalik sa noo ko.
Agad ko namang dinala sa rooftop ang mga potahe.
Pagbaba ko sa kusina agad na sinalubong ako ni Tita Silvia.
"Bisita mo ba yung lalaki dyan?" masungit na tanong niya.
Luminga linga ako hanggang naabutan ng mata ko si Avery na nakaupo sa sala.
"O-opo, tita. Kaibigan po namin ni Ashton" masiglang sagot ko.
"Oh Avery ang aga mo naman ata" salubong sa kaniya ni Ashton na galing sa garden.
"A-ah mom, si Avery po bestfriend ni adira, kaibigan ko din. Avery, si Mommy" masiglang sabi niya.
Nakita ko naman na mabilis na tumaas ang kilay ni tita Silvia.
"Bestfriend ni Adira? Haha. Who knows baka lalaki niya yan.." walang emosyong sagot niya "Kidding hahaha. Ayokong mastress ngayong araw dahil birthday ng aking uniko hijo" sarkastikong dugtong niya.
Matipid ko na lang siyang nginitian at nagsimula na muli sa pag aayos sa rooftop katulong si Avery.
"Sis bruha pala talaga yung magiging biyenan mo" bulong ni Avery habang inaayos ang mga plato sa lamesa.
"Wag kang maingay.. Malakas pandinig niyan baka mayari tayo" tatawa tawang bulong ko naman.
Hinintay na lang namin ang mga cake na inorder nila at nagsimula na kaming kumain.
Sa magkabilang dulo ng lamesa umupo ang magulang ni Ashton samantalang pinagitnaan naman namin ni Elodia si Ashton at pinagitnaan naman si Avery ni Marquis at Symon sa harap namin.
"Mom.. I want to formally introduce to you my girlfriend.. And soon to be my wife.. Adira Braelynn Zedler" biglang pambabasag ni Ashton sa tawanan.
Kung ano ang pagkabigla ng mukha ng mommy ni Ashton, ganun naman ang tuwa sa mukha ng dad niya.
"Ashton.." malalim na boses na sabi ng mom niya.
Nakita ko ang galit sa mukha ng mom niya kaya napahawak ako sa kamay ni Ashton na nasa hita niya.
"Mom.. I love her. No one can separate us.." may paninindigan na sagot ni Ashton.
"Silvia.. Let just accept his decision, besides he's now in his right age.. Let just support him" seryosong sagot ng daddy ni Ashton.
Naramdaman kong sinipa ni Avery ang paa ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
YOU ARE READING
Asier
قصص عامةTotoo bang kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong mangyari ay tatanggapin mo pa din siya? Paano kung magulang niya mismo ang siyang hahadlang sainyo? Paano kapag niloko ka na at bumalik siya? Papatawarin mo ba? DISCLAIMER: This is a Fictional sto...