I woked up in the middle of the night, I could hear my Mother crying. It makes my heart beat so fast. 'Why mom is crying?' that's what I keep asking myself. I sat down on my bed, trying to calm down. I was going to stand to go check on my parents. But shocked when I heard my dad shouted "Don't you dare touch my wife." angered evident to his voice. Dad is always calm in my entire life, I never heard him shout. He always smile and laugh towards me and my mom. He is nothing but a sweet, caring and loving father and husband to us. Fear devoured my body, trembling knees that turns into jelly when I heard my mother shouts in pain and cry. I let myself fall back on bed. Tears rolling down my face, it was too silent despite mom cries and begging, all I could hear was my heart beating fast while sobbing. I tried to cover my mouth to avoid making sounds. Confuse and nervous at the same time. My thought got interrupted by loud and evil laugh. I was so sure it wasn't from dad and not from our driver either. It makes me cry even more, my young self knew something bad is happening. The next thing I heard was dad crying as he begs "D-dont, p-please stop" after that all I could hear was unfamiliar voices and laugh that enjoying the situation of my parent. I couldn't describe how I feel, Anger, fear and a lot of mix emotion.
My phone rings woke me up from that nightmare that I constantly dream for over 10 years from now. I don't remember someone having my number. Kinuha ko ang lumang smart phone na nakapatong sa lamesa katabi ng aking higaan. Unknown number, tulad ng inaasahan dahil bukod sa trabaho na kahit kailan ay hindi pa tumawag dahil hindi naman ako umaabsent at na lelate. Sinagot ko ang tawag.
"Hello, is this Ms. Luz Gomez? I am Anna Santos manager of Royal Cuisine, are you up for an Interview today? " napangiti ako nang marinig ko ang balita. Mula ito sa Isa lamang na trabahong sinubukan kong apply-an. Kahit anong trabaho pinapasok ko dahil wala naman akong maaasahang iba kung hindi ang sarili ko. Cashier ako sa isang Convinient store simula 9 ng gabi hanggang 4 ng madaling araw. Ngunit hindi na ito sapat dahil kailangan kong mag ipon para sa pang kolehiyo ko.
"Yes Ma'am, I'll be there po." sagot ko sa kabilang linya.
Matapos ang tawag ay bumangon na ako. Tiningnan ko ang oras, 8 am. Napasarap ang tulog ko dahil na rin sa pagod. Nagmadali kong niligpit ang aking mga gamit na nakakalat sa maliit na kwarto sa apartment na inuupahan ko. Halos mag iisang taon lang ako ng lipat dito. Maswerte na ako dahil sobrang mura ng upa.
Limang Naka ilerang maliliit na kwarto at isang comfort room para sa limang kwarto na Kung saan ako nangungupahan. Mayroong maliit na lababo ang bawat kwarto na hindi ko naman nagagamit dahit hindi naman ako kadalasan kumakain dito. Masikip ang kwarto para sa akin ngunit tinitiis ko na dahil ito lang naman ang makakaya ko. Maswerte ako at walang gumagamit ng paliguhan kaya maaga akong natapos. Kadalasan ay matagal ang pila dito dahil na rin sa ibang umuupa.
Umupo ako sa harap ng maliit na salamin sa kwarto. Tinitigan ko ang asking sarili. Long dark brown hair and pale akin same as my mother. Memories of her makes me smile bitterly. Green as emerald eyes that reminds me of my father. I hate looking at myself, dahil nagpapaalala ito sa akin sa mga magulang ko at sa trahendyang gustong gusto ko ng kalimutan.
Nang maalala ko na may interview pa ako sa Royale Cuisine na isa sa mga sosyal na Restaurant sa Pilipinas ay dali dali na akong naglakad. Balita ko ay mahirap makapasok sa Restaurant na ito. Ngunit confident naman ako dahil halos sa lahat ng pinanggalingan kong lugar ay panay pagiging Waitress ang trabaho ko. Dito nga lang ako naging Cashier sa lugar na ito.
Simula namatay si Aling Lourdes ay palipat lipat na ako ng lugar. Si Aling Lourdes ay walang pamilya, siya ang nakapulot sa akin pagkatapos ng trahedyang ayaw ko ng maalala. Siya lang ang bukod tangi kong pinagkakatiwalaan. Kinupkop niya ako at pinag-aral. Namatay siya noong ako'y labing limang taong gulang pa lamang dahil na rin sa katandaan. Limang taon din kaming magkasama, pag katapos ng nangyari sa akin, ang pagkawala na lamang ni Aling Lourdes ang tanging nag paiyak sa akin. Tinanggap niya ako at hindi pinilit na mag salita sa anong nangyari sa akin dahil alam niyang nakapag pa trauma ito sa akin. Bago siya namatay ay ibinenta niya ang maliit na lupa para magastos sa aking pagaaral. Pagkatapos niyang ilibing ay umalis na rin ako sa lugar na iyon, gamit ang tirang pera na naiwan sa akin at ang pag pasok ko bilang waitress ay nakapag tapos ako ng Highschool.
Hindi naging normal ang buhay ko, wala akong naging kaibigan kahit na isa lamang. Matalino ako, ngunit dahil sa kailangan pag aralin ang sarili ay madalas ang pag liban ko sa klasi. Wala akong panahon makipag kaibigan at magsayang ng oras. Hindi rin ako malapit sa ibang tao at dumepende sa kanila. Kahit sa trabaho man at iskwela ay wala akong kaibigan dahil hindi talaga malapit ang loob ko kahit kanino.
Si Aling Lourdes na pinaka malapit sa akin ay namatay ng wala man lang alam sa totoo kong pinanggalingan at ang totoo kong pangalan. Luz ang pangalang sinabi ko sa kanya. Gomez ang apelyido niya at ipinahiram niya iyon sa akin nang ako ay kanyang kupkupin. Halos isang buwan din akong hindi nagsasalita noong napulot niya ako. Nagpatulong siya sa mga taong kakilala upang naging legal ang pagkupkop niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Dimmed (TRAGEDY Series 1)
Romance"You can't survive without the help of others." That's what everyone thinks. A 24 year old Luz Gomez believes the otherwise, she refuses to trust and depends on others. She doesn't ask anyone for help. Living by herself and paying all the bills alo...