Chapter 7: Pretty
Mr. Kim
Nasa Canteen ako at nakapila. Dumating ang mga kaibigan ni Yuna. Humawak sa akin si Lia at ngumiti. "Hi, Professor Kim. Kamusta naman kayo ni Yuna?" Tanong niya.
Tyak ay nalaman na ng buong Eskwelahan ang nangyari kanina. Pero paano naman ito nakalabas? Imposibleng sabihin iyon ni Yuna.
"Huh?" Dumating si Yuna na kasama si Maxine Diorte. Tiningnan niya lang ako at umiwas agad.
"Mr. Kim, pork steak or me?" Tanong ulit ng tindera.
"Kare kare naman." Nilagyan niya ang plato ko at ngumiti naman bago tumalikod.
Nagulat ako sa nakita ko. Saktong hinalikan si Yuna. Napatitig lang ako sa kanila.
"Ngayon ba alam mo na? Ang manhid-manhid mo naman, Yuna! Gusto kita, Mahal kita!"
Nagulat ako sa reaksyon niya. Alam kong hindi niya nagustuhan ang nangyari. Bigla niyang sinampal.
Maya-maya pa, umalis si Yuna. Nagkatinginan kami ng lalaking 'yon. Lumapit siya sa akin. At nagsalita na parang hindi ako Professor.
Umalis siya matapos sabihing "Akin siya."
Si Yuna ba? Wala akong balak na agawin siya. Ang mga bata talaga sa panahon na 'to. Kapag nagmamahal, hindi na iniisip ang sasabihin ng ibang tao sa kanila.
.
James
Katatapos ko lang kumain at pabalik na ako sa building. Naisip kong dumaan sa classroom ni Yuna.
Sumilip ako sa bintana at nakita siyang mag-isa. Nagsusulat siya pero nakita ko ang pagpatak ng luha sa kan'yang mata.
Pumasok ako at umupo sa tabi niya. "Tahan na." Bulong ko.
Pinahid niya ang mga luha niya. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.
"Napadaan lang. Bawal ba?"
Hindi na siya sumagot ulit. Nahihiya ako pero inilagay ko ang kamay ko sa likod niya at tinapik. "Ok lang yan."
"Anong ok? Hindi!"
"Nasa sayo naman kung balak mong sabihin." Inilagay ko kamay ko sa mesa at ipinatong ko ulo ko. "Kwento mo na. Ako naman 'to eh. Si Kim James." Sabay ngiti ko.
Lumingon siya sa akin. "Alam mo kasi, babae lang makakaramdam nito."
"Ay meron ka? Sorry." Inalis ko kamay ko sa likod niya. "Pero, ano nga nangyari?"
"Nakuha na ang first kiss ko. At ng taong hindi ko pa mahal. Normal lang naman 'tong pag-iyak ko 'di ba?"
Napa-ayos ako ng upo. "Sinong humalik sayo?! Inunahan ako. Buysit siya ah! Wala siyang karapatan."
Natawa siya bigla.
"Kung nakikita mo lang mukha mo ngayon."
"At least naman, napasaya kita. Kawawa ka naman."
"Huwag na nga nating pag-usapan. Nga pala, ano yung ring?"
"Ah, tawag sa grupo namin ng barkada ko." Sagot ko.
"Bakit naman Ring?"
"Noong mga bata pa kasi kami, may nahanap kaming singsing. Tapos may mga kulay siya. Syempre kaming mga musmus eh ginawang sambahan yung singsing. Childhood ba. Ganito talaga mga lalaki. Pumili kami lahat ng kulay. Tas kulay blue yung sa akin. Hanggang sa ayun na nga. College na kami. Sama-sama pa rin."
Napatawa ako. Nakita ko siyang nakangiti. "Oh! Bakit ka diyan nakatunganga? Nakangiti ka pa."
"Nakatutuwa ka kasi. Ang ingay mo pala 'no. Alam mo bang tumalsik ang laway mo?" Sabay tawa siya ng malakas.
Ang cute ng tawa niya. Parang kanina lang, dinadama ang sakit ng pag-ibig tapos ngayon, makahalakhak naman sa akin.
"Ang cute mo pala. Mabuting tao ka pala. Kala ko naman, hambog ka. Baby boy ka pala." Compliment niya sa akin. Aray ko ang puso ko. Nahuhulog ako.
Napahinga ako. Tumitig ako sa mga mata niya. "You look so.." ngumiti akong labas pa ngipin. "Pretty."
Yuna
"Pretty." Pretty, pretty, pretty.
Umuulit, umuulit. Sa isip ko umuulit ang salitang "pretty". Tinawag niya akong pretty.
Lagi talagang nabubuhay nitong lalaking 'to ang dugo ko. Sa mga pinakita niya sa akin, masasabi kong siya ang ideal type ko.
Yung matangkad na sexy, gwapo, pero may sense of humour. Yung kahit sa anong oras nandiyan at handang makinig sayo. At pasasayahin ka kapag hindi mabuti ang pakiramdam mo.
"Sus." Sagot ko.
"Hiya ka pa. Eh, nagba-blush ka na nga diyan eh."
Napahawak ako sa pisnge ko at lalo pa siyang tumawa. "Joke lang!"
Pinalo ko braso niya at tumawa na rin. "Ewan ko sayo Mr. Kim."
Naalala kong Kim din pala siya. Naalala ko rin ang sabi ng mga babae kanina. Kapatid niya si Mr. Kim?
"Ah, James ba talaga pangalan mo?" Tanong ko.
"Hindi. Yun lang ang ginagamit ko. Bakit gusto mong malaman? Interesado ka na sa'kin 'no?"
Sabay ng pagtaas-baba ng kilay ko."Hindi 'no. Tinatanong ko lang naman."
"Kim E Don. E Don ang pangalan ko. Masaya ka na?"
"Kapatid mo si Professor Kim?" Kaya pala.
"Yep."
OMG. "Ah.. kaya pala."
"Mas gwapo ako 'no?" Ang kapal. Mas gwapo pa rin ang kuya mo. Attractive ka lang.
"Oo na!" Pagsisinungaling ko. Alangan namang sabihin kong hindi. Edi nasaktan pa 'to.
"Nga pala, may klase. Sorry ah. Alis na ako. 'wag na 'wag mong kakalimutan ang debut ko!" Tumakbo na siya palabas.
Hindi ko na tuloy maiswasang mapangiti.
"E Don." Binuklat ko ang notebook ko. Binasa ko ang nakasipit na papel."Nag-iwan pa ng number."
.
Sa bahay
"Ma, ininvited pala ako ng kaibigan ko sa debut niya this Sunday. Ano magandang regalo?"
"Ako na bahala. 'Wag ka mag-alala. Ako na bahala. Mayaman ba yan?"
"Siguro? Ma, very sweet and funny siya ah. "
"Ate, totoo bang kayo na ni Mr. Kim?!" Dumating ang epal kong kapatid.
Binatukan ko muna. "Epal! Tumigil ka."
"Ano?! Talaga? Hay salamat naman at sinagot ka na niya. Dahil siguro sa mga poem mo! Ang saya ko anak. Dalhin mo siya dito ha para mapaghanda ko siya ng masarap kong pork steak."
Ano?! Pork steak? Na naman? Paborito ata ni Mr. Kim 'yon eh.
"Ma, kalma."
"Ano ba yan ate? Ang tanda-tanda na nun sa'yo! Ilang taon na ba yun?" Sabat na naman ni epal.
"Okay na sana eh. Epal ka talaga. Age doesn't matter. Eh 24 pa lang naman siya." Sagot ko.
Napa-upo si mama. "Aray, nahilo ako." Pagkukunwari niya.
"Akala ko ba, boto kayo sa kan'ya?"
"Akalain ko bang 8 years ang gap niya sayo? Mag-ingat ka na lang. Kung mahal mo talaga, push mo 'yan."
"Okay!" Sabay takbo ko pataas.
BINABASA MO ANG
Professor Crush
Novela JuvenilA high school student named Yuna has this little secret. May crush siya sa popular and hearthrob English Professor niya na si Mr. Kim. Nagpapadala siya ng sulat, bulaklak, at mga regalo. But, Yuna's life changed after a very unexpected happening. Th...