Chapter 40: Pain

253 20 4
                                    

——————————————
CHAPTER 40

ALDI'S POV

Tatlong buwan narin ang nakalipas simula no'ng tanungin ako ni Gab na maging boyfriend niya at kahapon lang ang third monthsarry namin. Sinagot ko si Gab dahil mahal ko siya. Hindi ko kayang wala siya sa tabi ko. Ikaw ba naman nasanay na araw-araw kayong magkita, kung hindi man magkita eh araw-araw nag-uusap sa telepono.

Sa makalawa na uuwi si tito galing sa kanilang Thailand Mission Trip. Ilang buwan din siya doon sa bansa. Mami-miss ko 'tong si Gabriel. 'Yung mga yapos niya, 'yung pag bungad niya sa umaga ko na may ngiti at mga halik niya.

Pero nangako naman siya na gagawa daw kami ng paraan para magawa pa namin ang mga nakasanayan na namin gawin sa tatlong buwan dito sa kanilang bahay.

"Prinsesa ko" wika nito.

"Bakit po?" pabebeng sagot ko.

"Nagalingan ka ba sa'kin kagabi?" malokong tanong nito sa'kin.

Tange! Ilang beses na naming nagawa 'yun ngayon lang talaga siya nagtanong patungkol doon?

Namumula ang mukha ko sa tanong niya. Nandito pa kami sa kwarto niya nakahiga sa kama at hubo't hubad.

May nangyari na naman kasi sa'min. Ayaw ko sanang pumayag kaso nag-iinit nadin ako at ako'y natuklaw ng malaking ahas. Hindi ko talaga lubos ma-isip na magaling si Gab sa kama kahit na relihiyoso ito.

"Uhmm... Oo ang galing mo" nahihiyang saad ko. Syempre ikaw ba naman titigan ng isang Gabriel Echivaree. Mahihiya ka talaga dahil sa makalaglag panty niyang titig.

"Talaga? Edi ayus... makaka-isa ulit ako ngayong araw" sabay kindat nito sa'kin.

"Psh! hindi na muna no. Ang sakit kaya" wika ko.

"Tch! Damot" pagmamaktol niya na parang bata. Natawa ako sa kanyang tinuran.

"Ilang beses na natin 'tong ginawa pero hindi ko talaga lubos ma-isip na may talento ka sa kama. Saan kaba natuto ng mga kabastusan?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Kahit na relihoyoso ako,
alam ko parin kung pa'no yun gagawin. Natural nadin kasi yun sa mga lalaki kaya kahit walang experience alam na namin kung saan ipa-pasok, syempre san ba ipa-pasok? Edi sa butas" sabay pisil niya sa pwet ko.

Humalakhak siya at natawa nalang ako sa kanyang tinuran.

"Nako tumigil kana diyan Gabriel, bumangon na tayo at mag-almusal" iniligpit muna namin ang higaan namin at nag-tungo sa kusina sa baba.

Siya na ang nagluto at ako naman ang kumuha ng cutlery at plate. Nang matapos mag luto si Gab ay nagsimula na kaming kumain pero bago yun ay nag dasal muna siya.

Makaraan ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain. Ako na ang nag volunteer na mag hugas at si Gab naman ay nasa Sala nanonood ng Basketball sa TV.

Habang ako'y naghuhugas ay may humawak sa aking bewang at niyakap ako. Nakilala ko agad ang kanyang amoy bukod sa kami lang dalawa dito sa bahay.

"Oh bat nandito ka? Do'n ka muna tatapusin ko lang muna to" wika ko habang nagsa-sabon ng mga pinggan at cutlery.

"I love you prinsesa ko" paglalambing niya sa'kin. Ito ang gusto ko kay Gab yung bini-baby niya ako. Ramdam ko sobra yung pagma-mahal niya.

The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon