Ako na Ambisyosa

273 3 1
                                    


"Samahan mo na ko! Dali, baka umalis na sya."

"Ano ba yan."

Reklamo ko sa kaisa-isa kong baklush na bestfriend na si Ivan. Ivy sa gabi. Gabi ngayon, so Ivy sya.

Nagpapasama sya sa basketball court dahil nandun ang crush nyang si Marvin. Wag kayo, baka sabihin nyo na walang taste ang baklitang kasama ko ngayon. Gwapo, magaling magbasketball, sabihin na nating formal, at saka HABULIN NG MGA BABAE! Sya pa lang ang kilala kong baklush na naghahabol sa isang katulad ni Marvin. Pero I know, may mga baklitang umaaligid dyan na may gusto rin kay Marvin. Gwapo naman talaga si Marvin, pero ewan ko ba, nagagwapuhan lang ako sa kanya. Di ko alam kung bakit di ako katulad ng ibang babae jan na patay na patay sa kanya. Haist!

Ano ba yan, sa kakadada ko, di ko na napakilala kung sino ako. Ako si Janine. 16 going to be 17. Isang simple girl na ang bestfriend ay si baklush Ivan (in nights Ivy) Siguro, ako lang ang babae na naga-assume na magugustuhan ako ng member ng 5SOS, lalong-lalo na si Luke!

"Janine, tingnan mo. Naka-topless sya!" sabi sakin ni Ivy habang kinikilig. Nandito kami ngayon sa bench ng court na ito at ang bench namin ay kinakalawang pa. Saan ka, dito na at umupo. Kainis! Dito talaga sa kalawang para lang sa Marvy na yan.

"Eh ano naman? Para sakin yan noh." isang malaking biro ko kay Ivy. Nagagalit kasi sya sa tuwing inaangkin namin nila Kylie si Marvy.

"Uuwi na ko, bye guys." habang walkout at balik. Syempre, sisilayan pa nya yung Marvy ng buhay nya.

"Hay naku, sa ulo ka na namin. Pag-inaangkin namin yang Marvy mo, ganyang line ang sasabihin mo." sabi ni Kylie. Si Kylie nga pala ay isa rin sa mga GILRSFriend ko. As in babaeng kaibigan. Lagi rin namin kasama pag sinisilayan ni Ivy itong Marvy nya.

"Ang pogi nya talaga." sabi ni Ivy habang nakatingin kay Marvy.

"Hay naku, obsess ka na eh. Di na crush." sabi ko sa kanya.

"Oo nga, matutulad ka kay Janine nyan, bahala ka." sabi ni Kylie. Obsess ba ako?

"Hoy, kailan ako na-obsess aber?"

"Kay Luke, kada titingin ako ng pictures jan sa phone mo ang bumubungad sakin ay si LUKE! LUKE! LUKE!" totoo yan, si Luke Hemmings lang ang mundo ko. Haha! Joke lang, syempre.

"Hihihi..." tawa ko na lang na may peace sign pa.

"Janine, wala ka bang crush-er/s sa personal?" tanong ni Ivy. Ang alam lang kasi nila, si Luke ang crush ko. Pero totoo naman.

"Eh wala akong mapili eh, saka personal si Luke noh." sagot ko.

"Sa school or any place, wala? Di katulad sakin na may makita lang na gwapo, sulat na sa Crush-ers List ko." dagdag nya. Crush-ers List- listahan nya yun ng mga crush nya. At MARAMI sila.

"Wala eh, hmmm..." napaisip ako bigla. Ah! "Slight lang, meron." sabi ko.

"Sino? Akala ko si Luke lang eh." sabi ni Kylie.

"Si Luke lang talaga noh. Na-attract lang naman ako sa kanya ng konti (habang ginagawa ko ang konti sign sa kamay) sa lalaking 'to. Sa school namin sya, pero ibang section. Lester yung name nya. Pero slight lang naman, si Luke talaga ang 100%" sabi ko.

"Meron naman pala eh." sabi ni Ivy.

"Ano, alis na tayo. Nagugutom na ako eh." yaya ko sa kanila. Ganito kami, magyayaya ang isa kumain, go naman ang lahat. Di ba? Mga SPG (Super Patay-s Gutom)

Bumili lang kami ng napaka paborito naming tatlo na Hany. Guess what. Sa tindahan na binibilhan namin, may crush din si Ivy. Di ba, ang dami.

Halos araw-araw at gabi-gabi kami nandito sa Basketball court para lang silayan ni Ivy yang Marvy na yan. Siguro, eto na yung most tambayan naming tatlo. Yung court.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako na Ambisyosa (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon