FM's POV
"HUY! Makinig ka nga!" Suway sakin ni Imma. Kanina pa ito dumadaldal sakin kaya naiinis siya hindi ko kase siya pinapansin.
Napaka wrong timing lang kase kung kailan wala ako sa mood dun pa siya magdadaldal..."Ano ba kase yang iniisip mo? Si Axel na naman ba?" Tanong niya kasing hindi ako nito pinapansin mula pa nuong biniro ko siyang mabango ang kili-kili ni Hethan kahit hindi ko naman talaga alam kung mabango ba talaga...pero mukhang mabango nga naman talaga.
Di kaya nagalit talaga siya dahil mas mabango ang kili-kili ni Hethan kesa sakanya? Kung ganun diba masyado naman ata siyang mababaw? Haysst! Panggulo talaga yun sa buhay ko.
At saka wala naman dapat siya ikagalit kase mabango naman ang kili-kili niya—ayk charot lang ang bang—baho ng kili-kili niya nuh...legit to guys ha.
"Haaay..." Buntong hininga ko at nilingon si Imma bigla kaseng tumahimik kaya naman pala nagcecellphone na naman. Nanonood ng k-drama sa katunayan may bago na naman yang kinababaliwan na drama Romantic Doctor ata tittle nun.
Napatigil ako sa pag iinat ng makita kong pumasok si LG sa pinto na nakakunit nuo na mas kumunot ng makita niya ako at duon ko lang napagtanto na nakanganga at nakataas nga pala ang mga kamay ko kase nga diba naguubat ako?
Inayos ko ang pagkakaupo nang hindi inaalis ang tingin sakanya hanggang sa makaupo siya sa likuran ko.
"Psst!Psst!" Sitsit ko sakanya kaya inangat niya ang tiningin niya sakin saka tinaas ang isang kilay niya."Ayy attitude ka sis?" Manghang tanong ko pano ba naman pordapakingperstaym tinaasan niya ako ng kilay! Pagkasabi ko nun ay nag "tss" pa siya.
"Ano ba talagang problema mo?" Tanong ko sakanya.
Matiim niya akong tinignan. "Gusto mong malaman ang problema ko? Ikaw. Ikaw ang problema ko." Sabi niya at saka bumaba ang tingin sa labi ko.
OM!!!TO THE G!!!
.
.
.TAPOS tumungin ulit sa mukha ko at dumistansya ng kaunti.
"Ang pangit mo kase...yun ang problema ko." Pangiinsulto niya kaya hinampas ko siya ng pader...--- Charr!!! Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas sa braso bigla ang kase siyang tumawa pagkatapos niyang sabihin yun. Ka asar!
"Tumigil ka na nga!" Suway ko. Tawa kase ng tawa. At tumigil naman siya.
Kinunutan ko siya ng mukha."Ikaw ha. Bakit moko niiwasan. Dahil ba mabaho talaga ang kili-kili mo? Okay lang yun ano kaba.Kahit ako naman eh lika amuyin mo " Sabi ko at inilapit ang kili-kili mukha niya kaya panay iwas siya.
"Yuckk!! Ilayo mo nga yan!" Sabi niyang hinawi ang braso ko. Haha
"Trip ko lang yun okay? Nakakapagod kang kausap kase ang daldal mo. Nakaka bingii!" pasigaw niyag sabi.
Lumaki naman ang SINGKIT kong mata. Chinita girl dzuh. "Hiyang-hiya naman ako sayo. Kung makapagsalita ka parang hindi nakakarindi mga tili mo ah."
"Ay...nakakarindi ba? Hehe. Pero hindi naman ako ganun ka daldal noh! At saka gusto ko lang naman maging safe."
"Safe? Bakit delikado ba ako? Danger Zone? Keep out off reach of children? Ganern???" tanong ko sakanya. Nung tingin niya sakin virus?
"Uso na ang NCOV ngayon malay ko ba kung may virus ka o wala. Chinese ka pa naman." simpleng sagot niya.
Aba! "Hoy! Walanghiya ka taga pilipinas ako at saka hindi porket may lahi akong Chinese may virus nako...hindi inborn yun okay?" Tarando tong bakla nato.
Skk* "Kahit na mabuti nayung sigurado. Dapat nga may mask ako ngayun eh."
Naiinis nako ah. "Eh kung patayin kaya kita ng una?! Tarantado ka! Palibhasa buglat ka!"
Tumaas ang kilay niya. " FYI hindi ako buglat bilugan lang talaga ang mata ko." pagtatanggol niya sa sarili.
"Parehas lang yun. Bleeh!" Asar ko.
"Ikaw may NCOV!"
"Buglat"
"NCOV"
"BUGLAT"
"NCOV""Ano yang ginagawa niyo?" May nag tanong.
"Tumahimik ka virus." Sabay naming sabi sa nagtanong ngunit laking gulat namin nang mapansin naming si Ma'am Carumba pala iyon. PAKTAY...
"GET OUUUT!!!"