Chapter 40: My Valentine's [2]

686 5 1
                                    

Ash: Ma-Markk?! O.O

Gusto ko na sana mag walk out nung mga pagkakataong yun. Hindi ko alam. Na-lutang ako. Parang walang pumapasok sa isip ko nung mga oras na yun. Pero dahil nga sa nagkabiglaan kami ni Mark, hindi kami gumagalaw. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Hanggang sa nasita.

Teacher: Heyy! Keep Dancing Guys!

Kaya yun. Nagising kami. Hinawakan niya yung isang kamay ko at yung bewang ko. Napilitan naman akong ilagay ung kamay ko sa balikat niya. Medyo naiilang pa nga ako. Hindi kami makapagsalita na dalawa. May kung anong bagay na tunatakbo sa isip namin nang mga oras na yun. Nagsasayaw lang kami.

Teacher: Smile. Smile guys.

Napilitan din kaming ngumiti sa isa't isa. Nabubuset na rin ako sa baklang guro na yun. Pano namn kasi? Kanina pa siya naninita. Lahat nalang pinapansin.

Para mabasag ang katahimikan sa pagitan namin ni Mark, tinarayan ko na uli siya. Taas kilay. Habang nagsasayaw.

Ashleen: Ikaw lalaki ka.. Napakasinungaling mo talaga kahit kailan. Akala ko ba di ka aattend? Ba't ka nandito?

Tulala lang siya saken at nakangiti lang. Takte, nakakadale na ngiti nito ah. Sabe ko na nga ba gwapo eh.

Ashleen: At kanina, nanghihila kapa? Wagas ha? Akala mo saken? Lubid sa Tag of War?

Hindi pa rin nagbabago yung porma niya. Nakatingin lang siya saken, straight to my eyes, at nakasmile pa. Wow ha?! Hindi ko na alam gagawin ko. Kaya sinapak ko.

Ash: Ano ba? Nakikinig ka ba?

Mark: Aray naman. Oo narinig ko.

Ash: Bakit ba ganyan ka makatingin? Problema mo?

Umiling lang siya. Nakangiti pa rin.

Ash: May dumi ba ko sa mukha?

Umiling ulit siya.

Mark: Ang ganda ganda mo.

Flattered naman ako dun. :)) <3

Ash: Ikaw rin. Gwapo. Gusto ko yang polo mo ah. Maganda siya. Bagay sayo.

Hindi ulet siya kumikibo at talagang tinititigan lang ako.

Ash: Nang aasar ka ba?

Mark: Destiny?

Nabigla ako. O.O ano sinasabe nito?

Ash: Destiny? Ang alin? Sino?

Mark: Ako. Ikaw. Tayong dalawa.

Hindi ako makapagsalita. As in na-iispeechless ako.

Mark: Lagi tayong pinaglalapit. Napapansin mo ba yun? Ashleen, more than 500 students ang nandito. Marami akong pede maka-partner. Pero bakit kaya tayo? :)

Hindi ako makapagsalita talaga. Wala akong masabe. :) Kasi kinikilig ata ako?

Ash: Hindi ako naniniwala sa Destiny.

Mark: e sa meant to be? Naniniwala ka?

Ash: Ganon din yun eh. Bakit ba? Sinasabe mo ba na sign to na TAYO dapat talaga?

Mark: Parang ganun na nga.

Ash: Ma--

Teacher: Okay. Mamaya itutuloy ang sayawan! Kainan muna' :)

Ash: Ah? Kakain na pala. Sige kainan na.

Papunta na sana ako sa mga tables pero hindi binitawan ni Mark ang kamay ko. Napatingin tuloy ako sa kamay namin.

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon