Mr. Cold Meets Ms. Marupok
Prologue:"Ang tanga mo talaga Vali, bakit ba kasi ang rupok rupok mo ha? Dahil diyan sa karupukan mo, lagi ka na lang sinasaktan na para bang wala kang nararamdaman!" Sermon sa akin ng kaibigan kong si Keisha.
Minsan hindi ko maisip kung bakit ba ganito ako. Kung bakit sobrang dali kong mahulog sa isang lalaki.
"Iparamdam lang sayo na mahalaga ka, maganda ka, mahal ka niya, iibig ka na. Mag isip isip ka nga Vali, ilang beses ka ng nasaktan pero hanggang ngayon ang rupok rupok mo pa rin."
Tama siya. Ilang beses na akong umibig at ilang beses na rin akong nasaktan. Ewan ko ba kung bakit sobrang rupok ko. Pilitin ko mang hindi umibig, yung puso ko kasi e sobrang rupok.
Kahit magpakamanhid ako, tumitibok pa rin itong puso ko para magmahal kahit maling tao.
Kahit ilang beses akong masaktan at maiwan, mas gugustuhin pa rin nitong umibig kahit ako pa'y luhaan.
"Vali, ito'y payong kaibigan lang ah. Isipin mo naman minsan yung sarili mo. Gamitin mo din minsan yang utak mo huwag puro puso, kaya ka nasasaktan e!" Kahit kailan talaga puro siya sermon.
"Paano kung hindi na ako natutong magmahal pero nandiyan na yung tamang tao para sakin?" Tanong ko sa kaniya.
"Alam mo, hindi ka lang marupok tanga ka pa! Kung siya na talaga yung tamang tao para sayo, hinding hindi siya magmamahal ng iba. Hinding hindi siya susuko kakasuyo sayo para matutunan mo siyang mahalin."
"Paano kung mapagod siya? Paano kung iwan niya ako?"
Alam kong galit na galit na siya dahil sa mga tanong ko.
"Kung mapagod man siya at umayaw, hindi siya ang para sayo. Hindi siya ang lalaking nakalaan sayo. Hindi ka niya tunay na mahal. May mga oras na napapagod tayo pero kung mahal natin yung isang tao hindi tayo makikipaghiwalay. Sabi nga ng iba, mas mabuting ayusin kaysa tapusin!"
_Let'sBeWeird☘️
YOU ARE READING
Mr. Cold Meets Ms. Marupok
RomanceIsang babaeng laging sawi sa pag-ibig dahil sa taglay niyang karupukan. Maniniwala ka ba na dahil sa pagiging marupok niya ay mahahanap niya ang lalaking para sa kaniya? Basahin mo ito at ng malaman mo.