01

921 47 1
                                    

Chapter 1

"Kap! Patulong naman sa pagbalance nito!"

"Ako rin Kap! Nahihirapan na kami dito!"

"Yung sa akin itong sa Marketing!"

"Kap!"

"Kapitan!"

"Kapitan!"

Mariin akong napapikit sa ingay nilang lahat. Kakapasok ko palang ito agad ang bubungad sa akin?

"Titigil kayo ng kusa o ako ang magpapatigil sa inyo?"

Kitang kita ko kung paano sila magsitahimik at pumunta sa pwesto nila.

"Good" sabi ko at umupo na rin sa pwesto ko.

Isang linggo nang magsimula ang pasukan kaya ganyan sila kaaligaga dahil unang linggo palang pinapahirapan na agad kami ng mga professor namin.

Akalain mo yon, 2nd year college na ako.

BS in Business Administration major in Marketing

Hindi ko alam ba't ito ang kinuha kong kurso pero ayos naman. Nakakasurvive naman ako.

"Kapitaaaaaaaaaan!" Ano na naman ba!?

Minsan talaga napapaisip nalang ako ba't naisipan kong maging Kapitan ng section na'to.

Dahil walang nakakapagpatino sa kanila kundi ako lang. Tsk. Mga pasaway kasi.

"Kap, si Salazar may pinagtritripan na naman na chicks sa labas! Mukhang bagong salta" paliwanag ni Dash Fontalles isa ito sa running man ko dito sa room. Hingal na hingal ito mukhang tumakbo na naman.

Bagay talaga sa kanya yung running man na titulo

"Ano namang pakialam ko 'don?"

Bawat kurso at section ay may sari-sariling Kapitan at isa sa batas ay walang pwedeng Kapitan ang mangialam sa gulo ng kapwa nito.

"Yun na nga! Ikaw 'yung pakay ng chicks! Lakas mo talaga Kap!"

Chicks?

Babae?

Sino naman kaya 'yon?

"Sige. Bantayan mo 'yang mga 'yan" turo ko sa mga kaklase namin na hanggang ngayon ay tutok sa mga notebook nila. Mamaya ko na lang sila haharapin. Unahin ko muna 'to.

Hindi ko naman na kailangan pang hanapin kung nasaan si Salazar dahil mula dito sa malayo kitang kita ko ang nagkukumpulang mga estudyante.

"Anong kailangan mo kay Santiago? Sakin ka nalang, wala kang mahihita sa talunan na 'yon" aba ! Gago 'to a.

Nang makalapit ako sa kanila naaninag ko na ang mukha ng babaeng sinasabi ni Dash.

Mula sa mahaba at may pa ka kulot na buhok nitong umaabot sa kaniyang bewang, pati sa kulay tsokolateng singkit nitong mata, kilalang kilala ko kung sino siya.

Itong babaeng pasaway na'to

"Salazar" napatingin silang lahat ng sabihin ko 'yon.

"Oh! Santiago ikaw pala!"

"Anong ginagawa mo?"

"Hinahanap ka nitong chicks. Alam ko namang ayaw na ayaw mo 'yung ginugulo ka kaya ako na ang humarap" ngisi ngisi pa nitong sabi.

Gusto ko siyang bigwasan

"She's mine so fuck off Salazar" dahan dahan akong lumapit sa pwesto nila ang inakbayan si Sab. Yeah. Her name is Sabrina Fuentes.

Pricess Charming (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon