SIXTEEN

9.1K 299 20
                                    

Typos alert haha..

______

"HOY! Gabriela Silang bakit ka tulala diyan anong nangyayari sayo?!" nagulat ako sa sumigaw kaya napakurap kurap ako at hinarap ang kaibigan na nakapa meywang dahil malaki na ang tiyan nito inikutan ko siya ng mata. Iniisip ko kong ganyan din kaya ako pag nabuntis, umiinom ako ng contraceptive pills hindi pa ata ako handa sa ganung bagay ayoko naman biglain ang magulang ko. Isang linggo pa lang siyang nanliligaw simula nang pinayagan ko ito araw araw may bulaklak,hatid sundo minsan pag sa apartment ako umuuwe hindi ko pa kayang iharap siya sa magulang ko bilang isang manliligaw.

"Huh!? a-ayos lang ako marami lang akong iniisip. Kamusta na kaya si Kristelle wala man lang paramdam ang bruhang yon." pag iiba ko ng usapan para naman hindi na magtanong ito wala akong isasagot. Narinig kong bumuntong hininga ito saka umupo sa kaharap kong upuan.

"Ewan ko din pareho lang tayong nagtatanungan niyan balita ko nga hinahanap pa rin siya ni Mr. Torres." napa tsssk nalang ako. Mas mabuti nga sigurong hindi niya mahanap ang kaibigan namin kesa naman andiyan nga puro sakit lang ang pinaparamdam niya.

"Ilang buwan na ba yang tiyan mo sobrang laki na nagpa ultrasound ka na ba?" pansin ko kasi parang hirap na hirap ito tsaka namamanas ang paa niya. magiging ganyan din ako pag magbuntis napalunok ako sa iiisiping mabubuntis na ko huwag muna paunahin ko muna si Bea pati si Kristelle bago ako.

"Seven months tsaka baby girl." nakikita ko sa mata ng kaibigan ko ang saya nang sabihin nito 'baby girl' napangiti din ako,at biglang nangunot ang noo ko dahil pitong buwan na ang tiyan nito pero ni anino ng ama ng anak niya hindi ko pa nasisilayan. "Bakit?"tanong nito nang mapansin ang pangungunot ko.

"Iniisip ko lang na pitong buwan na yang tiyan mo pero hindi ko pa nakikita ang ama niyan, sabihin mo nga sakin ang totoo Beatrice...."

"Kung iniisip mong walang ama ito meron,hindi lang siya nakakapunta dito kasi nasa barko ito next month pa ang baba kaya nandito yon bago ako manganak." putol nito sa sasabihin ko sana. Alam na niya ang itatatnong ko kaya inunahan na niya, napangiti naman ako sa naging reaksyon ng mukha.

"Ito naman magtatanong lang na curious lang kasi ako." nabaling ang tingin namin sa entrance nang umingay ang ibang costumer dito sa café may anghel na pumasok napadako ang tingin nito sa table namin at nagtagpo ang mga mata namin. Hindi ako makagalaw hindi ko nga matitigan ang kaibigan ko nang tumingin siya sakin na nagtatanong na mga mata. Deritso itong naglakad na animo'y nagrarampa ng suot may hawak itong isang pumpong na bulaklak naka shade pa ito. Hindi maalis ang mata ko sa kanya habang naglalakad ito papalapit sa amin. Hindi ko pa nasasabi kay Bea ang tungkol sa panliligaw ng binata.

"Hi sweetie,for you." narinig ko ang panghihinayang ng mga tao sa paligid nang iabot niya sakin ang bulaklak at hindi ko inaasahan mg bigla niya akong hinalikan sa labi mabilis lang yon napaawang ang labi ko sa gulat. "What's wrong?" nagtataka itong nagtanong at napatingin sa kaibigan ko na gulat na gulat din ang reaksyon sa ginawa niya.

"Ahmm...doon muna ako mainit dito hindi ako makahinga." nagtataka naman ang binata sa sinabi ng kaibigan ko. Nakahawak pa ito sa dibdib bago tumayo at iniwan kami sa table.

"Hindi niya pa alam." sabi ko.

"It's doesn't matter,let's go." aya niya sakin,naalala ko pala na may lakad kami ngayon, napadako ang tingin ko sa counter at nakita ko ang kaibigan ko na nakatingin pa saakin sumenyas akong aalis na tumango naman ito. Bumuka ang bibig nito at nabasa ko ang sinabi 'magkwento ka sakin' hindi ako tumango o sumagot dahil hindi ko alam kong masasabi ko nga sa kanya kung anong meron kami ng binata.

Nang makalabas kami ng café sa kotse nito kami sumakay iniwan ko ang kotse ko sa cafe. Hindi ko alam kong saan kami pupunta hinayaan ko lang itong magmaneho.

HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon