Special Chapter

77 5 6
                                    

3 YEARS LATER.. .

We spent our time with Isabelle, hanggang bata pa sya ay sinusulit namin ang bawat oras. Gusto kong maging selfish but soon she will have her own life, I can't still accept that fact though, she will be our forever little princess. Dylan was extra too sweet, caring and loving father and husband to us. Para nya akong nililigawan araw araw, ako naman ay parang teenager na kinikilig sa mga simpleng banat nya at paglalambing nya, well that's Dylan.

"Mom, where are we going?" Isabelle asked out of curiosity. Dylan's busy with work, super hardworking when it comes to his business and super hot daddy when he got home. Kinikilig ako just by thinking of it.

"We're going to your Tita Ella's school." Simpleng sagot ko. Ella is currently studying in FEU, nakapasa sya ng scholarship kaya tuwang tuwa kami nung nakapasa siya. Nag do'dorm sya near FEU dahil malayo kapag sa bahay namin siya tumuloy and sayang daw yung oras ng ibabiyahe nya na dapat ay nagrereview sya. Masipag siya I must say, while Elias is working at Nueva, maganda daw ang offer kaya okay na sya doon. Maka Mama at Papa kasi sya at sya nalang daw magbabantay kila Mama. One time binibirinsya ni Dylan, baka tumanda daw na binata. Nagtatawanan nama kami.

"Why are we going there?" Tanong nya ulit. Habang lumalaki sya ay mas marami na syang tanong.

"Because it's her birthday! How come you forget that?!" Biro ko sa kanya.

"Oh I'm sorry, I lost counts Mommy." Sumandal na ulit sya sa upuan at nag cellphone na ulit. Tinignan ko sya mula sa salami ng sasakyan at napangiti. Mukha syang dalaga kahit 8 years old palang sya at mas lalo nyang nagiging kamukha ang Daddy nya.

"Ateee!!! OMG bakit naman ang laki mo na agad Belle?!" Niyakap nya ang pamangkin nya at hinalikan sa pisngi.

"Because I sleep a lot Tita!" Biro nya at naupo na kami. Dito lang kami sa isang restaurant na pina reserved ni Ella, exam week nya kasi ngayon so maikli lang talaga oras namin.

"Ito bebe tikman mo, ito favorite ko dito." Nilagyan ni Ella si Belle ng steak. She likes calling her Belle.

"Stop calling me Bebe tita, I'm not a child!" Maarteng sabi nya sa Tita nya.

"But you're still a child. It's my birthday! Let me." Kiniss nya ulit ito sa pisngi tahimik naman akong napangiti.

Kumain na kami at kinamusta ko si Ella about her study and how's her life here. Okay naman daw sya at matataas ang grade nya. Basta alam ko namang okay sya ay okay na ako, ako na kasi nag poprovide sa kanya at hindi naman sya maluho.

Nung natapos kaming kumain ay binaba ko na sya sa tapat ng school nya, nag b'bye naman si Belle kay Ella at inabo ko ang regalo kong laptop sa kanya. Tuwang tuwa naman ang loka, sira na kasi at luma yung isang laptop nya eh kailangan nya ito sa pag aaral nya.

Nag d'drive na ako nung tumawag si Dylan, kaya ini'speaker ko iyon dahil nag d'drive ako.

"How's my wife and little daughter? I'm done with my work, baka makabahol ako sa inyo dyan?" Bungad nya, halatang pago ang boses.

"It's okay Dad, tapos na kami nila Ella kumain. Daretso kami sa resto ni Belle." Kwento ko sa kanya, I started calling him Daddy/Dad and he's calling me Mommy/Mom when we got married.

"Sayang naman, hindi tuloy ako nakapunta sa birthday ni Ella Where's my little princess?" Nag facetime kami at binigay ko kay Belle yung phone, nag usap silang mag ama habang ako ay nag d'drive. Nag kakamustahan lang sila and itong si Belle ay napakadaldal ang daming kwento sa Ama nya. Kapag uuwi si Dylan galing work daretso kwentuhan sila, dati ay naglalaro lang ngayon ay seryoso na usapan nila. Kulang ang isang araw sa kwentuhan nila. Sobrang tiyaga talaga ng Asawa ko kahit pagod ay binubuhos ang oras sa amin.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon