Foreword

12 2 2
                                    

AN: This is my second story. Akalain nyo yun? Sa tamad kong magsulat ay naglakas loob pa akong magsulat ulit? Aba malupit. Maraming salamat pala sa kakarimpot na nagbabasa ng Ocean Eyes. Malaking bahagi na kayo sa buhay ko dito sa Watty World. And I hope to cope up with you mga katropa. Mwuah :3 At ngayon palang pala ay humihingi na ako ng paumanhin sa maraming typo at wrong grammar. Salamat ulit.
For you cyst Krizahhh 😘

-----------

"I hope to see you performing in front of the crowd this upcoming school fair Mess. Show them your potential." Pangungumbinsi sa akin ni Miss Agoncillo. Inayos ko muna ang nerdy glass ko at yung bangs ko na halos takpan na ang buong mukha ko bago tumingin kay Miss.

"Sorry Miss. But I would rather keep silent. Baka mas kukutyain pa nila ako." Sagot ko na parang wala lang. Nasanay na din naman ako sa pangungutya ng mga estudyanteng feeling perfect kung makapanghusga at makakutya sa akin. Nagbuntong hininga nalang si Miss Agoncillo bilang pagsuko bago nagpaalam sa akin.

Panay ang tanggi ko kay Miss Agoncillo pero di pa rin sya sumusuko sa akin. Hanggang ngayon ay pinagtyatyagaan nya pa rin ako. I appreciate her concern pero di ko lang talaga sya kayang pagbigyan. Di ko kaya dahil ayoko. Ayoko na magkaroon pa ng karagdagan na pangungutya sa akin ang mga schoolmates ko.

Di naman sa nagpapaapekto ako sa kanila. It just that I want peace. I don't care what they said. I won't please them anyway. Di naman ako nag-aral dito para ipagmayabang ang meron ako. Naging presidente lang naman ako ng glee club dahil sa kagustuhan ng Music Teacher namin na si Miss Agoncillo. Ang dami ngang umangal dun pero wala naman silang magagawa.

Hindi ako katulad ng iba na naghahangad ng kasikatan. Hindi rin ako katulad ng ibang babae na todo kung mag-ayos bago pumasok sa school para lang masabihan na maganda. Hindi rin ako katulad nila na active sa social media, yung tipong may IG account, twitter account, at facebook account para lang makakakuha pa lalo ng maraming followers and fans for popularity purposes. Tsk napakawalang kwenta. Malayong malayo talaga ako sa ibang babae na nandito sa campus. Aside sa porma at itsura ko ay may isa lang kaming pinagkakapareho. Yun ay ang paghanga kay Loki Vester Oliveros.

Ang lalaking kinahuhumalingan ko sa loob ng tatlong taon simula nung tumuntong ako ng kolehiyo.

I tried to stop this feeling pero huli na ang lahat. Hulog na hulog na ako sa lalaking imposible akong matapunan ng pansin lalo na ng pagtingin.

-

This story was inspired by the most popular P-pop boy group SB19. So hello PO sa mga co-a'tin without s ko dyan. Wabyuuu 💕

Messing with MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon