Chapter 6
Linggo ngayon
Walang pasok
Wala rin akong pasok sa trabaho ko
Ibig sabihin pahinga ko
Sa wakas!
Nakakapagod din kasi magaral at magtrabaho. Sakit pa sa ulo yung mga kaklase ko.
Tanghali na pala ako nagising, agad akong bumaba dahil nagugutom na ako.
May naririnig akong tumatawa
Si mama tumatawa
Pati si Tim
At isang pamilyar na boses
Ano na namang ginagawa ng isang 'to dito?
"George! Ang angas pala ng kuya ni Ate Sab! Nasapak ka?!" sabi ni Tim at biglang tumawa. Tsk
"Buti hinayaan mong masuntok ka anak?" Isa pa 'tong si mama. Aish.
"Akala ko nga Tita Trina gaganti siya kay Kuya! Buti nalang nakaalis kami agad!"
Nagtawanan ulit sila. Nakakaasar yung tawa nila. Hindi ako natutuwa.
"Anong ginagawa mo dito Sab?" tanong ko bago magsimulang ngumuya.
Hmm. Ang sarap nitong hotdog.
"Wala naman. Aayain lang kitang mag date!"
Uminom ako ng gatas bago sumagot.
"Ayoko. Magpapahinga ako ngayon"
"Ano ka ba naman anak! Lumayas ka naman dito sa bahay"
"Pinapalayas mo ako Ma?" di ako makapaniwala
"Ang arte mo George! Ibig sabihin ni Mama maghanap ka ng chicks!"
"Sige na kasi Babe sama ka na sakin! I'm so bored!"
Tinignan ko sila ng masama
Bakit ba ang kukulit ng mga to?
Ayoko ngang lumabas
Dahil tinatamad ako
Isa pa
Nakakatamad talaga
Tsk
Nangilabot ako nang makita ko ang mga mukha nila
Nagpapacute sila sakin
Pero hindi sila mukhang cute
Ang pangit nila
Ang pangit pangit!
"Tumigil na kayo. Sasama na ako" sabi ko bago umakyat sa kwarto ko para maligo at magbihis.
Narinig ko na naman ang nakakasar nilang tawa.
***
Bumaba agad ako pagkatapos kong magbihis. Nanonood silang tatlo. Enjoy na enjoy yung mukha nila mama.
Minsan lang kasi tumawa 'yan e
Buti nalang nandito si Sab
"Sab, tara na" naagaw ko ang pansin nilang tatlo.
"Anak"
"George"
"Babe""Ano na naman?"
"Alam kong gwapo ka tignan pero anak! Babae ka!"
"Gwapo talaga ni George! Ganda talaga lahi natin!"
"Babe! You're so hot!"
Psh. Tinignan ko yung suot ko.
BINABASA MO ANG
Pricess Charming (ON-HOLD)
Teen FictionHindi siya tulad ng iba Maraming nalilito sa pagkatao niya Mapababae o lalaki ay nagugustuhan siya She will never be your damsel in distress But She can be your PRINCESS CHARMING That will charm your heart in any possible way Do you want to know he...