Red's POV
"Nababaliw ka na ba?" Verena examined my face thoroughly and seriously.
"Again, are you mentally disordered na?" She asked me habang tumatambay kami sa garden. She let go of my face at Napatigil ang pagkain niya ng Nova, may nahulog pa nga galing sa bunganga niya eh. Kadiri.
"Oo naman! As in! Ngayon na!" Pagpupursigi ko. Aamin na kasi ako kay Blue ngayon. Manliligaw ako sakanya! O diba? Para sakin na siya forever! Hahaha.
Verena sighed and looked at me disapprovingly. "Ano pa nga bang magagawa ko? Once you made up your mind, nothing's going to stop you."
I laughed. "Oh, come on! Don't make it sound like a negative one!"
Verena sighed again. Kanina pati bumubuntong hininga ha! Hindi ba to napapagod? "Remind me, Red. Why am I even friends with you?"
I stuck my tongue out at her and grinned. "Because you love me so much?
Verena just shook her head and smiled at me in return. "Oh! They're here na pala eh!"
Tinignan ko naman yung tinitignan ni Verena at oo nga, papunta sila dito. Kumpleto sila ngayon ha. Cyrus, Clyde, Denver, Blake, at siyempre mawawala ba si Blue?
Derederertso lang sila hanggang makaupo na sila sa table namin at nagkwentuhan. Favorite place ko ang garden dito sa Solace University. May tables kasi tapos may fountain. Ang ganda. The best.
Cyrus groaned. "Sumusobra na talaga si Maam Marciano! Di ko siya matake! Sobrang Terror!"
Clyde groaned too. "Leche, alam niyo ba humikab lang ako pinatayo nako! Buong period yun ha! Kainis! Kasalanan ko bang nakakaAntok siyang magLecture?"
Tumawa kaming lahat. NakakaAliw kasi silang tignan. Sobrang frustrated nila na nagsisisipa pa si Clyde.
Blake yawned. "Feeling ko nga crush ako nung Prof na yun e. Parati kong nahuhuling nakatingin sakin. Creepy!"
Binatukan naman siya ni Denver. "Lakas din ng tama mo eh noh!"
Napatingin ako kay Blue na tahimik lang at nakatingin sa kinakain niya. I sighed. Ganito nga talaga siya. Wala nakong magagawa. Alangan naman magreklamo ako no ?
Nakakairita si Blake! Kanina pa tumitingin sakin tapos nginunguso si Blue. Konti nalang talaga uupakan ko na siya. Konti nalang titilapon na siya papuntang Neptune!
"So guys. May sasabihin pala si Red kay Blue." Sabi ni Verena.
WHAT. TEKA. Nabigla ako dun kaya nabilaukan ako. Hindi ako ready, ano! Todo tapik naman sakin tong pinsan kong si Clyde habang tinatawanan nila akong lahat. Well, except si Blue na tinignan lang ako saglit tapos bumalik na sa kinakain niya. Tinignan ko naman ng masama si Verena. Balak ba akong patayin ng babaeng to?!
"Ano na, Red?" Cyrus wiggled his eyebrows at me. "Ano na yung sasabihin mo kay Blue?"
"I-uh-" I stammered. "Kasi-"
"Ang tagal naman!" Reklamo ni Denver tapos kinindatan ako. Loko to ah! "Anong hinihintay mo? Pasko?"
"Hoy Blue! Makinig ka nga! May sasabihin daw sayo!" Blake told Blue at kinuha pa ang mukha niya tapos hinarap saakin. Tae. Mas kinabahan tuloy ako!
This is it pansit! Huminga ako ng malalim tapos tinignan saglit si Blue- na nakatingin lang sakin- at pumikit "Blue, pwede ba kitang ligawan?"
Natahimik ang buong table namin tapos biglang umubo nang umubo si Clyde. Hindi niya ata ineexpect na yun ang sasabihin ko. Ako rin naman eh.
Tinignan nilang lahat si Blue na papikit pikit lang. "Is this some kind of a dare?" Blue said. Shet nagsalita!
"H-ha?" I stuttered. "Why would you think that? I like you Blue. Honestly. It's been four years."
"So my observations were right after all." He muttered to himself tapos hindi na siya umimik ulit. Tinitigan niya lang ako. Natahimik nanaman ang buong table nang biglang humiyaw si Blake.
"YIIIEEE!" Blake shrieked. "Payagan mo na kasi tol!"
"Kaya nga." Denver agreed. "Bagay kayo tol."
Tumawa si Clyde. "Ang Ironic nun! Red and Blue?"
Nakitawa narin si Cyrus. "Anong love team niyo? Violet?"
"Gago!" Sigaw ko kay Cyrus at tumawa na silang lahat.
Tinapik naman ni Verena si Blue. "Hoy Blue! Ano na?"
Tinignan namin si Blue na nakatingin saakin. He raised his eyebrow tapos bigla nalang siyang sumubo ulit! Bingi ba to? -.-
"Fine." He finally said. "I'm telling you. Hindi mo ako matatagalan. Just like our names, Red. We're different. I don't think you'll be able to stay long with someone like me." And he stood up and started to walk away.
"Let's see then." I said. I know he heard me kasi tumigil siya sa paglalakad pero tinuloy niya rin hanggang sa makalayo na siya saamin.
"Woah." Cyrus muttered. "I think yun na ang pinakamahabang narinig ko na sinabi ni Blue. Ever."
Blake snickered. "Nakakainis ka Red! Wala na ang Btwins!"
I laughed and shook my head.
Clyde cackled. "Grabe, Red! I knew you were crazy but not that crazy! Anong pumasok sa kokote mo at naisipin mong ligawan si Blue?"
I shrugged. "Ewan ko nga e. Bigla ko lang naisip. Nakakatanga no? Pero teka! Hoy! Tutulungan niyo ko ha! Wala akong alam sa mga ganyang bagay! Lalo na si Blue pa yung liligawan!"
Denver sighed. "Ayan. Face the consequences. Pero sa totoo lang, nagtaka ako e. Kasi pumayag si Blue. Dati naman may nagpapaalam sakanya pero sinasabat niya."
Verena snickered. "Baka namn kasi medyo kilala niya tong si Red. Tsaka alangan namang bastusin niya si Red eh andito si Clyde? Baka mabugbog lang siya ni Clyde pag nagkataon."
Tumingin kami kay Clyde na kunwari naman daw nagfleflex ng imaginary muscles niya. Binatukan tuloy ni Cyrus.
"I don't know." Singit ni Blake. "Pero sa tono at sinabi ni Blue kanina, parang he's trying to prove a point kasi. Parang nilalait niya pa nga sarili niya eh."
Cyrus shrugged. "Baka insecure?"
I laughed. "Gavvat insecure! Wala si Blue nun! Tsaka wag na nga natin siyang pag-usapan muna. Nastrestress ako pag naaalala ko eh. I don't know how!"
Clyde laughed. "Ayan kasi. Paligaw ligaw ka pang nalalaman! Suyuin pa nga lang mahirap na gawin yun kay Blue, ligaw pa kaya?"
I groaned. "Naman eh! Kung i-boost niyo nalang kaya confidence ko? Promise you'll help me!"
"Oo na!" They shouted.
"Promise me!"
They rolled their eyes and shouted. "Promise!"
Finally.
-
BINABASA MO ANG
Voice of my heart (ON-HOLD)
Teen FictionFire and Ice. Red and Blue. Hot and cold. Yes, we're different but I fell for him. When will you hear the voice of my heart, Blue Marco Salvatore?