Professor

67 1 0
                                    

Chapter 15: Professor

Yuna

"Bakit ba tulala ka na naman diyan?" Tanong ni Lia.

Umayos ako ng upo at tumingin sa kanila. "Girl, gan'yan talaga kapag galing sa break up. Mga bukas, ma-aalis na rin sa isip mo si Mr. Kim."

"Paanong maaalis eh Professor natin."-Maxine

Niyakap nila ako. "Kaya mo yan. Marami pang lalaki diyan." Lia.

"Si Kim E Don."

"Girls! Nabalitaan niyo na ba ang bagong professor sa building 4? Sa College. Nakita ko siya kanina. Ang ganda niya." Balita ni Lia.

"Bago? Babae?"

"Oo, nga. Ang ganda niya talaga. History class siya. Nag-aral pa siya sa Australia. Matagal na siyang nagtuturo doon. Pero umuwi siya dito para magsettle down."

"May asawa na siya?" Tanong ni Adrea.

"Hindi ko alam. Pero basta ang ganda niya talaga. Para siyang koryana. Amputi tyaka ang kinis. 'Pag nakita ni Mr. Kim 'yon, matutulala siya."

.

Mr. Kim

Nakahawak ako sa noo ko habang nagbabasa ng libro. May kumatok. "Pasok."
Tumingala ako.

Bakit siya nandito? Umuwi na siya?

"Hi, Don!" Bati niya sa akin. Tumayo lang siya sa harap ko. "Wala manlang ba akong kiss?"
Napatayo ako at lumapit sa kan'ya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

Nawala ang ngiti sa mukha niya. "Hindi ka ba masayang nandito na ako? I'm the new hired History Professor. Aren't you happy that I will stay here with you?"

She crossed her arms at ganon din ako. "Bakit ka ba talaga nandito?"

"I'm here to work, Don." Kumapit siya sa akin at niyakap ako. "Don, I'm sorry for leaving you. Look, I promised to come back. Now, I'm here."

"Do you think I still care? You left me. Right, you promised me. Then you cheated. We've been together for four years, Jes."

"Di ka pa rin ba nakakapag-move on?" Tanong niya.

Moved on na ako. Pero bumalik ka na naman. Balak niya bang guluhin ang mundo ko.

"Don, forgive me. Let's just be friends."

"Fine. I still have a class. So, I'll go ahead." Kinuha ko ang gamit ko at lumabas sa faculty room.

Yuna

Habang naglakakad ako sa hallway, nakatingin ang mga tao sa akin. Parang alam ko na iniisip nila.

"Ang girlfriend ni Mr. Kim oh." Sabi nung babaeng naka-upo sa bench.

Hindi maalis ang tingin ko sa kanila. Bigla akong nabunggo. "Ay!" Sigaw ko.
Lumingon agad ako. Natapon ang kape sa damit niya.

"I'm so sorry, Miss." Nilabas ko ang tissue ko at pinunasan ang damit niya. Tinapik niya ang kamay ko at tinulak ako.

"Are you blind? Para ka namang tanga! Stupid."

Sayang ang ganda, suplada. "I'm really sorry, Miss."

"Miss? Do I look like old to you? I'm the new Professor here. You should respect me! Alam mo bang napakamahal ng damit na ito? Get out of here!"

Napahiya ako. Nararamdamn kong nakatingin ang mga mata sa amin. Sobrang sakit ng mga sinabi niya. At hindi ako magpapatapak.

Professor CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon