Sumakay na ako ng tricycle papunta sa school ni Russwill. Doon kasi ginanap ang table tennis ngayong selection meet na.
I was still on my uniform, kaya medyo kinakabahan ako pumunta don. Normal naman kasi sa mga estudyante na pagtitinginan ka kung hindi mo suot uniform nila. Maski ako, maoapatingin din ako kung may naligaw na taga ibang paaralan sa school namin.
I tried calling Russwill but he can't be reach. Siguro, game na niya kaya sinubukan ko namang tawagan si Gio.
"Hello?"
"Gio, busy ka ba?" Nag-aalangang tanong ko.
"Uh, hindi. Mamaya pa naman laro ko. Bakit?"
"Nasa may gate na ako, pwede pasundo? Nahihiya ako pumasok dito, sisztmars," sabay linga-linga sa paligid.
May mga ibang kakilala ako kaya tinatanguan ko na lang sila.
"Sige, palabas na ako. Hintayin mo ako diyan," sabay baba ng telepono.
It was Friday. Naiintindihan naman ni Russwill kung bakit ngayon lang ako nakapunta.
Ang special niya masyado, pinuntahan ko pa talaga. Char.
Ilang minuto ang lumipas ay dumating na din si Gio.
"Nahihiya ako pumasok kasi nakauniform ako," I said as I handed him a bottle of Gatorade.
"Ano 'to? Wait," hinubad niya ang hoodie na suot niya at nilagay sa aking ulo para maisuot ko.
Inayos ko naman yung pagkakasuot ng hoodie ko. "Gatorade, obvious ba?"
"Sakin ba 'to or ipapahawak mo lang?" Inirapan ba naman ako?!
Tinaasan ko din naman siya ng kilay, "Oo, sa 'yo yan. Thank you," sarkastikong saad ko.
Naglalakad na kami papasok. May mga tumitingin sa amin at nagbubulungan na rinig ko naman.
"Girl, ang pogi nung guy. Jowa niya? Binigyan ng Gatorade kanina eh."
"Sana ol, supportive!"
May ibang nakakasalubong din kami na kakilala ni Gio.
"Uy, pare. Sana lahat. Jowa mo?" Malokong tanong nung lalaki.
"HAHAHAHA SANA HAHAHAHAHA!" Tawang sagot naman ni Gio.
Umiling na lamang ako doon sa lalaki at binigyan siya ng nag-aalangang ngiti.
Gio raised his hands on the air. "Hands off, pre. Kay Russwill."
Nagpaalam na din yung lalaki at dumiretso kami malapit sa table na pinaglaruan ni Russwill.
"Nice one, bro!" Gio said.
"Congrats," I said to Russwill as I handed him the Gatorade after their game.
Inakbayan niya ako. "Thanks!"
Agad niya naman tinanggal pagkaakbay niya nung naalala niya na pawisan pa siya.
"Hala shet, supportive!"
"BROOO! MAY PA GATORADEEEE!!!" Sigaw pa nung isa.
"Sana ol pinuntahan!" Inaasar pa rin nila kami ni Russwill.
"GIO! BAKA MAY FRIENDS KA PA! RETO MO NAMAN AKO!" Sigaw nung isa na nakasalubong namin kanina.
Few minutes later, Russwill and I decided to go out to eat lunch. Inimbitahan din namin yung iba, but they declined so we were headed out already.
BINABASA MO ANG
Mischievous Flight of Love
Teen Fiction[ON-GOING] "Since when did I fall in love with you?" Tanong ni Mika, hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa kanilang dalawa. "Pakiramdam ko, hindi talaga tayo pwede." Mahinang saad naman ni Gio na narinig naman ni Mika. Hindi ba talaga pwed...