"Can you be my girlfriend?" Napaawang ang labi ko sa narinig ko. Hindi agad ako nakaimik dahil sa tahasang tanong ng binata. "I really like you, Chloe.""T-totoo ba ang sinasabi mo?" Hindi ko makapaniwalang usal. Nagitla pa ako ng hawakan n'ya ang kamay ko na nanlalamig na ngayon.
"I'm serious, Chloe. Matagal na kitang gusto. Maniwala ka naman sa akin." Pagsusumamo nito.
Pinakatitigan ko ang lalaking nasa harapan ko, nagbabaka sakaling makita ko kung nagsasabi ba s'ya ng totoo o hindi. Ngunit wala akong makuhang kasagutan dito. Hindi ko alam kung may katotohanan ba ang sinasabi n'ya o wala.
"Chloe." Pukaw nito sa akin. "Please." Saad pa n'ya na parang nagmamakaawa.
"Bakit ako?"
"Bakit hindi ikaw?" Balik tanong n'ya sa akin.
"Sikat ka sa School na ito kaya napakaimposible naman na ako ang magustuhan mo."
Isang Varsity player sa Basketball si Anthon. Gwapo, mayaman, at matalino. Halos lahat ng mga kababaihan sa Academia ay nagkakagusto sa kaniya. At sa tingin ko ay kasama rin ako sa mga babaeng iyon.
Hinahangaan ko s'ya dahil mahusay s'ya sa paglalaro at isama pa na hindi n'ya napapabayaan ang kanyang pag-aaral.
"Ayaw mo ba sa akin?"
"H-hindi naman." Nahihiya kong saad.
"Edi sagutin mo na ako." Saad agad nito na ikinabigla ko. "Please, Chloe." Ulit uli nito.
"O------
"Don't answer that jerk." Naputol ang dapat kong isasagot kay Anthon ng may magsalita sa gilid namin.
Binitawan ako ni Anthon at parehas kaming humarap sa isang lalaki na nakatayo 'di kalayuan sa amin. Nakapamulsa ito habang maangas na nakatindig paharap sa gawi namin. Hindi ko man makita ang kabuuan nitong mukha ay nasisigurado kong may angking kakisigan ito. Naka-mask s'ya at sumbrero na kulay itim. Naka-leather jacket itong itim at ang panloob ay kulay puti habang ang pambaba nito ay simpleng pantalon. Kulay puti ang sapatos nito na halatang mamahalin. Sa paraan ng pagkakatayo ng lalaki ay nag-uumapaw ang dating nito sa paningin ko.
"What? Who are you to meddle in our business?" Galit na saad ni Anthon. Halatang hindi nito nagustuhan ang pagsingit ng estranghero sa usapan namin.
"I'm just concern with this stupid girl." Napanganga ako sa sinabi nito. Ano? Stupid? Ako? "Stop playing with her heart." Dugtong pa nito.
"A-anong sinasabi mo?" Doon ako napalingon kay Anthon. Halata ang kaba sa pananalita nito.
"Look." Sabay turo nito sa likuran ko. Sinundan ko ang direksyon ng itinuturo nito. Mas napanganga ako at hindi alam ang dapat na isipin o maramdaman.
"P-para saan 'yan?" Nauutal kong tanong habang nakatuon ang paningin sa tatlong kaibigan ni Anthon na nakatayo malapit sa malaking puno. Halata ang pamumutla ng mga kaibigan nito habang tinititigan ko. Bawat isa sa kanila ay may hawak ng mamahaling cellphone na nakatutok sa amin. Halatang kinukuhanan kami ng video ng mga ito.
"Let me explain, Chloe." Nakagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi nito. Mukhang pati ang tropa nila ay kasali rin sa mga estudyanteng pinaglalaruan ang damdamin ko.
"Okay lang." Mahinahon kong saad habang nakayuko. Sanay na ako sa pagtrato sa akin ng mga tao sa paligid ko. Kailan ba naging bago ang eksenang ito?
"Sorry talaga, Chloe. It's just a dare." Tulad noon ay kumirot ang puso ko pero pakiramdam ko ay mas nasaktan ako ngayon. Siguro dahil akala ko ay iba siya. Akala ko ay totoo siya sa sinasabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
LOVE DOUBT |#F&ACompetition|
RomanceChloe Sy is a typical girl. She lived all her life alone. No friends and no one dares to be close to her. No one seems to notice her existence. Why? Because she's not living an extravagant life like others, nothing special with her, and she's just...