——————————————
CHAPTER 41ALDI'S POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at ilang oras ng nagmumukmok. Naubos na yata ang aking mga luha dahil sa kakaiyak.
Inaalala ko ang mga panahong kasama ko si Gabriel. 'Yung mga nabuo naming masayang alaala na hindi na masusundan pa dahil mananatili nalang itong alala.
Ayaw kong maging irrational. As much as I can, I want to understand things in a good way. Uunawain ko hanggat kaya kong unawin ang mga nangyari.
Let's say it's not his fault and he didn't do that intentionally pero nagbunga ang ginawa nila. Gusto kong ipaglaban ang pagmamahalan namin pero pa'no ako lalaban kung wala akong kalabanlaban.
Kung hindi lang siguro nabuntis ni Gab si Aliyah siguro'y hindi ako aalis sa kanyang tabi at ipagpapatuloy ko parin ang relasyon namin kahit tutulan pa ito ng kanyang ama pero hindi eh, hindi ganon ang nangyari.
For the second time, nasaktan na naman ako ng isang lalaki.
Do I deserve this? Naaawa ako sa aking sarili. Palagi nalang bang ganito? Ilan pang lalaki ang daan sa aking buhay para saktan lang ako, gusto kong malaman para makapaghanda ako.
Nagkuyom ang aking palad dahil sa ginawa ni Aliyah. Hindi ko mawari kung ba't n'ya 'yun ginawa. Pero kung ano paman ang rason niya ay wala parin itong kabuluhan.
Kaya pala may pa pick-up lines pa siya at lapit siya nang lapit kay Gabriel kasi may plano siyang iba sa boyfriend ko at nagtagumpay siyang gawin 'yon. I did not expect na gagawin niya 'yun kasi iba kasi siya noon sa pagkakakilala ko.
Puno ng galit at hinanakit ang nararamdaman ko ngayon. Patawarin na ako ng panginoon kung may magawa man ako.
"Aldi kanina ka pa hindi lumalabas diyan sa kwarto mo. Manananghalian na tayo." tinig ni papa.
"May problema ba anak?" dinig kong tanong ni mama na nasa labas ng aking kwarto.
Hindi ako sumagot sa halip ay lumabas ako ng kwarto. Nakita ko ang pagtitig nila mama at papa sa aking mukha na tila'y sinusuri ang aking kaloob-looban.
"Okay ka lang ba anak? Nag-away ba kayo ni Gabriel? Nalaman naba ng tito mo na may relasyon kayo?" sunod-sunod na tanong ni mama.
Tiningnan ko sila at ngumiti ng konti. Pinilit ko lang 'yun gawin para ikubli ang kirot sa aking puso. Ayaw ko rin kasing mag-alala sila sa'kin.
"Okay lang ako ma, pa. kain na po tayo" pag-aya ko pa sa kanila na parang walang nangyari.
Sa kalagitnaan ng aming pananghalian ay biglang nagsalita si mama.
"Aldi hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ano ba'ng nangyari sa'yo? Pansin kong iba ka ngayon, parang bumalik uli 'yang seryoso mong aura noong naghiwalay ka'yo ng ex mo." sabi pa ni mama.
Nahinto ako sa pagkain dahil sa sinabi ni mama. Pero sa huli'y pinagpatuloy ko ang aking pagkain at hindi nalang umimik.
"Aldi sinaktan kaba ni Gabriel?" maotoridad na tanong ni papa.
BINABASA MO ANG
The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]
Aktuelle LiteraturMeet Aldi Saavedra, a 21 year old BSEd-MATH teacher, he is a prudent-type of person. However, when he's inlove, he tend to be "Tanga and Marupok" that's why Aldi was deceived by his manlolokong' boyfriend and was deserted. Gabriel Echivaree, a 23 ye...