Kakauwi ko lang galing school. At dahil patay gutom ang lola mo, dali dali akong nagprito nang anim na hotdog at nagbukas pa nang century tuna. Gutom na gutom ako, kahit nagbaon ako kanina. Feeling ko eh hindi ako kumain simula kaninang umaga.
Bigla ay naisip ko si Neo. Matapos nang nangyari sa field kanina, mukhang gumaan naman ang pakiramdam nya. Hinatid ko pa sya sa room nya.
"Nakakahiya. Kalalaki kong tao iyakin ako." sabi nya pa habang paalis na kami ng field pabalik nang kanya kanyang classroom.
"Ano ka ba! Hindi masamang umiyak. Ang pag-iyak wala namang pinipiling kasarian yan, nararanasan yan nang bawat tao, mapalalaki man o babae." sabi ko sabay ngumiti sa kanya.
"Kaya ikaw! Pag gusto mo umiyak, willing akong maging tissue mo. Hindi kita aasarin or whatsoever." dagdag ko pa sabay ginulo ang buhok nya. Umakbay naman ako sa kanya habang naglalakad kami.
"Uy ikaw ah." bigla ay sabi nya.
"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Napapadalas na pagyakap mo sakin ah." binigyan nya ako ng nang-aasar na tingin!
Lah?! Napapadalas na ba? Pakshet!
Baka may isipin tong iba!
"A-ano! Kasi ano! Ah kasi, kasi friends tayo!" palusot ko pa. "Ang magkaibigan, nagyayakapan nang walang malisya!"
"Ganun ba yon?" mukhang di sya naniwala
"Oo ganun yon!" paniniguro ko pa
Natawa naman sya, at napatitig na naman ako poging mukha nyang tumatawa.'
"Bibitayin ka ba?!" naudlot ang pagdedaydream ko nang biglang sumulpot si ate sa harap.
"Ha? Anong bibitayin?"
"Dami mong kinakain! Daig mo pang bibitayin!" sabi nya pa
"Gutom ako." tanging nasagot ko lang
Hindi naman na nya ako pinansin at umakyat na sa kwarto nya. Close kami ni ate dati, sadyang nagkaron lang kami nang gap nang sinimulan kami ni mama pagkumparahin lagi. Or should I say ako lang ang nag-iisip na may gap kami, siguro ay dahil bitter ocampo ako na laging si ate ang pinupuri at ako naman ang sinesermonan
Inubos ko na ang pagkain ko, mukhang di na ako maghahapunan. Hinugasan ko lang ang pinagkainan ko, at umakyat na ako nang kwarto ko. Agad naman akong humiga dahil napagod ang katawang lupa ko. Nagscroll muna ako sa facebook, may nagsend pala sa akin nang friend request. Agad ko namang tinignan kung sino.
'Neo Soriano (Payat)'
Gusto kong matawa sa bio nya. Inaccept ko naman ang request nya saka stinalk sya. Di sya masyadong pala-post, hindi katulad ko na buong buhay ko eh nalagay ko na ata sa facebook. Puro mga picture lang nang animé. Ang dp nya nga eh baby picture nya pa. Angkyuuut nya sa dp nya, ang chubby nang cheeks nya. Wala man lang itsura nya sa photos nya, puro animé, adik ata to sa animé.
Maya maya lang ay may nagtext sakin. Agad ko namang tinignan kung sino yon.
'stalk pa'
Halos mabato ko ang cellphone sa sobrang gulat! Pano nalaman ni Neo na stinastalk ko sya? Agad naman akong bumalik sa profile nya at gusto ko manlumo nang may nalike akong post nya! Yung picture nang animé na pinost 1 year ago. Nakakaloka bat di ko napansin yon?!
Nireplyan ko naman sya.
'.wLa nMn lmAn fB mUh !!!!'Maya maya lang ay magreply na sya
'd ako pala-post eh'
BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomanceDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.