7

29 1 2
                                    

"Bale start na nang rehearsals natin sa Monday. Tsaka kahit 2 months pa before foundation day, kelangan na natin magprepare para polished na polished before magperform." sabi pa ni Leah nang makasabay ko sya papasok kinabukasan.

"Finafinalize na kasi ang script, tsaka wala pang nahahanap na male lead role." sabi pa niya.

"Ahhh ganun ba." tanging nasagot ko nalang.

"Plano nga namin si Aaron, yung sikat na 4th year sa Section 1? Kaso tinurn down kami. Di daw marunong kumanta." sabi pa nito sabay tumawa.

"Oh sya, kita nalang tayo sa monday!" kumaway na paalis si Leah. Kumaway nalang din ako para di magmukhang snob.

Kamusta na kaya si Neo?

Sana kahit papaano eh nagawa kong bawasan ang lungkot nya kahapon. Andaya nga eh! Hindi man lang nagshare nang pinagdadaanan nya! Oh well, hindi ko naman sya pwedeng pilitin magkwento. Tsaka siguro kung ready naman na sya, maisheshare nya rin sakin. Nang makarating ako sa classroom ay nilapag ko lang ang bag ko sa upuan. Wala pa si Jade, mukhang di na naman papasok. Tinext ko sya kung papasok ba sya o hindi. Madalas na kasing syang hanapin nang mga prof, baka mawalan na rin sya nang incentives dahil palaabsent. Kaloka talaga yung babaeng yon kahit kelan.

Lumipas pa ang oras nang mga subjects, naboboringan ako sa mga teachers magturo, sinikap ko namang magfocus. Try ko naman mag-aral mabuti, wala feel ko lang talaga itry mag-aral mabuti.

Lumipas pa ang ilang minuto at math time na, anak nang tokneneng, may quiz kami ngayon. Sakto naman at yung quiz naman ay andun sa folder ni Neo na binigay nya kagabi. Inaral ko talaga kung paano isolve, laking pasasalamat nalang sa handwritten instructions na nakatagalog ni Neo na nakasulat don, parang ngang tinuturuan nya ako eh, kahit papaano eh nagets ko. Basta mangalahati lang score ko sa quiz na ito, oks na sakin.

"Pass your 2pesos in front." langyang Dominador to, ginagawang business ang quiz paper nya.

"You have 30 minutes to answer the quiz, at pag sinabi kong ipasa, ipapasa. Lagpas nang isang minuto, hindi na tatanggapin." istrikta pang dagdag nya

Maya maya lang ay ipinamigay na ang quiz paper. Nang mabigyan na ang lahat ay nagsimula na ang tahimik na giyera. Napatingin pa ako sa mga kaklase ko, may ibang nagkakamot nang ulo, may ibang tinulugan lang ang papel, may ibang nangangalahati na ang scratch paper, may iba namang sinisilip ang papel nang katabi. Napatingin ako sa quiz paper.

1. N is the midpoint of L(-2,2) and M(2,6). What is ths midpoint of L and N?

a. (-1,3)
b. (2,4)
c. (-2,4)
d. (-2,3)

Anaknang?! Number 1 palang nawiwindang na ako. Tinignan ko pa ang ibang items

12. Three points (-2,-1), (x,0), and (1,2) are collinear. What is x?

a. -2
b. -1
c. 0
d. 1

Luh! What is x? Yun yung dati mong jowa! X-BOYFRIEND mo ganun! (korni po opo)

Bago pa ako tuluyang mabaliw eh sinubukan ko nang sumagot. Inalala ko lahat nang mga ininstruct ni Neo sa papel, unti unti ko namang nasasagutan kahit nahihirapan ako. Lumipas pa ang ilang minuto, pinapasa na ni Mam ang papel, buti nalang talaga at natapos ako nang mas maaga pa sa 30 minutes. Nung lumabas na si Mam ay nagsimula na rin maglabasan ang mga estudyante, hindi na naman pumasok si Jade. Tamad talaga

"Kamusta quiz?"

"Ay kagang ka!" nagulat ako nang makita si Neo sa tabi ko. Nakaupo sya sa desk nang katabi kong upuan.

"Nagulat naman ako sayo!" sabi ko pa. "Pano mo nalamang may quiz kami?" tanong ko pa.

"Sabi nang teacher namin sa math." tugon nya

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon