WARNING⚠️FOUL WORDS AHEAD⚠️
Chapter 12
"Dash, kuhanin mo yung pintura sa storage room"
"Ikaw bilis bilisan mo, kanina ka pa dyan"
"Ayusin mo yang ginagawa mo Richardson"
"Sab! Stop playing we're in the middle of work here"Napapahilot nalang ako sa sintido ko habang pinapanood silang lahat.
Kanina pa ako utos nang utos pero karamihan sa kanila ang hirap sumunod. Lalo na majority sa kanila ay lalaki.
Nagkakagulo ang lahat. Hindi ko naman sila masisisi, taunan itong Foundation Day namin. At lahat ng mga courses at section ay required na gumawa ng sarili nilang booth.
Kung gugustuhin namin at hindi nalang kami gagawa pero may papremyo na hindi namin mahindian. Free lunch for a month.
Sino ba namang tatanggi sa libre?
Yung booth namin?
Tiyak akong maraming matutuwa dito
Lalong lalo na ang mga babae
Pwede ring yung lalaki
Hindi ako papayag na hindi namin makukuha ang free lunch na yon.
"D-dash, may nag kulang kasi sa materials p-pwede bang ikaw nalang yung bumalik sa mall?" Rinig kong tanong ni Celine kay Dash na busy-ng nag gugupit ng gagamitin para sa props.
"Marami pa akong gagawin pwede sa iba nalang? Malalagot ako kay Kap" napangisi naman ako sa sagot nito.
"Ako nalang" pagpresinta ko.
Tutal tapos naman na ako sa ginagawa ko.
"A-aah? S-sigurado ka?" Tumango naman ako.
"Babe! Sama ako!" Sinamaan ko ng tingin si Sab.
"No, you'll stay here. Para naman may maiambag ka"
"But--"
"Marami pa kayong gagawin. Kaya ako nalang. Ano ba yung bibilhin ko?"
Inabot nito sa akin ang listahan, marami rami rin pala.
"Asan yung pera?"
May iniabot ito sa aking dalawang libo.
Habang ako naman ay tinignan silang lahat.
"Siguraduhin niyong pag dating ko dito may makikita akong pagbabago. Kapag wala, lagot kayong lahat sa akin"
"YES KAP!" sabay sabay nila sagot bago ako umalis.
Seryoso akong naglalakad pababa sa hagdan habang nakalagay ang kamay ko sa loob ng pantalon ko.
Bawat room ay may mga ginagawa, mukhang lahat ay interesado rin sa pa-free lunch.
Hindi ko mapigilang mapangisi
"Santiago! Long time no see!"
Napatigil ako sa paglalakad at tinignan ang lalaking nakasalubong ko.
"Salazar" tawag ko dito.
Yohan Salazar, isa siya sa mga Kapitan na hindi ko makasundo, masyadong maamo ang mukha niya sa mala demonyong ugali nito. Siya yung lalaking nangursunada kay Sab nung nakaraan.
"Seryoso mo naman masyado ngayon na nga lang tayo nagkita" sabay akbay nito sa akin.
Tinitigan ko ang kamay niyang nasa braso ko bago samaan ito ng tingin
"Bitaw"
"Relax. Wala akong gagawin sayo. Gusto lang kitang makausap" hindi pa rin nawawala ng mapaglarong ngisi nito sa bibig.
BINABASA MO ANG
Pricess Charming (ON-HOLD)
Teen FictionHindi siya tulad ng iba Maraming nalilito sa pagkatao niya Mapababae o lalaki ay nagugustuhan siya She will never be your damsel in distress But She can be your PRINCESS CHARMING That will charm your heart in any possible way Do you want to know he...