This is a work of fiction.
One-Shot.Hindi ko alam kung anong nagdala sakin sa amusement park na minsan nang lugar kung saan ko naranasan ang nag-uumapaw na tuwa, saya, kilig, and that number one feeling, contentment. Minsan nang naging comfort zone ko. Ngayon, babahiran ko namanan 'to ng iba pang pakiramdam, Lungkot, Galit, Sakit.
Ang amusement park na 'to ay saksi sa napakaraming moments sa buhay ko, particularly, sa pag-ibig. Ngayon gumugulo sakin ang mga realizations ko simula kahapon, nung mawala siya sakin. Simula nung iniwan niya ako. Anong rason? Edi ang number one palusot ng lahat ng makikipag-break. "Pagod na ako." buti na nga lang at hindi ang iconic line na, "It's not you, It's me."
Para akong wala sa sariling pumila sa ticket booth ng ferris wheel. Napatingala ako sa taas, ang ganda. Isisigaw ko ang lahat ng hinanakit ko kapag nakaakyat na ako ron sa tuktok. Ipapaabot ko kay Lord kung gaano ako kawasak ngayon. Na sana, sana may isang taong nandiyan para icomfort ako.
Pagkabili ko ng ticket ay agad na rin akong nakapila at nakapasok. Umupo ako sa loob, dalawang ticket ang binili ko. Dapat ay wala na akong kasama sa loob. Tatawagin ko sana si Manong nang biglang umakyat ang sinasakyan ko. Di bale na, bukas naman siguro ang isip ng lalaking to sa mga kabataang maagang binulag ng pagmamahal.
Nakasuot siya ng puting polo at may hawak na lobo at flowers. Tahimik siya at hindi masyadong gumagalaw bukod sa lobo niyang hinahayaan niyang lumutang sa loob. Pero, ramdam kong may pagkakatulad kami. Bagay na medyo nagpagaan sa loob ko. Lungkot.
Nagsimula nang umandar ang ride at dahan dahan kaming inielevate sa ere. Parang numinipis ang hangin at lumalamig kapag nasa itaas na parte ka. Gaya ng plano, regardless sa taong kasama ko, sumigaw ako.
"Sinungaling ka! Sabi mo tatlong anak ang gusto mo! Sabi mo walang iwanan! Peksman peksman ka pa!" Kung wala lang bars na nakaharang sa bintana e malamang nakalawit na ang ulo ko sa labas. "May pa cross my heart hope to die ka pa! Tamaan man ng kidlat! Mamatay ka na!"
"Ang lalim naman," narinig ko siyang nagsalita. "Ouch."
"Kung banal ka at ayaw mo makarinig ng mga salitang sasabihin ko palang, mas mabuting takpan mo na ang tainga mo."
"Hindi ako tatanggapin sa langit," sagot niya. "Okay lang, parehas naman tayo eh. Pinangakuan ka rin ba?" Tumango ako at napakagat labi. Tama ba na kausap ko ang isang estranghero sa loob habang nakasakay sa ferris wheel?
"Inakala kong true love na yon, pero mali ako." Bitter na kung bitter hindi ko lang mapigilan.
"Lahat ng love ay true." Sagot niya nakatingin lang siya sa may bintana habang hawak ang puting lobo na may smiley face.
"Kung true 'yon, bakit siya nagsawa? Bakit siya napagod? Bakit niya ako iniwan?" Tumulo nanaman ang mga luha sa mata ko na pilit kong pinigilan.
"Then, if it's not true, it's not love at all." Lumingon ako sa kanya. "Kasi sa love, hindi nagmamatter kung gaano katagal o kung gaano kayo kalapit sa isa't isa. YOLO, you only love once."
"Mali ka, pang-ilan ko na ba siya? Pero tulad ng mga nauna. Sa break-up lang din naman pala magtatapos."
"YOLO, pwede mong sabihin yan. Pero iba ang pagmamahal na ibinigay mo sa una, sa pangalawa at sa mga susunod pa. Iba iba ang level ng attraction sa bawat isa."
"Lalim." For the first time sa araw na 'to. Napangiti ako. "May hugot ka rin ba?"
"Meron. Akala ko nga rin kami na." Tumawa siya ng konti, "Rejected pala."
"Para sa kanya ba yan?" Tanong ko turo sa lobo at bulaklak. "Sana. Pero hindi ko na mabibigay to sa kanya."
"Wow, ride ba to para sa mga sawi? Hindi ako inform ah." Pagbibiro ko. "Pero since may makakausap na ako, lulubos-lubusin ko na. Pwede ba akong umiyak dito?"
"Sige lang, hindi nalang ako titingin." Mga ilang minuto rin ang naluha habang inaalala lahat, bago ko naisip ang isang bagay,
"Bakit ikaw? Bakit parang hindi ka naman nagagalit o nasasaktan ng sobra? Iniwan ka rin niya diba?"
"Wala akong karapatang magalit. That's love. Risk taker nga daw ako, sa umpisa palang alam ko ng walang pag-asa, alam ko nang talo ako. Sabi nga nila, It takes two to tango. Hindi porket nasasaktan ako ay hindi na rin siya nakakaramdam ng sakit."
"Pero nireject ka niya."
"Hindi lang siya ang babae sa mundo." Inabutan niya ako ng panyo. "At hindi lang siya ang lalaki sa mundo." rebutt niya.
"Hey, I like your humor." Sabi niya sabay halumbaba.
"Coreen Zulueta," pagpapakilala ko. I reached out pero hindi niya inabot.
"Ivan Fajardo," sagot niya
"Not a fan of handshakes?" Tanong ko na ikinangiti niya. "You could say that."
Yun na ata ang pinakamahabang ride sa buhay ko. Paglabas ko ay agad kong napansing nagmamadaling isinara ni Manong ang gate ng mismong capsule na sinakyan ko.
"Bakit po? May tao pa po diyan sa loob." Pagaalala ko, "Wala naman ineng. Nakalock kasi talaga dapat to." Mabilis ata maglakad ang lalaking yon at hindi ko man lang napansin na nakaalis na pala siya. As if a cue, naalala kong hawak ko pa rin pala ang panyo niya.
"Ate!" Nakangiting salubong ni Kira sakin sabay yakap. "Hi baby," bati ko sabay buhat sa kanya. My three-year old sis is growing too fast. Parang kahapon lang ay nasa crib pa siya.
"Hi ate!" Bati naman ni Cassy habang nakaupo at naglalaro ng mga manika sa dollhouse niya. "Hi, Cassy." I kissed her and pinched her cheek. Nanonood sila Claudine, my sister also at Mama ng balita.
"Kumain na ba baby Kira ko?" Tumango naman siya at yumakap. I was about to grab a plate nang tawagin ako nila Claudine sa sala. "Oh, bakit?"
"Diba ate galing ka sa Jr's Amusement Park?" Tanong ni Claud. "Bakit?" Napatingin naman ako sa TV. Isang babaeng anchor ang nagsasalita."Lumabas na ang pagkakakilanlan at resulta ng autopsy mula sa lalaking natagpuang patay sa loob ng isang ride sa Jr's amusement park noong nakaraang linggo dahil umano sa kasawian sa pag-ibig. Positibong kinilala ang bangkay bilang si.." tila natulala ako at kinuha ang panyo sa bulsa ko.
"Ivan Fajardo.." wala sa sariling bulalas ko.
BINABASA MO ANG
Once upon a Ferris Ride
Short StoryOne shot. Once upon a ferris ride. Trigger warning: Puro hugot.