Prologue

68 4 1
                                    


"Erp seryoso ka ba at dito ka pa mag y-yosi? kapag may nakahuli sayo. Hindi ka muna namin kilala."

Hindi ko lang pinansin ang sinabi ng tropa ko. Bakit mahuhuli, kung hindi naman magpapahuli? Bobo talaga 'tong isang 'to.

"First term na first term, gusto atang magka record." sapaw naman ng isa, na abala sa pagkakalikot ng camera ko.

"Pang umaga ako ngayong term tangina naman, sana pala tinake ko na yung bagsak ko nung nakaraan. Ang hassle ng pang umaga. Naubusan pa ako ng slot." reklamo ko.

Tumalikod ako at bahagyang lumayo sa kanila bago tuluyang sindihan ang sigarilyong kanina ko pa pinaglalaruan.

Tumalikod ako sa oval,  Para mas aware ako kung may ibang tao o may guard na nag r-round. Takot na baka mahuli. 

Naagaw ng atensyon ko ang babaeng tumatakbo palapit sa upuan malapit sa fountain. Pinapaligiran iyon ng mga halaman at puno.

 Pilit na pinapahid ang mukha. Umiiyak ba siya?

Hanggang balikat ang buhok nito. May bangs at hindi katangkaran. Naka dark blue crop top at navy blue na pants. Nakabukas rin ang back pack na naka sukbit sa isang balikat.

"Hoy tanga, bakit ka nakangisi  riyan?"

Kahit na umiiyak, lumundag pa rin siya para abutin ang upuang may kataasan. Grade 11 siguro 'to. Iba ang lanyard niya kumpara sa amin. 

Agad kong binagsak ang sigarilyong may sindi sa daliri ko at inagaw agad sa tropa ko ang DSLR.

Naka side view siya rito sa gawing bus stop habang ginagalaw ang dalawang paa na naka angat.

Napangiti ako. May kalayuan itong bus stop sa fountain pero, hindi yun hadlang upang hindi ko  makita ang mukha niya. Kahit kalat ang mga takas na buhok na humaharang sa mukha niya, hindi pa rin maalis ang katotohanang masungit ang awra niya. Umiiyak ngunit naka kunot ang noo.

Kinuhaan ko siya ng litrato. Pinilit kong i-zoom upang mas makita ko ang side view. 

Nakatatlong shot 'yon na may iba't ibang anggulo. Hinahangin din ang buhok niya kaya naman mas lalong umaaliwalas sa lente nitong camera ko.

Naibaba ko ang camera ko nang may isa pang babae ang dumating. Maikli ang buhok, payat, kumpara sa umiiyak na babae, at nakatingin dito.

Inaya ko na ang dalawang lalaking kasama ko para umakyat. 

Hindi ko inaasahan na iisa lang ang tinitignan namin ng tropa. Nakatingin din sila sa gawi ng mga babaeng kinunan ko ng litrato. Ngumisi ang isa kong kaibigan, 

"Kilala ko yung babaeng 'yon." 


************************************************

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Memories behind the LensesWhere stories live. Discover now