Cellphone

474 13 3
                                    

Napagdisesyunang maglaba ngayong araw ni Dado dahil nangangamoy na ang tambak-tambak nyang mga damit na hindi pa nalalabhan noon pang nakaraang buwan, matagal na kasing hindi pumupunta sa bahay nya ang labanderang si Julie

Linagay na ni Dado lahat ng damit nya sa washing machine meron narin itong tubig ngunit dahil hindi naman sya sanay na maglaba ay nakalimutan nyang wala pala syang sabon, Kaya't umalis muna sya para bumili ng sabon

. . . . . . . . 

Pumasok ang pitong taong gulang na si Andi sa bahay ng kanyang binatang Tyohin upang magpaturo ng basketball dala-dala nya pa ang kanyang bola 

 "Tyong!" tawag ng batang si Andi sa kanyang Tiyo ngunit walang sumasagot

"tyong!" tawag nya ulit ngunit wala paring sumasagot

Napagdisesyonan nyang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay, akala nya kasi ay natutulog pa ang kanyang tyohin

Pinasok nya ang kwarto ng kanyang tyohin ngunit wala ito doon

''WOW!" manghang napatingin si Andi sa Cellphone na nasa kama at mukhang bagong-bago pa

Dahil nga'y bata pa ay walang pahintulot na kinuha nya ito at agad na naglaro ng unang game na kanyang nakita

*Cracks*

Narinig nya na parang may nabasag baka dumating na ang tyohin nya! naglalaro pa rin sya habang lumalabas sa kwarto hanggang sa 

'"MEOW!"

Biglang tumalon ang matabang pusa ng kanyang tyohin sa harapan nya kaya't nabigla sya at hindi sinasadyang maitapon nya ang cellphone

Rinig na rinig nya pa ang pagkabasag nito!

Nang hanapin nya ito ay hindi nya  na nakita 

 . . . . . .  . . . .

""manang berta wala ba talaga kayong binibentang sabon jan?"

"nako pasensya na talaga Dado naubusan na kami eh" 

 . . . . . . . . . . . 

wag naman sana'' sabi nya sa kanyang sarili habang nakapikit at hinay hinay na tumingin sa ibaba ng babhay at nandun nga!

(A/N: NAhulog sa mula sa second floor ng bahay ang cellphone at napunta ito sa first floor, hirap i-explain)

  . . . . . . . .  .

Dali-daling bumaba ng hagdan si Andi para sana kunin ang cellphone ngunit laking takot nya ng madatnan nya sa baba ang tyohin nya na hawak-hawak ang cellphone at masamang nakatingin sakanya!

Dahil sa galit na nasira ang cellphone ay walang-awa na binugbog ni Dado ang kawawang pamangkin hanggang sa hindi na humihinga ang  bata

 . . . . . . . . .

"bakit mo pinatay ang sarili mong pamangkin boy?" tanong nang mga pulis sakanya

"walanghiyang batang yon! sinira nya ang bago kong cellphone na kaka-utang ko lang kahapon!" galit na galit na sigaw ni Dado sa kaharap na pulis

"sira-ulo ka boy ang babaw mo" sabi ng pulis at sininyasan ang iba pang mga pulis na ihatid na sa kulungan si si Dado

 . . . . . . . .

"Chief! chief! nakita na po ang katawan ng bata nasa likod po ng bahay nya nilibing ang bata at meron pa po kaming nakitang isa pang bangkay na nilagay nya sa sinementong drum!"

''Sinong bangkay?"

"ang sabi po ng mga kapitbahay ni Dado sigurado po silang si Julie daw po yun"

VOTE and COMMENT naman jan ;D

sorry sa matagal na ud

Tindig-Balahibo (MyCompilationOfHorrorStories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon