-Krystal-
Umalis nako sa coffee shop at dumaretso na sa hospital.Maaga pa naman kaya hindi ako nagmamadali.
"Oh sorry" gulat na sabi ng babaeng nakabangga ko.Pupulutin kona sana ang bag ko na nahulog dahil sa pagkabangga sakanya ngunit siya ang gumawa non at pinagpagan ang bag bago inabot sakin.
Mas lalo siyang nagulat nung napatingin sakin
"K-krystal?" Nauutal na sabi niya na parang hindi naniniwala na ako ang kaharap
Kahawig siya ni Dean
"Kilala ba kita?Sorry nagka amnesia kase-" Diko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya kong yakapin
"Omg Krystal!I missed you" bumitaw na siya sa pagkaka yakap sakin at tinignan ako.Nag iba ang ekspresyon ng mukha niya at tinignan ako.
"I know I don't have the right to tell you that I missed you" nagpakawala siya ng malalim na paghinga
"I know I already said that I'm sorry,but I guess it's not enough"
"You already apologized and that's enough for me" nakangiting sabi ko at nginitian niya rin ako.
May lumapit sakanyang lalaki at inabutan siya ng tubig
"Krystal?" Gulat na tanong ng lalaki
Ghorl di ako multo para magulat kayo pag nakikita ako
"Sorry di kita maalala"
"Ayos lang"
"I forgot to introduce myself.I'm Sabrina and he's my boyfriend,Wade" singit ni Sabrina sa pag-uusap namin
"Paano ko kayo nakilala?" Tanong ko
"We're childhood bestfriends" sagot ni Wade kaya tumango nalang ako
"Twinnieeee!" Sigaw ni Sabrina at lumapit kay Dean
DEAN?!
Napatingin ako sakanila at doon palang pumasok sa utak ko na kambal sila
"Stop calling me that" seryosong sabi ni Dean.Nakakunot ang noo niya dahil sa pagsusungit at nagbago ang ekspresyon ng mukha niya ng magtama ang mga mata namin.Agad naman akong umiwas ng tingin para hindi mailang
I heard him cleared his throat
"Nurse Evans pinapatawag tayo ni Doctor Sanchez" Tumango lang ako at nagpaalam na kina Sabrina
"Sige una nako" Sabi ko at tumalikod na.Narinig kopa silang nagbulungan pero hindi ko na lang pinansin
"Wow ang formal kuya"
"Shut up"
Nakasama kong mag rounds sina Dean at Doctor Sanchez.Naubos ang oras ko sa mga pasyente at sa mga tinatapos kong charts dahil day off ko bukas.
Naglakad akong daredaretso papuntang exit door nang biglang may tumawag ng pangalan ko.Tinignan ko kung saan nanggaling ang boses at nakita sina Sabrina at Wade kasama sina Sandra at Ace.
"Free kaba tonight?" Tanong ni Sabrina sakin nang makalapit sila
"Wala naman akong gagawin"
"Tara hang out" pagyaya ni Wade
"Please Krystal pumayag kana.Ilang years na naming gustong bumawi sayo" nakangusong sabi ni Sandra
"Saan ba?"
"Sa condo ni Ace" tugon ni Sabrina
"Palit lang ako" pagpapaalam ko dahil naka uniform pa 'ko
Nagdrive na'ko papuntang unit ko habang sila nakasunod sa'kin dahil van daw ni Ace ang sasakyan namin papunta sa condo niya
Pagkapasok ko ng condo ko nagpalit na'ko kaagad. Nagsuot lang ako ng high waisted denim shorts at navy blue top.
Pagkababa ko nakita ko agad silang naghihintay sa parking lot.Sumakay na si Ace sa driver's seat at si Sandra naman sa tabi niya.Malapit ako sa bintana at katabi ko si Sabrina.Van ang dalang sasakyan ni Ace kaya meron pang upuan sa likod kaya doon umupo si Wade
Ilang minuto lang at nakarating na kami sa condo ni Ace.Malaki ang condo niya at black and white halos ang kulay ng kapaligiran.Linapag nila ang binili nilang pagkain at beer sa maliit na mesa sa harap ng TV.
"Kamusta buhay mo sa America?" Tanong ni Sabrina habang kumakain ng chips
"Ayos lang" tipid na sagot ko
"Ang tipid ah" singit ni Wade sa pag-uusap namin
"Feel free to talk to us Krystal" Nakangiting sabi ni Sandra sa'kin
"Si Dean hindi siya pupunta?" Tanong ni Ace kina Sabrina
"Hindi naman mahilig sa ganyan si kuya" nagkatitigan si Ace at Sabrina.Binaling sakin ni Ace ang tingin niya at binalik kay Sabrina
"Ahh okay got it" umalis na si Sabrina habang nagta-type sa cellphone
"Dito tayo" hinila ako ni Sandra paupo sa sofa at tumabi siya sakin
Nanood kami ng romantic movies habang kumakain.Hindi naman tumanggi sina Ace at nakinood nalang
"Baby puntahan natin yan" sabi ni Sandra kay Ace pag may nakikita siyang scene kung saan nagdadate ang mga main characters.Napapailing nalang ako sakanila hays.
Nakaisang movie palang kami nang may nag doorbell.Pinagbuksan yon ni Ace at hindi na nagulat ng si Dean yon.Tinapik ni Dean ang balikat ni Ace at pumasok na
"Dean ang late mo" pagbasag ni Sandra sa katahimikan
"May inayos pa'ko"
Umupo si Dean sa armchair malapit sa'kin at kumuha ng pagkain sa mesa.Tumingin siya sa'kin at binalik ulit ang tingin sa TV ng nakitang nakatingin ako sakanya.
"Inaantok kana?" Tanong sa'kin ni Sandra.Tumango lang ako dahil inaantok na talaga 'ko.
"Here" tinapik niya ang balikat niya upang senyasan ako na doon ko ipatong ang ulo ko.Hindi ko namalayang nakatulog nako sa balikat niya
"Hala nasaan ako?
Agad akong bumangon at naguguluhan bakit ako dito natutulog.Puro black and white ang nakikita ko
Baka kina Ace
Bumangon ako upang magpaalam ng umuwi.Nang makalabas ako ng kwarto agad kong hinanap kung saan nanggaling ang masarap na amoy dahil for sure may nagluluto.Dinala ako ng aking mga paa sa kusina ng bahay na'to
DEAN?!