LANGIT, LUPA AT IMPYERNO

82 3 0
                                    


Ito ay isang Short-story pero malalim ang kahuluhan may konting twist pero paki intindi nlang parang awa niyo na.

"Wag mo PROBLEMAHIN ang PROBLEMA kung hindi naman ito PROBLEMA"

-WritterfromOuterSpace

------------------------------------------------------------------------

Totoo bang hindi ako matataya sa LANGIT.?

Totoo bang matataya ako sa LUPA.?

At saan naman napulot yung IMPYERNO.?

----

Nakahiga ako ngayon sa aking higaan

At pilit kong iniisip kung paano nadiskubre ang larong pinamagatang
"LANGIT, LUPA AT IMPYERNO"

--//--

Noong bata pa ako ay mahilig ako at ang aking kabarkada na makipag laro sa labas

Patintero , Agawan Base , Luksong baka at tinik ngunit meron natatanging stand-out sa lahat at ito ang

"LANGIT , LUPA AT IMPYERNO"

Heto naa....

-----ANG MEKANIKS NG LARO-----

1). Lahat ng manlalaro ay kelangan mag (Maalis-Taya) ang karaniwang ginagawa bago mag simula ang laro,

Kung saan dito natitira ang magiging TAYA

At minsan dito nauuna ang TANGGAL.

*Kung titignan niyo maigi parang si Lord ang panabla at tayo ang manlalaro diba?,

Sino ang TAYA?

Ang taya sa mundo ay ang PROBLEMA.

Pag nasa lupa ka nga, taya ka. In short

Pag nasa kalsada ka , may problema ka.

2). Lahat ng manlalaro ay mababawasan hanggang sa matira ang taya, parang sasalain sila hanggang sa may matirang magiging taya.

*Ang mga tao sa mundo ay nababawasan dba?

Paano sila nababawasan?

Ang mga tao ay hindi permanente sa mundo

Meron at meron paring aalis araw-araw nga may namamatay e.

3). Pag natira na ang TAYA sisimulan na niyang habulin ang iba para pumalit sa kanya

* Lahat tayo ay hahabulin ng problema walang eksemted.

In-short lahat ng tao may kabuntot na problema na dapat malampasan

4). Pag naka hanap na ng iba ang  naging TAYA naman ang hahabulin.

* Pag natapos mo ang isang problema lilipat ito sa ibang tao at maghahanap ng ibang susubok.

Ang problema ay palipat-lipat lang di yan nauubos habang buhay ka may PROBLEMA.

kaya nga "PROBLEMA ANG MABUHAY".

5). At ang huli ang "AYAWAN NA !"

Ito ang pinaka masamang gagawin ng mga manlalaro sapagkat aayaw na sila kawawa ang nataya

* Sa totoo lang sila yung mga hindi nataya dahil di nila kayang gampanan ang pagiging taya

Sila yung mga napariwala na sa buhay

Kumbaga, napag laruan ng tadhan

Kasi nga madadaya ayaw maging TAYA

Hindi nila kayang problemahin kaya tumatakas nalang sila sa pamamagitan ng pagpapakamatay.
(SILA ANG NAPUPUNTA SA IMPYERNO)

* AT DITO KO NALAMAN NA ANG BUHAY NATIN NGAYON AY PARANG:

"LANGIT , LUPA AT IMPYERNO"

"ANG MUNDO AY ISANG MALAKING PLAYGROUND"

-------------------------------------------------------------
MERRY CHRISTMAS
AND
HAPPY NEW YEAR
-writterfromouterspace

LANGIT , LUPA IMPYERNOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon