Chapter 28

190 7 0
                                    

Chesca's Pov

"Sorry pala ha" Sabi ko kay Seon habang nakain sa bahay ko.

"Alam mo, layuan mo na yang si Travis" Sambit nito na inis at meron paring sugat sa labi nya. "Mapapahamak kalang sa kanya" Ginulo ko ang buhok nya

"Ok lang ako. Di nya naman ako hinayaang mapahamak" Sagot ko

"Whatever" Mayabang nyang sabi.

Sya na ang lagi kong nakwekwentuhan sa mga problema ko.

"Bat andito ka?" Napatingin nalang kami sa lalaking nakatayo na ngayon sa harap namin.

Napakagat labi nalang si Seon at di pinansin si Travis.

"Travis may kailangan kaba?" Tanong ko sa kanya

"Wala" Tipid nitong sagot.

"I'm done" Inis na sabi ni Seon pagkatapos kumain. "Mauuna na ko Chesca" Sambit nitong inis at tumingin kay Travis.

Umalis na ito habang naiwan na naman kami ni Travis.

"Mag bihis ka" Utos nya sakin. Ang bossy bossy nya at nakakainis.

Wala naman akong naggawa kundi sundin sya.

Lumanas na ko ng bahay at sumakay sa kotse nya. Tumingin sya sakin.

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

Di nya ko pinansin. Parang kakaiba

"San na naman ba tayo pupunta"

"Bat andami mong tanong? Kasama ba yan sa kontrata natin?" Napatahimik ako sa kasungitan na naman nya.

Huminto sya. Hinablot nya yung bracelet kong suot.

"Travis---"

"Wala ka namang karapatang magreklamo. "

"Ano ba? Akin na 'yan." binulsa nya 'yung bracelet.

"Bat ba nagiging mabait ako sayo? Oo, gusto kita. Pero gusto kong siguraduhin na ako din akong gugustuhin mo" Nagulat ako sa sinasabi nya para nung isang araw sinabi nya sakin na hahayaan nya ko basta hayaan ko sya na gustuhin ako.

"Ano bang problema mo? Ano bang trip mo sa buhay?"

Tumawa ito "Gusto mong malaman" Lumapit ito sakin kaya napaatras ako "Tulad ng dati. Gusto kong makuha ang gusto ko" Lumayo na ito sa akin.

Kinuha nya sa bulsa nya yung bracelet.

"Nice bracelet Nash." Sambit nito.

Nagulat ako ng humawak 'to sa dibdib  nya at nasasaktan sya. May sakit ba sya? Pero ngumiti nalang ito at lumabas.

Nagulat ako ng ihagis nya yung bracelet ko sa may dagat kaya napatakbo ako sa kanya.

"I hate you" Sabi ko at napaiyak

"So?" Sabay tingin nya sakin "As if I care" Hinila ko ang kwintas sa leeg ko at wala lang syang reaksyon ng ihagis ko ito sa kanya.

Nilagpasan nya lang ako at pumasok sya sa kotse nya.

"Pumasok kana" Utos nito sakin at napatingin nalang ako sa kwintas na hinagis ko. Tumulo nalang ang luha ko.

Katahimikan lang ang meron kami ngayon habang nag d-drive sya. Humawak ako sa kamay ko na ngayon wala na yung bracelet ni Nash.

"Akala ko nag bago kana"

Tumawa ito

"Sa tingin mo ba ikaw mag papabago sakin? Nag papatawa ka ba?" Nasaktan ako sa sinabi nya. Pero tama naman sya. "You can't Chesca" Sambit nito.

"Una palang ayoko na sayo. Di nalang dapat ako umasa na mag babago---"

"Wala namang nag papaasa sayo in the first place" Pagpul nito sa sasabihin ko "Kung ayaw mo sakin. Edi ayaw mo. Wala na rin akong pake sayo. You know what?" Huminto na naman sya "Dapat di kita niligtas." Pumatak ang luha ko sa sinabi nya "Bat ba kita niligtas? Mas better sayo si Tricia. Ano bang nakita ko sayo nung una?" Natatawa nitong sabi at tiningnan ako paa hanggang ulo. "Nakakadiri. Pwede bang bumaba kana?" Napaiyak nako ng tuluyan at bumaba ng kotse nya at dali dali akong iniwan.

Naglakad lakad nalang ako.

Wala syang kwentang tao.

Nasan ba kasi ako?

--------

Pagod na pagod na ko mag lakad at gutom na gutom na ko.

Bago ako matumba ay nakita ko si Travis sa harap ko.

Minulat ko ang mga mata ko. Nasa bahay ako? Diko bahay.

Nakaupo si Travis sa may tabi ko at nakatulog na sya. Binantayan nya ko.

Tiningnan ko ang kamay ko at hindi 'yon panaginip.

Ano bang nangyayari sa kanya?

Wala na kong maintindihan.

Diko na alam kung anong ginagawa nya.

Dapat di kita niligtas

Unti unti nyang minulat ang mata nya  at tiningnan ako.

Tumayo sya sabay aalis na at diko na napigilang hawakan ang kamay nya. Huminto sya.

"naalala mo ba yung sinabi mo sakin na aalis ka?" tanong ko "Kanina. Nasaktan ka nung humawak ka sa dibdib mo. May sakit kaba? Kaya ba ginagawa mo sakin 'to?"

Tumingin sya sakin.

"You know what? Nagkamali ako. Nalaman ko. My dad? Pineke nya lang nya yung resulta na may sakit ako" Then bakit kanina? "Yung sinabi mo? Sumikip lang yung dibdib ko."

"Bat umaarte ka ng ganyan?" Ngumiti ito sakin.

Lumapit ito sakin at napabitaw ako sa kamay nya.

"Ano bang gusto mo?" Hinawakan nya ang baba ko "Sa tingin mo gagawin ko 'to dahil may sakit ako? No Chesca. Diko pa nga alam kung bat 'to ginagawa sakin ni Dad. Lagi kong pinapatunayan ang sarili ko sa kanya at ayoko ng patunayan ang sarili ko kahit kanino para makuha sila" Inalis nya yung hawak nya sakin pero nakalapit parin sya sakin.

"Please Travis"

"Please what?" Sabi nyang seryoso "May gusto kabang sabihin?" Meron. Nasasaktan ako na nakikita kang ganyan. Nahihirapan ako.

Diko alam kung anong nag tulak sakin pero niyakap ko sya. Feeling ko sobra na syang nahihirapan. Naramdaman ko nalang na niyakap na nya rin ako. May naramdaman nalang ako ng basa sa balikat ko. Ramdam ko na umiiyak sya at wala akong masabi para pagaanin ang loob nya.

"Stay" Tipid lang nyang sabi sakin. "Ikaw nalang ang meron ako. Lahat nalang niloko ako" Humigpit ang yakap nya sakin.

"Pangako. Andito lang ako para sayo" Diko na alam kung ano ang nagtutulak sakin sa sinasabi ko.

"seryoso ako sa sinabi ko na sisiguraduhin kong ako ang gugustuhin mo. Ipaglalaban kita" Napapikit nalang ako sa sinabi nya. Umalis na sya sa yakap sakin at iniwan na ko.

Ang Travis na nakikita ko ngayon ay puno ng lungkot at galit.

Napatingin nalang ako ulit sa may kamay ko.

"Sorry Nash" Bulong ko.

Badboys: I'm Fall inLove - TaeTzuKook "BTS x Twice"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon