Kabanata 11

22 9 0
                                    

kabanata 11

Mushroom

Kakagising ko lang at lunes na naman ngayon parang kailan lang lunes tapos lunes na naman. Ano pa bang merun sa lunes? Klase, nakakatamad.

Mabuti na lang ay maaga akong nagising kahit medyo napuyat ako kakanood ng kdrama.

Kahapon naman ay matapos ang binyagan ay agad na ding kaming uwi at hindi na pumunta sa handaan dahil sabi ni dad ay aalis pa daw siya. At saka sa reunion na lang daw niya ako papakilala doon.

Tumayo ako sa kinahihigaan ko at bumaba ng hagdan at dumaretso sa kusina. Nandoon din si mom, dad, at Ken na kumakain. Umupo ako sa available na upuan at sumandok ng kakainin.

"Kelan school fest niyo?" ani dad sa kalagitnaan ng pagsasandok ko.

Sasagot na sana ako ngaunit naunahan ako ni Ken. "Sa friday, dad"

"Ano yung mga events niyo?" si mommy.

"Booth po siguro yung samin" sagot agad ni Ken.

"Fayhn, how about you? May events ba kayu?" napalingon sa kay daddy.

Napaisip kong mayroon ba kaming sasalihang events sa school festival. Siguro ay magkakaroon ng cheerdance at hiphop yung ibang section, pero yung samin ay hindi ko pa alam.

"I don't know, dad. Wala pa pong inaanounce samin" nakita kong tumango tango si dad at ako naman ay sinimulang kumain.

Tahimik lang kaming kumain matapos ang paguusap sa events sa school. Hindi ko talaga alam kung sasali ako ngayon dahil tinatamad ako. Pero last year sumali ako sa sayaw. Actually part akong ng dance group sa school, ang Dance Troupe.

Pagkayari kong kumain ay dumaresto na ako sa kwarto at naligo, nagbihis at nag-ayos ng mukha at buhok. Pagkayari ko sa lahat lahat ay lumabas na ako ng kwarto at dumaresto sa sasakyan. Himala ay kasabay ko si Ken ngayon dahil madalas ay sumasabay siya minsan kay dad, minsan naman ay kay mom.

Nagsimulang bumyahe ang sasakyan namin, nasa back seat ako at si Ken naman ay sa front seat katabi nung driver. Ilang minuto na ang byahe ngunit wala pa ring umiimik samin.

"Ate, i heard na lagi kayung magkasama ni Kev, ah" nagulat ako sa sinabe ni Ken, paano niya nalaman?

"How did you know?" kahit alam ko na ang sagot ay mas pinili ko siyang tanungin dahil baka mali lang iniisip ko.

Napakabilis talaga ng pakpak ng balita, kaya siguro pati si Ken alam niya. Hindi ko pa pala sinasabi sa kanya na nililigawan niya ako.

"Tsismis" simple nitong sagot.

Tsismis? Kalalaki nitong tao, tsismoso!

"Ano naman kung oo? Bat ikaw? Playboy ka pero hindi kita sinumbong kay dad" sambit ko.

Yes, playboy siya, malanding playboy! Porket maganda lang ang lahi naman ay ginagawa niya ng legal. Ayon sa mga kaibigan ko ay naka 22 na siyang ex.

Napansin kong nandito na kame sa parking lot ng school.

"Layuan mo yun, at the end ikaw yung iiyak!" pagkasabi niya noon ay bumaba na siya.

Nagtaka ako sa sinabe niya, eh hindi naman niya kilala si Kevine. Hindi naman siya playboy ah! Overacting lang siguro si kapatid.

Bumaba na rin ang ako sa sasakyan at nagsimulang maglakad pero nakita ko si Kevine sa sasakyan niya at nakatayo at parang may sinisipat. Nang magtama ang paningin namin ay inayo niya ang polo niya at pumunta sakin.

"Hinintay mo ba ako?" tanong ko. Tumango naman siya. "Naghintay kaba? Sorry?"

"Sorry? Okay lang! Ganyan diba pagnanliligaw? Hinihintay yung isa't isa" natawa na lang ako sa sinabe niya, mukhang seryoso nga siya.

Chasing in the Tides (Island Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon