Chapter I

27 3 0
                                    

Chapter I

Mabilis kong tinatahak ang daanan papunta sa schol kung saan ako pumapasok. Walang tigil ang aking mga paa sa pagtakbo dahil huli na ako sa una kong subject.

Ang malas ko kasi nasira ang bike na ginagamit ko sa pagpasok kahapon. Alam ko na hindi lang ito ang dahilan kung bakit ako tumatakbo na parang may humahabol sa akin na kabayo.

Late na kasi akong nagising dahil sa video games na nilaro ko kagabi. Tinapos ko lang naman ang ilang rounds para maging mataas ang skor ko sa mga kalaban ko kagabi.

Well, I’m won againts them at ang kapalit no’n ay ang pustahan namin na ipapadala nila sa account ko.

Easy money pag magaling ka sa mga video games na ito, dagdag baon ko rin ito. Ngunit, ‘wag lang ako papahuli kay nanay dahil isang sampal at sabunot ang aabutin ko pag nalaman niya na naglalaro na naman ako nito.

Napahawak ako sa tuhod ko ng nasa harap na akong ng school. Habol ko ang paghinga ko at yung pawis na tumatagaktak sa noo ko. Hindi ko na lamang pinsanin iyon at nagpatuloy ako sa pagtakbo.

Nasa Third floor pa ang room namin kaya medyo matatagalan pa ako para makapunta doon.



Nang malapit na ako sa pinto, marahas kong pinreno ang mga paa ko upang ayusin ng kaunti ang aking buhok na hanggang balikat lamang.



Binuksan ko na ang pintuan at napatigil ang aming guro sa pagtuturo niya. Inalis niya ang suot na salamin at tinignan niya ako na parang sinusuri pa.



“You’re late!”Madiin na sabi ni Ma’am Gladys.

“I’m sorry po,”Paghingi ko ng paumanhin.

“Pagbibigyan kita tutal ngayon ka palang na late sa klase ko.”Umupo na ako sa pinakadulo dahil doon naman talaga ang upuan ko.

Ramdam ko rin ang paninitig ng iba kong klasmate sa akin.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga mapangutya nilang tingin sa akin. Inilabas ko nalang ang aking notebook at nakinig sa lesson ni Ma’am na hindi ko maintindihan.

Nang matapos ang klase, lumabas na ako para kumain sa lugar na walang makakakita sa akin or should I say wala naman talagang nakakakita sa akin eh.

Pumunta na ako sa rooftop para doon kainin ang aking baon na inihanda ni Nanay.

Umupo ako sa mga block na malalaki para doon ko lapangin ang mga luto ni nanay.

“Wow! Iba talaga si nanay kahit abot kurot at sabunot niya sa akin pag hindi ako nakakatulong minsan hehehe.”Sinimulan ko ng kainin ang inihanda ni nanay para sa akin.


Sa bawat pagsubo ko ninanamnam ko ang masarap na piritong itlog na may special recipe. Itlog langni nanay masarap na.

Sounds weird!


Nagpasalamat ako nang matapos ako sa kinain ko at niligpit na ito.


When I’m about to stand I heard a footsteps at papunta ito sa rooftop. Kaagad akong nagtago sa likod na malalaking blocks para hindi makita ng taong ito.


“Damn you, bro! Ayoko nga!”Rinig kong sabi ng boses at halata ang pagkairita sa boses niya.

Hindi na ako nag eavedrops pa kasi hidi tama iyon. Unti-unti din naman nawala ang boses ng lalaki. Nang sumilip ako papalayo na ito kaya tumakbo na ako para makabalik sa room namin.



After class, dumiretso ako sa bilihan ng video games at ng mga manga. Kilala na nga ako ng nagbabantay dito dahil lagi akong napunta pag may bago sila o kahit wala naman.





If I FallWhere stories live. Discover now