32

868 30 0
                                    

"Edge!" sigaw ko sa tapat ng camera ng phone ko. Nakita ko naman din siyang ngumiti. Sa ngayon ito lang muna video call. Mabuti nalang naimbento ito, hindi ko talaga alam paano siya kakausapin kung wala ito.

"Mabuti nalang pinayagan na akong humawak ng cellphone." napangiti ako sa sinabi niya, isang linggo muna bago kami nakapag vc. Feeling ko tuloy ldr kami ngayon. Nagbabago na din ang sistema ng Unibersidad, tinanggal din ang mga guro na kasali sa nangyari doon sa mini aud. Na kick out din ang mga estyudyanteng kasali. Maraming dumating na mga media sa school, pero prinotektahan kami ng Presidente, at inayos din nila ang issuw. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga tinanggal dito sa University.

"Kamusta si chichi?" binuhat ko si chichi gamit ang isang kamay ko. Sobrang taba na niya. At sobrang cute. Nag ingay naman si chichi kaya natawa si Edge.  At ito si Edge pinadala sa probinsya pagkatapos naming ma hospital. Sumugod ang lola niya, pinakanakakatakot na lola na nakita at nakilala ko. Sobrang nagalit siya kay Edge, kasalanan daw niya lahat. Prinsipe talaga siya ng bully.

"Magsalita ka naman diyan...nagmumukha akong madaldal." napanguso ako sa sinabi niya, gustuhin ko man hindi ko magawa, pag nagugulat ako, natatakot o ano don ako nakakapagsalita. Ewan ba ang hirap hirap.  Pero alam ko na pag ako nakapagsalita mas madaldal ako sa kanya.

"Napakaboring dito! ang iingay pa ng mga aso!" sigaw niya. At naalala ko tuloy nong nasa hospital kami sigaw siya ng sigaw sa pangalan ko.

"Teka...kumain ka na ba?" Napatango naman ako, napatingin ako sa wall clock mag na nine na. Papasok pa ako. Nag chat muna ako sa kanya na hindi pinapatay ang vc

To: Baby
aral po muna ako :)

"Ohsige mag ingat ka ha. Gawin mo mga assignments at projects mo ah." napatango naman ako at binaba si chichi. Binigyan ko siya ng isang ngiti bago pinatay ang tawag.

From: baby
Ingat :*

Siya din ang nag change ng nickname naming dalawa sa fb. Napaka korni talaga minsan pero yaan na. Nag ayos na ako at lumabas na ako kasama.si chichi. Naging tahimik na ngayon ang University, mas tahimik talaga dahil, wala ng Edge. Napanguso ako. Nakakalungkot naman isang buwan pa naman siya don. Napatingin ako sa bracelet na binigay niya sobrang ganda talaga.

Iniwan ko sa Guard si chichi, meron naman don siyang sariling cage katabi ng guard. At medyo mahkaibigan na kami ni manong guard dahil kay chichi. Sa kanya ba naman namin lagi iwan si Chichi.

"Oyyy!" nagulat naman ako pagkababa ko ng bus nong may biglang umakbay sakin, sila Alexis lang pala at Manuel. tapos Alex. hmm si Rex? hindi pa naman kami masiyado nagpapansinan

"Ano? ayos ka na? Back to studio ka na?" tanong ni Manuel,  napangiwi naman ako.

"Sabay sabay na tayong pumasok!" natatawang sabi ni Alex, napatingin naman ako kay Alexis na nag sign language ng magandang umaga. Ngumiti naman ako pabalik.

"Ganda ng bracelet ah. Miss na yan ang jowa." biro ni Alex kaya napairap lang ako sa kanya

"Hatid ka namin..." sabi ni Manuel, at napatango naman ako. Sila lang naman mga kaibigan ko dito. Hinatid nila ako sa tapat ng classroom ko

SALAMAT

sulat ko sa white board at ipinakita sa kanila

"Walang anuman! mamaya sa studio ha!" sigaw ni Manuel at kumaway gamit ang drumstick. Natawa naman ako at napatango. Sabay naman silang lumakad palayo. Kinuha ko naman ang cellphone ko at chinat siya

To: Baby
Pasok na ako :)

Papasok na sana ako ng classroom ko nong may humawak sa braso ko agad naman akong napalingon kung sino.

"Sorry Miss. may tanong lang sana ako." isang babae, napatingin ako sa kamay niya sa braso ko at sa mukha niya, napakunot ang noo ko at tinitigan siya

"Hindi ko kasi alam kung san tong TBA?" parang...bakit.parang...kilala ko siya? bakit parang...nakita ko nasiya?

"ahhMiss? alam mo ba?" Bakit sobrang pamilyar niya sakin?. San ko ba nakita ang mukha niya?.

"Miss?" nagising naman ako kakaisip nong itinapat niya ang entrance slip niya.

"new student kasi ako." rinig kong sabi niya. Nagsulat ako sa white board ko

TO BE ARRANGE PO

Nagulat naman siya at natawa

"Owww...right haha sorry." sabi naman niya at alam kong napapatanong siya bakit nagsulat pa ako sa White baord kaya naman nagsulat ako ulit

"SPEAKING DISORDER." para naman siyang namangha bigla

"Oww..sorry ulit. paano toh? paano ko malalaman room ko?" nakanguso niyang sabi, sobrang ganda niya...at parang nakita ko na talaga siya. Pero wala naman akong naalalang nakilala na kasing ganda niya dati.

SA GUIDANCE TAYO

Napatingin ako sa classroom ko wala namang prof.

"Samahan mo ako?" nakangiti niyang tanong, napatango naman ako bilang sagot. Yumakap naman siya agad bigla sa braso ko

"Yey! may kakilala na ako dito." sabi niya na parang bata, nailang naman bigla ako. Sabay kaming lumakad. New student?. hindi ba sobrang late na? anong month na ngayon? simula nong pumasok ako dito.

Pumunta kami ng guidance at pinacheck yung TBA niya sa entrance slip. si Rex naman ang nagturo sakin non kung ano ibig sabihun ng TBA.. Hindi naman kami nagtagal at pinalitan agad ang TBA niya. Hindi ko nakita ang pangalan niya sa entrance slip, baka siguro kilala ko siya kaya sobrang pamilyar ng mukha niya.

To: Baby
may sinamahan ako sa guidance

From: Baby
sino? :3 napano ka?

To: Baby
may nagpatulong sakin. TBA kasi nakasulat sa entrance slip niya

From: Baby
oww.okay. keep safe. :*

"San naman tong FA 202?"

FINE ARTS ROOM NO. 202

"owww thanks."

SAMAHAN NA KITA

Sinamahan ko siya, sabay kaming lumabas ng guidance papuntang building ng fine arts. Parang nahiya naman ako sa ganda niya. Tapos ang ganda pa ng buhok niya.

"Salamat ha?. at sorry na din baka naabala kita." sabi niya nong nas atapat na kami ng classroom niya

AYOS LANG :)

"Ang cute naman ng white board mo. hindi ka talaga nakakapagsalita? o nakakapagsalita pero.."

NAUUTAL AKO. CANT SPEAK WELL

"owww." napatango tango naman siya. At may kinuha siyang hair clip bigla sa bag niya at isinuot sakin.

"its my thank you gift." napahawak ako sa hair.clip na nasa buhok ko na, napangiwi naman ako. Nakakahiya naman. Thank you gift talaga?.

"Nga pala..haha. anong pangalan mo?" natawa siya pati ako, kasi kanina pa kami magkasama at magkausap hindi ko manlang kinuha pangalan niya. Kanina pa din ako tanong ngtanong sa isipan ko kung san ko ba siya nakita? Hinawakan niya bigla ang i.d ko

"Lea..Lea Macorol." basa niya sa pangalan ko. Napatango naman ako

IKAW?

Inilahad niya ang kamay niya sakin bigla

"Ako si Elise..." Natigilan ako sa narinig ko, napatulala ako sa kamay niya. E...Elise?

"Elise" Napakunot ang noo ko, napansin naman niyang hindi ko tinanggap ang kamay niya kaya kinyha nalang niya ang kamay ko at nagshake.hands kami.

"Salamat Lea. see you around." at pumasok na siya, napatalikod naman ako at pilit na prinaprocess sa isipan ko ang pangalan niya. Pero..hindi naman siguro diba...Napailing iling ako at napatakbo papuntang class ko.

<3

Angel's VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon