Maikli lang to :)))
------------------------------
Chapter 42
DJ's POV
2 years later...
After naming magchat ni Kath noon, hindi ko na siya ginulo. Hindi ko na sila ginulo ni Quen dahil I know masaya na sila.
Eh ako? Kelan kaya sasaya?
Mukhang si Julia nalang ang masaya sa mundong to eh.
About sa sakit ko? Thank God at hindi naman na umaatake ng sobra sobra. Hindi kagaya nun na aabot sa puntong made-dextrose ako, tuturukan ng napakaraming gamot at kakabitan ng oxygen..
Andito kami ngayon ni Julia sa Manila. Inilayo na nga niya ako ng tuluyan kay Kathryn..
Alam niyo, ang sakim niya eh. Ni makita ang mga pictures namin ni Kath, ayaw niya. Itinago niya yun. Buti nga, hndi sinunog eh.
Minsan, hindi ko maiwasang mainggit kay Quen. Kasi siya na ngayon yung laging nasa tabi ni Kath na ako naman dapat.
Namimiss ko na din ang barkada :( dinadalaw ako rito minsan ni mama. Busy na din kasi sila sa pag-aasikaso ng business namin sa Las Vegas.
Nakakalungkot man, kelangan kong tanggapin ang pangyayari ngayon.
Sa 2 years na lumipas.. Marami ang nagbago.. Pero isa lang ang nanatili..
Yun ay ung pagmamahal ko kay Kath. Hanggang ngayon, siya parin. Hanggang ngayon, siya parin ang iniisip at hinahanap ng puso ko. Minsan, kapag naaalala ko siya, isinusulat ko nalang sa isang papel yung nilalaman ng puso ko. Hoping na 1 day, mabasa niya rin ito.
Sa barkada.. Si Kris lang ang contact ko. Lagi kong tinatanong kung kamusta na si Kath. Pinapadalhan ko din si Kath ng flowers minsan pero hndi ko sinasabi kung kanino galing. Gusto ko kasi, kahit papano, may connection parin kami sa isa't isa. Kahit hndi niya alam na sa akin galing ang mga yun.
Itetext ko si Kris. Andito rin kasi siya sa Manila. May inaayos daw.
To: KRIS
Pare, mag meet naman tayo oh. Andito ka rin lang naman sa Manila eh.
From: KRIS
Sige pare. Saan ba? Miss na rin kita eh. Yeeeeee.
Hanggang ngayon, hndi pa rin nagbabago tong si Kris. Loko loko parin. Sinabi ko kung saan kami magkikita.
****
Sa SM North Edsa..
"Oh pare! Long time no see. Kamusta ka na?", pagbati sakin ni Kris.
"Pambihira ka. Kanina pa ko naghihintay rito. Saan ka ba nanggaling?", umupo na kaming dalawa dito sa may Gerry's Grill.
"Pasensya ka na. Inayos ko kasi yung reception ng kasal dun sa Shangrila Hotel"
"Ha? Sinong ikakasal?"
"Sorry DJ pero hindi ko pwedeng sabihin sayo eh. Mahigpit nilang ipinagbawal"
Sa sinabing iyon ni Kris, parang may kumurot sa puso ko. Hindi kaya si Kath at Enrique ung ikakasal kaya hangga't maaari, ayaw nilang sabihin sakin?
Nagkuwentuhan pa kami ni Kris. Kumain. At nagkapaalaman na.
Hanggang ngayon, hindi parin matanggal sa isipan ko yung mga sinabi niya. Sino kaya yung ikakasal? At bakit ayaw nilang malaman ko?
------------------------
KATH's POV
"Oh ano? Ready na ba ang lahat? Oops.. Ingatan niyo naman yang displays, baka mahulog! Yung mga abay, okay na ba?"
"Naku bunso.. Wag ka ngang atat dyan. Maaayos din yan"
"Eh kuya. I want this to be perfect! Minsan lang to mangyari nuh"
Si kuya kasi.. Pinipigilan ako eh eto na nga lang yung kasiyahan ko. Hehehe
"Excited na kaya ako for tomorrow's wedding kuya"
"Aynako. Umuwi ka na at magpahinga na. Ako na ang bahala dito bunso"
Dahil nga sa kagustuhan ni kuya, umuwi na ako. At magbe-beauty rest :)))))
-----------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Love Knows No End (Completed)
Hayran KurguFighting for love even if it means fighting against destiny. Paano kaya nila haharapin ang mga pagsubok? Paano sila pagtitibayin nito?