Lovers

83 1 0
                                    

Chapter 13: Lovers

"Professor Crush, bakit mo naman siya pina-inom ng expired na gamot!" Narinig ko ang boses ni Lia.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.
Nakita ko ang mga kaibigan ko, si Mr. Kim, at si Jack.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

Lumapit si Lia sa'kin at niyakap ako. "My goodness, Yuna! Akala naman kong ano na nangyari sayo. Bakit ka pa kasi pumasok eh alam mo namang may pilay ka?"

Umupo ako at tumingin kay Mr. Kim. Naalala ko ang nangyari. Hinalikan niya ako. Hindi naman niya siguro sinasadya yun eh.

"Uy, sige alis muna kami." Sabi ni Maxine at hinila palabas si Lia. Ngayon, kaming dalawa na lang ni Mr. Kim sa loob.

"Ah, sorry ah. Expired na kasi ang napa-inom kong gamot sa'yo." Sabay iwas ng tingin.

Hindi ko na napigilan at tumawa na ako. "Grabi. Sinasabi ko nga ba eh. Pero, salamat."
Umupo siya sa tabi ko. "Nga pala, yung nangyari kanina-"

"Ay! Wala 'yon, Mr. Kim. Mas mainam kung kalimutan na lang natin ang nangyari. Alam ko namang hindi mo sinasadya 'yon. Ok lang talaga."

"Makinig ka nga."

Tumigil ako at yumuko. "Seryoso ako." Sabi niya eh.

"Tumingin ka sa'kin." Itinaas ko ang tingin ko sa kan'ya. "Yuna, gusto kita. Alam kong mali. Kasi estudyante kita. Hindi ko lang mapigilan sarili ko. Parang kilalang-kilala na kita. Hindi ko alam lagi na kitang napapansin. Hindi inakalang magiging ganito ako."

Pwede bang himatayin ulit?! Seryoso talaga siya? Ang Professor Crush ko, may gusto sa akin?!

"Bakit ako?" Tanong ko.

"Kasi ikaw." Sagot niya.

"Baka naman pwedeng maka-uwi na tayo. Kasi six na." Lia.

"Kayo na ba? Kanina pa kami dito nag-aantay ng sagot mo, Yuna." Maxine.

Ibinalik ko ang tingin ko ng Professor Kim. Tumayo siya at hiwakan ang magkabilang pisnge ko. "Umuwi ka na."

Pagkatapos niyang umalis, intinayo na nila ako para maka-uwi. Dumating ako sa bahay at saktong naka-upo si mama sa sofa. Tumabi ako at niyakap siya. "Ma, nagmamahal na ako."

Lumingon siya. "Talaga? Natural lang naman 'yan. Malaki ka na. Alam mo na ang tama sa mali. Basta, lagi ka lang maging masaya." At niyakap niya ako pabalik.

.

"Anak, huwag ka na muna pumasok ah."
Dinig kong sabi ni mama. Tumango ako at bumalik sa pagtulog.

Mr. kim

Umagang-umaga ang gulo ng isip ko. Umamin ako kahapon pero hindi ko iyon pinag-isipan. Masyado ako naging madali at mali ang paghalik ko sa kan'ya. Maling mali.

Pumasok ako sa section nila pero wala pa rin siya. Nakita ko sa mesa ko ang isang papel. Binuklat ko at nalamang hindi siya makakapasok.

Dahil siguro sa paa niya. Baka masama ang pakiramdam niya.

"Good morning, Professor Kim." Bati sa akin ng mga estudyante. Umupo na ako.

Ok lang kaya siya?

"Mr. Kim, hindi ka po maglelesson?" Tanong ni Lia.

"Ah, sorry." Nawawala ako sa sarili ko.

.

Canteen

Bumuli ako ng pagkain, pero wala akong gana.  Dumating si Lia at Maxine. Umupo silang dalawa sa harap ko.

"Mr. Kim, ok ka lang ba?" Tanong ni Lia.

Professor CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon