...Nagulat ako sa sinabi ni Sam. "Nabigla ka ba sa sinabi ko? But I'm serious Ana, I mean Celest. Can't you feel it?"si Sam. Anong "Can you feel it?" Oo may kakaiba akong nararamdaman. Pero hindi pwede at hindi naman ako sigurado kung ano un. "Napakabolero mo talaga. Ilang babae na nagamitan mong ng ganyang linya?"pabiro kong sabi. "Sa iyo pa lang. Seryoso ako Celest." si Sam. "Ok sabi mo eh. But don't expect na maniniwala ako sa iyo. Tara na baka gabihin pa tayp sa paggawa." simpleng sagot ko.
Sam's POV
Isang malaking kapalpakan. Mukhang di effective ah. Nandito na kami sa condo at mukhang napakaseryoso niya. Kapag iniiba ko ang usapan ay agad niya itong binabalik sa project namin. Mukhang mahihirapan nga ako nito. Pero ayos na si Celest sa akin akysa naman si Alex. At least si Celest, I can make her blush ibig sabihin may epekto pa rin ang pagporma ko sa kanya.Seth's POV
Syet! Bakit di ako matahimik? Bakit sila magkasamang kumain at ngayon nasa condo pa sila na sila lang! Oo, sinundan ko sila. At kapag may babaeng dinal un sa condo niya panigurado mayayari niya un... Pero hindi ko dapat pag-isipan ng masama si Celest alam kong hindi siya ganoong klaseng babae. Pero mahirap na... Susundan ko ba o hindi?..."May tanong ka pa ba? Masyado na kasing late eh. Baka pwede na nating ituloy ito bukas sa library." sabiko habang may diin sa library. "Pwedeng dito na lang ulit?" sagot naman niya. "Sa lib na lang. pwede tayo kumuha ng study room isama na natin si Stacy at Iris. Imbitahan mo na rin si Johann at Seth." pormal na pormal na sabi na parang isang lider. Eh lider naman talaga ako. Hehe. "O sige sabihan ko sila. Kita tayo after ng training namin. Ang worry ko lang naman baka malate na matapos training namin at sarado na ang lib."si Sam. "Sige itetext ko na lang si Seth kung paano natin aayusin ang itong project. Thank you for your input para sa project. Salamat din sa dinner. I think I will go ahead." sabi ko habang nag-aayos ng gamit. "Galit ka ba dahil sa sinabi ko kanina sa resto?" tanong nito. "Bakit naman ako magagalit sa iyo?" ganting tanong ko. Di na lang siya umimik bagkus nilapitan niya ako. Paatras naman akong naglakad palayo sa kanya. Lapit. Atras. Lapit. Atras. Hanggang sa mapaupo na ako sa sofa. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.Nakatingin lang siya sa aking mga mata. Gusto ko man na wag siyang tignan eh hindi ko magawa. Palapit na ng palapit ang mukha niya ng may nagbukas ng pinto. Si Seth!
Buti dumating si Seth. Masyadong mabilis ang pangyayari ang tanging naintindihan ko lang ay nagpaalam siya kay Sam na siya na ang maghahatid sa akin pauwi.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Seth. "Oo. Nagpatulong lang si Sam sa part niya sa proj. Nga pala kung mahihirapan kayo pwede tayong mag-meet as a group tom text niyo na lang ako kapag tapos na training niyo. " pormal kong sabi kay Seth. Ang totoo niyan di ko naman kasi alam kung paano ako kikilos sa harap niya eh. Hindi naman sa sobrang nasaktan ako sa nangyari sa amin dahil kung tutuusin wala naman talagang kami. Isa lang kaming MALABONG USAPAN. "Iwasan mo sana si Sam. He is no good for you." sabi niya. Ang layo naman ng sinabi niya sa sinabi ko. "Ano naman ang koneksyon nun? Ano naman pakiealam mo kung sumama ako sa kanya sa condo niya? Bakit may gagawin ba siyang masama? Sa tingin mo papayag ako na may gawin siyang masama?" sunod sunod kong tanong. "Di mo alam kung anong kayang gawin ni Sam sa kahit sinong bbae sa loob ng condo niya. Remember he is up to no good when it comes to girls. Kaibigan ko siya. I consider him as a brother but of course I won't tolerate him doing something bad to you. I care so much for you." seryosong sabi ni Seth. Speechless ako. Is he confessing? Wait never assume, unless stated. Mahirap na matinik ulit. Tandaan: MU. I need to deal with this rationally. "Seth, walang gagawing masama si Sam. Kung may gawin man siya sa akin sisiguraduhin ko bago niya pa magawa un eh makakawala na ako sa kanya. Thank you for your concern pero hindi na kailangan. Ikaw na ang may sabi kilala mo si Sam. Hindi ako ang tipo niya. Iniinis niya lang ako kanina." sabi ko habang mabilis kong hinawakan at pinisil ang kanang balikat niya. "Okay. I'm so sorry ifI over reacted alam kong iniisip mo wala akong karapatan para maging over protective." sagot niya. Mukhang kalmado na siya. "Talaga lang. Sabi mo kasi he is up to no good bakit ikaw ba good ka ba? Masasabi mo bang best man ka?" pabiro kong sinabi. Sumeryoso ulit mukha. "I believe I'm also up to no good for you that is why I ended whatever was going on between us." sabi niya habang hindi inaalis ang mga mata sa daan. What he said broke my heart...again. Why is he torturing me?
Comments?
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl for the Casanova
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang girl next door/ ms. perfect ay makaharap ang isang casanova/bad boy/pervert? Magkakaroon ba ng pagkakataon na magkagustuhan sila? Gugustuhin ba nila magbago para sa isa't isa? Paano kung malaman pa ni Ms. Perfe...