SS#2

3 1 0
                                    

'Nostalgia'

Nakaupo kaming lahat habang pinapanood ang matandang babae sa harap. Siya ang bunsong anak ng mga Suarez, ang may ari ng lumang bahay na ito.

"At doon nagtatapos ang kwento ni Midora Suarez at Alonzo Estevez." Pagtatapos niya ng kwento. "Nakakalungkot naman po, naghintay si Midora pero hindi niya alam na hindi na darating si Alonzo." Sabi ng isa kong kaklase.

Ngumiti ang matanda at sumang ayon sa sinabi ng kaklase ko. Tumayo na kami at ako naman ay lumapit sa malaking picture ng Suarez. "Mabait po ba'ng kapatid si Midora?" Tanong ko sa matandang babae.

"Sobrang bait niya at maganda pa. Nakakamangha at ako ang naging kapatid niya." Tinignan niya rin ang pinakamalaking litrato na naka sabit.

Tinignan ko si Midora at napansin ko na may balat siya sa likod ng kanyang palad. Balat na kamukhang kamukha ng akin. Tinignan ko ang balat na nasa likod ng kamay ko.

Hindi ko alam pero naramdaman ko nanaman ang kakaibang pakiramdam. Iyong feeling na parang may hinahanap ako pero hindi ko alam kung sino. Noon pa lang ay lagi ko na itong nararamdaman. Iyong feeling ba na may namimiss ka sa iyong past.

"Lola, nakaramdam na po ba kayo ng parang may hinahanap kayo pero hindi niyo kilala?" Tanong ko sa kanya. Napangiti siya sa akin. "Hindi pa, hija. Pero alam ko ang tawag diyan." Sagot niya.

"Ano po?"

"Nostalgia. Iyong pakiramdam na may ala ala na bumalik sa iyo galing sa nakaraan. Na parang napakahalaga ng ala ala na iyon." Nakangiting sagot niya. Tumango tango ako at sumunod sa kanya.

May pinakita siya sa akin na isang notebook. "Ito ang paboritong kwento ni Midora. Ako ang nagsulat niya." Magaan kong hinawak ang notebook. Halatang iningatan dahil kakaunti pa lamang ang sira. Namangha ako na ikinangiti niya.

"Gusto mo iyo na lang. Basahin mo." Natuwa ako at kinuha ang notebook. Pagkauwi sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto at binuksan ang libro. Pero nang pagkabukas ko ay nagkaroon ito ng nakakasilaw na liwanag. At parang may malakas na puwersa ang humahatak sa akin papasok doon sa loob ng notebook.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari basta ang alam ko ay nasa loob ako ng notebook. Tumayo ako at tinignan ang paligid.

"Nasan ako?" Tanong ko sa sarili ko. Para lang itong natural na mundo. Ang kaibahan lang, puro black and white ang paligid. Pati na ang sarili ko.

"Nasan ako? Tsaka, bakit ganito lang ang kulay?" Tanong ko sa isang lalaki na nakaupo sa isang bench. "Ahm...noon pa man ay ganito na ang kulay dito. Sabi nila, hindi daw babalik ang kulay dito kapag hindi nagkita ang dalawang magkasintahan." Napangiwi ako sa sinabi niya.

Naglakad lakad pa ako hanggang sa may makabangga akong lalaki. "Aray ko..." hawak ko ang pwet ko at tumayo. "Alonzo?" Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. "Midora..." tawag niya sa akin.

Ako...si Midora. Nabuhay si Midora sa katawan ko. Tumulo ang luha ko at kasabay ng pagyakap sa akin ni Alonzo ay ang pagbalik ng kulay sa paligid.

"Midora...mahal ko. Nagkita ulit tayo." Sabi niya at hinalikan ako. "Alonzo...mahal na mahal kita." Sagot ko. Pero sa kalagitnaan ng pagyayakapan namin ay parang may humahatak sa akin.

"Alonzo, huwag...huwag mo ako bitawan." Sigaw ko habang pinipilit hawakan ng mahigpit si Alonzo. "Midora...mahal ko. Kumapit ka--"

Naputol iyon nang makabalik ako sa mundo ko. Bumagsak sa harap ko ang libro at tinignan ko iyon.

"Hanggang sa panibagong buhay. Hindi pa rin pala tayo pwede, mahal ko'ng Alonzo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Short storiesWhere stories live. Discover now