" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER EIGHT
"Welcome home Lucas anak. Mabuti naman at naisipan mong umuwi dito sa amin ng mama mo. We miss you." Ani Don Elias sa bunsong anak.
Hindi siya (Lucas) agad sumagot sa ama pero nagmano siya saka bumaling sa ina at nagmano rin dito.
"Himala yatang wala ang bunto't mo anak? O baka naman nag-away kayo ni Valdez kaya't iniwan mo siya kung saan-saan?" Sabi naman ni Senyora Victoria.
In his(Lucas) instead of welcoming him as his father did, mukhang abot hanggang Tirad Pass na naman ang plataporma nito sa kanya. Isa na iyun sa dahilan niya kung bakit ayaw na ayaw niyang nagtatagal sa kanilang lugar. Lagalag na kung lagalag pero doon siya masaya, isa pa'y hindi lang basta paglalagalag ang inaatupag niya. He has a business to do with, he can live his life according to his will.
"Oh mukha ngang may away kayo ni Valdez aba'y hindi ka naman mahilig sa day dreaming ah. Hala pasok ka iho nang makapagsimula tayo sa ating pag-uusap." Nakailing na sabi ng Ginang nang napansin ang pananahimik ng bunsong anak.
Well, that's him by the way. Kailangang gagawa ka ng maraming excuses para makita, makausap mo ito like that moment kung hindi pa nila sinabing emergency ay hindi pa ito sumugod ng uwi. Tiwala naman kasi sila sa pinaggagawa nito kahit laging wala sa piling nila at kasama naman nito ang buntot(Valdez).
Then...
"Ano!? Gusto ninyo akong ipakasal sa taong hindi ko kilala? On what ground did you get the permission to let me marry a person who I've never seen before? Ito ba ang emergency na sinasabi ninyo!?" Malakas niyang tanong o mas tamang sabihin na nakasigaw niyang sabi.
"Hey what's the matter with you boy? Aba'y baka akalain ng mga kapitbahay nating may nag-aaway. Dinig na dinig ko kaya mula sa gate ang boses mo. Maari mo namang sabihin ang gusto mo sa maayos na paraan ah." Tuloy ay sita ng panganay na kapatid.
"I don't care! To the hell I care! Hayaan mong isipin nila ang nais nilang isipin dahil wala akong balak magpakasal sa taong hindi ko kilala at mas lalong hindi ko mahal. Lagalag ako inaamin ko iyan pero hindi ibig sabihin niyan na maari n'yo akong diktahan sa anumang gusto ninyo!" Malakas pa ring sagot ng binata saka padaskol na tumalikod at akmang aalis ng muli pero naagapan ito ng ama.
"Anak kilala mo naman ang babaing papakasalan mo at matutunan mo rin siyang mahalin pagdating ng araw kaya't huwag ka ng umalis." Sabi nito.
"At sino naman ang herodes na tinutukoy mo daddy?" Mainit pa rin ang ulong tanong niya kaso naunahan ng kanyang ina ang ama sa pagsagot.
"Si Mary Grace Villanueva anak. Siya ang papakasalan mo sa ayaw at sa gusto mo at kung binabalak mong tatakas ay huwag mo ng ituloy dahil mamayang gabi'y pupunta tayo sa bahay nila upang mamanhikan." Ani 'to na mas nagpainit sa ulo niya(Lucas).
Walang kasalang magaganap! Hindi siya papayag na basta na lamang siya ipapakasal sa taong hindi niya mahal. Kahit pa magulang niya ang kanyang babanggain ay wala siyang pakialam basta walang maaring makapagdikta sa gagawin niya lalo na ang tungkol sa sagradong kasal. Tama sila kilala niya ang taong binanggit ng ina pero paano niya papakasalan ang taong bukod sa hindi niya mahal ay anak pa ng pastor sa lugar nila at isa lamang ang ibig sabihin no'n gusto nilang itali siya sa lugar nila at matigil sa pagkalagalag. Pero iyun ang malaking pagkakamali nila dahil nagkaroon siya ng rason upang ipagpatuloy niya ang pagiging lagalag.
"NO WAY! NEVER! KUNG GUSTO NINYONG MAGING MANUGANG ANG MANANG NA IYUN NANDIYAN NAMAN SILA KUYA GENESIS AT KUYA AMOS PUMILI KAYO SA KANILANG DALAWA NG IPAPAKASAL NINYO SA MANANG NA IYUN!" Malakas niyang sigaw saka ipinagpatuloy ang naudlot na pag-alis.
BINABASA MO ANG
TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Fiction généraleDrama, general fiction with romance that will lead you to mix emotions